chapter 58: Libre

456 14 0
                                    

Ana POV

Nagising ako ng may humalik sakin. Nang tignan ko ay nakita agad ng mata ko si grey na nakangiti sakin.

"Good morning, babe" masayang sabi niya na kinangisi ko.

"Good morning, babe. Oh! Nakabihis ka na agad?" Gulat kong sabi ng makita ko siyang nakaligo't nakabihis na.

"Oo! Dahil tulog mantika ka! Hindi mo alam!"

"Tsk, ano ng oras natapos yung birthday party ni jane kagabi! Ano nga bang oras natapos?"

"2:10am" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Hindi ko na kasi tinignan kung ano ng oras dahil antok na antok na ako. "Tsk, bumangon ka na diyan! Malate pa tayo!"

"Opo, boss! Ito na po boss tatayo na"

"Good, kaya halikan mo na ko!" Ngumisi ako saka siya hinalikan siya sa pisngi na kinasimangot niya.

"Dating gawi, boss! Maliligo na ako boss!"

"Yah!" Sigaw niya na kinatawa ko. Lumabas ako sa kwarto niya saka ako pumasok sa kwarto ko para maligo at magbihis bago lumabas ng makita ko agad si grey na nakatitig lang sa pader.

"Woi!" Sigaw ko na kinagulat niya. Natawa ako ng muntik pa siyang mapatalon sa gulat. Sinamaan niya ako ng tingin na kinangisi ko.

"Yah! Bakit mo ginawa yun?"

"Trip ko lang?"

"Tsk"

"Singhal-singhal ka pa diyan, halika na malalate na tayo!" Inaya ko na agad siya pababa ng hagdan hanggang sa makapunta kami ng dinning table at nagsimulang kumain ng breakfast. "Oh, bakit? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko ng bigla siyang napatigil.

"Ah?"

"May masakit ba sayo?"

"Ah! W-wala-wala" mas lalo akong nag-alala sa sinabi niya pero hindi ko na iyon pinahalata.

Matapos naming kumain. Pumunta na kami agad sa campus at tulad ng inaasahan nandito na ang mga kaibigan namin. Napangisi ako ng makita ko si jake na nagtatago sa likod ni jane.

Akala ba nito hindi ko maalala na ngayon niya ako ililibre?

"Hi jake! Maya ah! Yung libre ko!" Masayang sabi ko na kinakunok niya. Natawa kami ng dahan-dahan siyang tumango. "Wala pa ba kayong practice?" Takang baling ko kay elle.

"Wala pa yung leader namin, ikaw! Pumunta ka na dun! Ayun na si lannie, oh!" Turo niya kay lannie na kausap si anthony.

"Huwag kang makikisali sa gulo nila, ah?" Banta ni grey na kinangiwi ko.

"Nasa dugo ko na atah yun?"

"Isa!"

"Oo na! Pero hindi ko naman matitiis yun---"

"Rhiana!"

"Sabi ko nga! Ikaw kasi Rhiana!" Sita ko sa sarili ko na kinatawa nilang lahat. "Tawa-tawa! Bye, guys! See yah tomorrow---"

"Ano na namang tomorrow?"

"Hindi! Prina-practice ko lang mag-paalam para mamaya" natawa ulit silang lahat sa sinabi ko habang si grey ang sama na ng tingin na kinalunok ko. "Hehe, una na ako! Baka kapag nalate ako ma-5 rounds pa ako ng wala sa oras!"

"Edi, maganda yun! Guys, kunin siya para malate---"

"Wahhhhh, ayokooo!" Sigaw ko saka nag-umpisa ng tumakbo papalayo doon. Hanggang dito naririnig ko pa din tawa nila.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now