chapter 15: Tulong

853 19 0
                                    

Ana POV

Matapos namin umiyak ni elle, pina-upo muna kami para magpahinga. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin dahil pati ako wala sa sarili at nakatingin sa kawalan na iniisip na sana binibisita ko noon si daisy kahit na break na kami, pero napakasarili ko ni hindi ko manlang na isip na hinihintay niya akong bibisita sa kaniya. Hindi ko manlang siya nasilayan ng huli siyang nabubuhay dito sa mundo.

"Kumain na tayo" basag ni ate mae ng katahimikan. Nilingon ko si vince na nakatingin sakin saka siya sinamaan ng tingin. Kung hindi dahil sayo hindi ko maiiwasan yung kapatid mo. Tinignan ko si elle na ayos naman na dahil nandiyan si jane para pasayahin siya. Yung ingay na narinig ko nung tumawag si ate trisha alam kung nagwawala na siya at alam ko na hindi lang yun ang gamit na sinira niya. Tahimik akong kumain habang sila nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan. Nagulat na lang ako ng may kumuldit sakin sa likod ng lingonin ko ay sina taylor.

"Ayos na ba pakiramdam mo?"

"Oo naman, sorry pala kung hindi na namin kayo napasalamatan sa tulong niyo"

"Ayos lang yun, tirahan naman namin toh kaya dapat tumulong din kami" tumango na lang ako ng wala na akong sasabihin. Matapos namin kumain tumayo na kaming tatlo nina elle at jane.

"Excited na akong magturo, hehe" masayang sabi ni jane. Ngumiwi kami ni elle.

"Kaloka, kaninang umaga nagre-reklamo ka at sinisisi mo kami tapos ngayon, tsk, tsk, tsk" ani ni elle

"Malamang may kasama tayong boys saka binabawi ko na yun, haha" bulong ni jane samin, natawa na lang kami sa pinag-gagawa niya.

"Wahhhh" sabay-sabay kaming napalingon sa likod namin. Nagulat ako ng ang daming bata na nasa 60+ sila na tumatakbo papalapit samin.

"Mga bata, tumahimik kayo" sigaw ni ate mae na kinatahimik ng mga bata. "Ana, jane and elle, sila ang tuturuan niyo and here, ibigay niyo sa kanila"

Tinignan ko yung tatlong box na may katamtaman na laki. Lumapit ako dito saka binuksan ang laman, sa unang laman ng box ay puno ng coupon na may drawing, sa ikalawa naman ay mga crayons at sa pangatlo ay eraser, papel at lapis na may kasamang pangtasa.

Tumingin muli ako sa mga bata na nakaupo na sa malinis na sahig habang nakatingin samin.

"Kami din magbibigay?" Angal ni jane. Tumango si ate mae na kinakunot-noo.

Anong saysay ng mga kasama namin tsk.

Inis akong kumuha ng mga gamit sa box saka isa-isang binigay sa mga bata na nakangiti na. Nilingon ko sina elle at jane na nagbibigay na din.

"Hi, ate ana. Yung promise niyo po ah na maglalaro tayo" nag-angat ako ng tingin saka nakita si coco. Ngumiti ako at tumango na kinangiti niya ng malaki.

Lumakad na muli ako saka namigay ng mga gamit. Nang matapos pumunta na kami sa harap. Kumuha ako ng sample para ipakita kung anong gagawin.

"May nakikita kayong drawing sa coupon niyo diba? Kailangan niyong kulayan yan para gumanda kung sino ang pinaka-maganda may candy na matatanggap, so yun lang kaya magsimula na kayo" nilingon muli nila yung coupon saka nag-kulay.

"Saan ka kukuha ng candy?" Nakangiti kong nilingon si elle ganun na din ang mga kasama namin.

"Just wait me here" inabot ko yung coupon saka pumunta sa kubo. Hinanap ko yung candy na frutos sa bag saka kinuha ang limang supot nun. Babalik na sana ako sa mga kasama ko ng harangan ako ng sampung lalaki na mukhang lasing at malalaki ang katawan. Napalunok ako ng padasaan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong kailangan niyo sakin?" Tanong ko na kinangisi nila.

"Katawan, miss beautiful" anang lalaki na nag-yoyosi pa. Napaatras ako ng dahan-dahan silang lumapit.

The Cold GuyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα