chapter 56: Tawag

441 12 0
                                    

Tony POV

"Ilang araw ng nawawala si leo! Nasaan ba siya?" Galit na sigaw ko sa mga tauhan ko.

Mahalaga si leo sa grupo! Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko bukod kay Ian.

"Master, baka po umuwi na sa kanilang bahay!" Sagot ng mga katauhan ko.

"Opo, master! Sabi niya gusto niya muna daw dalawin yung pamilya niya!"

"Peste! Kung kailan nagsisimula na tayo sa plano! Tawagan mo!" Sigaw ko dito na agad ginawa ang pinapagawa ko. Naghintay kami ng 5 minuto pero hindi niya sinasagot. "Magbibilang ako ng sampu kung hindi niya pa sinagot yan ay patayin na siya, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2. 1... Patayin ang buo niyang pamilya!" Galit na sigaw ko na tinanguhan nila.

"Ang init naman atah ng ulo mo? Haha" napatingin ako kay Ian na bagong dating.

"Tumahimik ka muna!"

"So, ano ng balak mo niyan?"

"Gagantihan ko sila trace! Magbabayad sila sa ginawa nila sakin ng gabing iyon, may dungis na ang mukha ko! Peste! Pano na ako magugustuhan ni zelle!"

"Haha, buti pa ko! Kapag natapos ko ng gantihan sila vince ay babalik na ako sa america para ligawan ang aking pinakamamahal na babae na walang iba kundi si queen joyce ko"

"Tsk, ganun din ang gagawin ko! Hindi ko na papakawalan si zelle. Mahal ko ang babaeng yun!"

"Mas lalo naman ako! Pagbumalik ako sa america magbabagong buhay ako kasama si joyce, gagawa kami ng masayang pamilya, haha"

"Siguraduhin mong hindi mo sasaktan si joyce!"

"Hindi ako tanga para saktan ang taong pinaka-mamahal kong babae sa balat ng lupa!"

Siguraduhin mo dahil kapag sinaktan mo ang kaibigan ng aking pinaka-mamahal na babae, tayo ang magkakamatayan!

Ana POV

"Babe, gising na!" Gungun ni grey sakin. Palibhasa magaling na. Tumayo ako baka buhusan niya ulit ako ng tubig naku, talaga!

"Good morning, babe" sabay halik sa labi niya na kinangisi niya.

"Nagbago atah, ihip ng hangin? Haha, good morning, babe"

"Tsk, ngayon lang toh! May masakit pa ba sayo?"

"Wala na! Nandiyan ka eh!"

"Sus, syempre maganda ako kaya gumaling ka agad, haha"

"Asa!" Ngumuso na lang ako. Hindi ko inaasahan na hinalikan niya ako. "Kapag nakikita kitang ganiyan inaakit ako ng labi mo!" Ngumisi ako saka ko siya binato ng unan.

"Maliligo lang ako then, bibili na tayo ng regalo para kay jane"

"Sige, bilisan mo! Baka iwan kita!"

"Sabi mo hindi mo ko iiwan!"

"Joke lang yun, ano ba! Maligo ka na ang baho mo na!"

"Abay loko ka ah! Hindi ah" sabay amoy sa sarili ko at naaamoy pa rin ang pabango ko.

"Just kidding"

"Tsk, kung mamimiss mo ko agad kumatok ka na lang sa pinto ko ah!"

"Asa!"

"Ah ganun? Tignan natin!" Lumabas agad ako sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko.

Naligo at nagbihis agad ako baka kasi iwan ako nun! Habang nagsusuklay ako may kumatok na kinangisi ko.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now