CHAPTER 8

106 36 1
                                    

CHAPTER 8

Ian's point of view

Hello Im Ian Suarez kapatid po ako ni Maurine Acraine. Im 23 yearsold mas matanda ako sakanya ng 4 na taon. So back to the topic hindi kami dumeretso sa bahay dahil ansabi ni Mama ay sa ospital kami pumunta at sa doctor ni Maurine.


Nakasilip si maurine sa bintana mukhang malalim ang iniisip nya. Naging mahirap samin noon dahil kada taon ay inooperahan siya napakasakit kasi.... noon suko na si mama at papa. Matigas kasi ang ulo ni maurine kaya yan nagkaganyan siya.

Kala nyo wala syang sakit noh meron syang sakit pero hindi pa sya baliw ha! 1 operasyon nalang at magiging ayos na ang kalagayan nya. May mga gamot din syang iniinom tuwing tanghali pero hindi nya siguro inaamin na meron talaga syang sakit.

"Ian,andito na tayo alalayan mo si Mau" sabi ni Mama. Tumango ako at umuna akong lumabas. Hinawakan ko ang kamay ni Mau.

"Salamat kuya" sabi nya. Nginitian ko nalang sya.

Kinakausap ni mama ang doctor ni Maurine. Parang hindi mapakali si mama.

"Ano?! Kailangan pa syang dalhin sa America para dun mag pagamot?!" Isang malakas na sigaw ni mama. Kaya napatingin ang lahat. Lumapit ako kay mama.

"Ma,calm down" sabi ko. Kumalma si mama.

"Gano katagal ang operasyon?" Sabi ni mama na parang paiyak na.

"Mga 1 week ms. Suarez, asawa ko ang doctor na nandon hindi nya kayo bibiguin" sabi ni Dr. Levin.

"Cge payag ako,pero isasama nyo ako at ang mga anak ko" sabi ni mama.

"Walang problema Ms. Suarez" sabi ni Dr. Levin.

"Maurine,anong nararamdaman mo?" Tanong ni Dr. Levin.

"Nahihilo ako" sabi ni Maurine. Namumutla si Mau hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pag nagkakaganyan ang kapatid ko.

"May iba ka pa bang nararamdaman?"

"Wala na"aniya.

"Good,inumin mo nalang ang gamot mo ha" sabi ni dr. Levin. Tumango si Mau.

"Pede na kayong makauwi magihing okay din sya pag ininom nya ung gamot" sabi ng doctor.

"Maraming salamat" sabi ni mama. Umalis ang doctor at naiwan kami. Napaupo si mama.

"Umuwi na tayo." Sabi ni mama habang hawak nya ang balikat ko. Inalalayan kong tumayo si Mau. Nakarating kami sa labas ng ospital at hinanap si manong.

Kean's Point of View

Nakita ko si Pia sa likod ng aming school kung saan dun ang tambayan namin. Agad-agad ko syang nilapitan at hinigit ang braso.

"Pia! Nasisiraan kana ba ng ulo? Pagmay nangyaring masama kay maurine ikaw ang una kong sisisihin ko tandaan mo yan!" Sigaw ko sakanya sabay bitaw sa braso nya. Napayuko siya.

"Im sorry Kean hindi ko naman sinasadya eh" sabi ni Pia.

"Ano?hindi sinasadya? Ginagago mo ba ako? Eh kitang kita kong tuwang-tuwa kapa hindi yun sinasadya ha?" Sigaw ko. Lumuha na si Pia.

"Sorry" sigaw nya sabay punas ng luha.

"Sorry? Eh kung may mangyari ngang masama! Ha! Kingina Pia!" Sigaw ko. Sabay kamot sa ulo.

"Wag mong isipin na may mangyayari sakanya at wag mokong murahin Kean....." sabi ni Pia at napaupo na sya sa semento.
Nagalis na agad ako ayaw kong makakita ng umiiyak na babae ng hihina ako.

When I Met You | Book 1| [COMPLETED]✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang