CHAPTER 11

108 26 1
                                    


Maurine's Point of  view

Nagpahatid nalang ako kasi nakakatamad magbike. At ayaw ko narin iyon ihabilin kay kuya popoy nahihiya nako. Nakarating din ako ng maaga sa school. Medyo tahimik dahil kakaunti pa ang mga estudyante.. pumunta muna ako sa banyo. Pagpasok ko palang meron ng lima na babae.

"Uy diba may sakit sya" bulong nung babae. Tiningnan ko lang ito ng masama. Habang nagaayos ako ng mukha ko.

"Oo nga bes may sakit yan nakakaawa kasi baka nababaliw narin yan" sabi nung isa. Binuksan ko ang gripo kumuha ako ng tabo at pinuno ito ng tubig.

"Pinaguusapan nyo ba ako?!" Sigaw ko. Lumapit ung babae sakin kaya napaatras ako.

"Bakit affected ka?" Nakakalokang tanong ng babae.

"Oo nga, affected ka?" Nqpalingon ako sa isang pang nagsalita. Wala na akong naiisip pa agad kong itinaktak sa mukha nila ang tubig.

"Once na makinig ko pa kayong pinaguusapan ako, ilulub ko na yang dalawa nyong ulo dyan sa bowl! Ano naiintindihan nyo ba?! Huh?!!" Sigaw ko. Kita sa kanilang mga mukha ang takot. Ngumisi ako.

"Takot naman pala kayo eh...ay wait hindi ako baliw okay may sakit lang ako pero hindi ako baliw!" Sabi ko. At umalis na.
Umakyat ako sa 2nd floor baka kasi nandun si Faith.

Pero pagakyat ko palang nakita ko si Sophia at Kean na magkasama nakaupo sila sa hagdan papuntang 3rd floor hindi kona sila pinansin. Naghintay ako sandali ng dumating si Faith.

"Ang aga mo ngayon ah" sabi nya.

"Hindi noh nalate ka lang" sabi ko sabay tingin sa gilid.

"Hahaha hindi ako late" sabi ni Faith. Tumingin ako sa kanya.

"Oo maaga nako" sabi ko.

"Haha bakit naman ang aga mo ngayon?" Sabi ni faith sabay sandal sa pader.

"Aba nagising ako ng maaga kasi umalis na agad sila ate" sabi ko sabay kuha ng cellphone sa bulsa ng aking palda. Nagbukas ako ng wattpad at pinagpatuloy ang pagbabasa sa story ni Kuya KIB na Chasing hell.

"Uy nagwawattpad ka na naman!" Sabi ni faith. Tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Wala lang" sabi niya. Nagbasa nalang muli ako.

Zam's POV

Naglalakad kami sa hallway ng aming school puro bati at hiyawan ang naririnig namin.

"Wahhh Zam sakin ka nalangg!!" Sigaw ng babae na nakakuha ng atensyon ko. Nginitian ko lang sya.

"Goodmorning sainyo" bati ng isang babaeng nakasalamin. Napatigil kaming 4. Kilala namin sya.

"Courtney?" Sabay namin sabi napaatras ang babae.

"Ha? Courtney? Hindi ako si Courtney im Chelsea hindi nyo parin ba ako tanda! Hays!" Sabi nya sabay lakad.

"Chels, wait lang naman" sabi ni gab. Humarap si Chels at tinanggal ang kanyang salamin.

"Bakit ba?" Tanong nya.

"Nasan pala si Courtney?" Tanong ni Xavier.

"Aba malay ko! Ako yung nandito tapos sya ang hanap nyo!" Sabi nya sabay lakad ng patabog.

Hays kung tinatanong nyo kung kaano-ano namin siya kaibigan namin pinsan siya ni Kean at kambal iyong si Courtney at Chelsea pero mas maayos si Courtney kaya madaming nagkakagusto sakanya tulad nalang ni Xavier.

"Tol, asan pala si Kean?" Tanong ni Darren.

"Nasa 2nd floor nadaw sya kasama si sophia" sabi ko. Nagtext kasi siya sakin.

"Ahh sige tara na" sabi ni Xavier.

Kean's POV

Nakita ko si Mau at si Faith mukhang busy sila.

"Kean..."

"Hmm?"

"Magsosorry nako kay Maurine..." sabi ni Pia.

"Good."sabi ko sabay hawak sa ulo nya. Tumayo siya at lumapit papunta kina Mau. Tiningnan ito ni Faith.

"Maurine...." tawag ni Pia kay Mau. Nilingon naman ito ni Mau. Tumayo si Mau sabay lagay ang cellphone sa kanyang bulsa. Ngumisi ito sabay lapit uli kay Pia.

"Baket?" Tanong ni Mau habang nakataas ang kanyang kilay.

"Sorryy...." sabi ni Pia at yumuko. Hindi
umimik si Mau. Nawala ang ngisi nya.

"Sorry? Huh! At ngayon mo lang ako naalala put*!" Sabi ni Mau. Ngunit nakayuko parin si Pia hinawakan ni Mau ang baba ni pia sabay inangat para makaharap niya si Pia. Gets? Kung di mo gets bala kaa....

"Maurine,sorry hindi ko un sinasadya!" Sabi ni pia ng pasigaw.

"Sinisigawan moko? Huh? Nagsosorry ka tapos ganan ....hindi mo sinasadya huh!" Sabi ni Mau sabay tulak kay Pia kaya naman napa-upo si Pia. Agad akong lumapit kay Pia at inalalayan syang tumayo.

"Mau! Ano ba nagsosorry na nga yung tao!" Sabi ko. Ngumisi si Mau kita ko may luhang pumatak. Nilapitan sya ni Faith.

Faith's POV

Nilapitan ko si Mau ng makita kong pumatak ang luha nya. Umiyak na sya ng tuluyan.

"Tanga...hi-hindi nyo kasi alam yung nararamdaman ko e ansakit na eh parang ako lagi ung mali, pero kayo naman yung mali ang unfair, ako may sakit kayo wala. Tapos ganyan pa kayo saken kaya ko lang naman to nagagawa dahil nasasaktan ako ng sobra! Ansakit naaa..." sigaw ni Mau sabay yakap sakin.

"Shhh tahan na" sabi ko sabay hawak sa ulo nya.

"Kean,umalis nalang kayo.." sabi ko. Umalis sila pinaupo ko si mau sa inupuan nya kanina. Umiiyak parin sya nasasaktan din ako.

Ian's POV

Hapon na alam kong hindi ko masusundo si Mau kaya naman tinawagan ko sya.

"Kuya?" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Mau,sorry hindi ka masusundo ni kuya pero promise susunduin kita sa monday at ihahati-" naputol ang iniimik ko ng patayin nya ang linya. Bumagsak ang katawan ko sa upuan ng aming opisina. Baka nagalit si Mau sakin.


Maurine's POV

Hindi na naman ako masunsundo. Nakakalungkot lang. Wala pa rin kase yung driver namin, maaga daw umalis. Hayst.
Nakakainis lang diba?



Nagulat ako ng makita ko si Kean at Zam sa hindi kalayuan. Nagtatawanan sila. Close na close pala sila ni Kean eh. Naalala ko tuloy yung kanina.

Parang papatak uli yung luha ko pero pinigilan ko nalang. Wala naman akong magagawa kase ganto na ako. Naiiba ako. Tsaka kasalanan ko naman lahat kung bakit nagkaganito rin ako.


Umuwi akong malungkot. Sinalubong ako ni Manang at inalalayan ako pagpasok.


"Kamusta, ang nararamdaman mo?" Tanong ni manang" ngumiti ako ng mapait.



"Okay na po ako" deretsong sagot ko.



"Ganon ba, mabuti naman. Halika rito ipinagluto kita ng sopas. Ansabi kase ng Mama mo ay ipagluto kita"



"Salamat po, Manang" nginitian niya ako at sinandukan ng sopas. Ambait talaga ni Manang.



"Pagkatapos niyan ay uminom ka ng gamot mo at matulog kana. Okay ba?" Aniya.




"Opo, salamat po sa pag-aalaga sakin" ngumiti siya at hinalikan ang ulo ko.



"Mahal na mahal ka namin, Maurine. At dapat lang na alagaan ka namin. Lalo na't masama ang pakiramdam mo"


Niyakap ko siya.



"Mahal rin kita manang. Wag kana pong aalis samin ah? Aalagaan nyo pa ang magiging anak ko" tumawa siya.



"Oo naman"





___________________________________________________________


:)

When I Met You | Book 1| [COMPLETED]✓Where stories live. Discover now