CHAPTER 35

75 13 0
                                    

CHAPTER 35

Maurice's pov

Umuwi ako ng maaga at naabutan ko sina Maurine at lolo na nagsisigawan at umiiyak rin si Maurine.

"Bakit mo ba inaagaw tong alak ko!?" Sigaw ni lolo sabay tapon ng baso pinulot iyon ni Maurine.

"Masusugatan ka mau!" Sigaw ko pero huli na nasugatan na siya.

"Yaya,  padakot po ako nang kalat na yan" sabi ko sabay baba ng bag sa sofa.

"Lo, tama na po ang inom magagalit po si Mama pagnakita nya kayong nagiinom" sabiko.

"Isa kapa Alcraine! Pabayaan nyo ako!" Tinulak ako ni Lolo kaya naman napaupo ako.

"Ate!" Sigaw ni Maurine sabay lapit sakin at inalalayan akong tumayo.

"Lolo, tama na po nakakasakit na kayo ng tao!" Sigaw ni Mau napahawak ako sa kanya. Alam kong lalong magagalit si Lolo.

"Mau please hayaan mo na" bulong ko pero hindi siya nakinig.

"Ni hindi nyo po kami pakitunguan ng ayos tapos kayo pa po ang galit?" Sabi nya muli tumayo si Lolo. Natatakot ako sa
mangyayare. Pati mga maids nagsialisan.

"At sinisigawan mo ako!" Sabi ni lolo sabay hatak kay Maurine at itinulak para mapaupo si Mau.

"Lolo tama na po!" Sigaw ko sabay iyak.

"Isa ka pa wag mokong pipigilan!" Sigaw niya. Lalo na akong naiyak wala akong magagawa ehh pag si lolo ang galit. Sorry Maurine.

"Nasasaktan po ako!" Sigaw ni Maurine na ngayon ay lalong umiiyak narin.

Nakatanggap na naman siya ng isang sapak. Napapikit nalang ako. Bumuhos narin ang luha ng dahil sa nangyayare. Ayaw ko ng nasasaktan si Maurine.

"Mama!" Sigaw ni Maurine.

"Wag na wag mo akong sisigawan tandaan mo yan at napakawalang hiya mo!" sabi ni lolo. Nakayuko parin si Maurine habang naka-hawak sa kanyang pisnge.

"Hindi ako perpektong apo, alam ko yon pero sana naman pahalagahan mo naman ako lolo kahit ngayon lang....." sabi ni Maurine na halos mamula na sa kaiiyak.

Lumapit ako kay Maurine at hinatak sya palapit sakin. Napatigil si Lolo sa sinabi ni Maurine parang naguilty si lolo na pumasok sa guest room. Niyakap ko si Maurine.

"Sorry" sabi ko humagolgol na siya lalo.

"Anong nangyayari dito?" Napalingon kami sa pinto. Nandun si Mama.

"Mama...." mahabang sabi ni Maurine sabay punta sa gawi ni Mama at saka niyakap niya si Mama.

"Anong nangyari?" Sabi ni Mama na alalang- alala. Lumapit narin ako.

"Mama si Lolo po nagwala nasaktan nya po si Maurine" sabi ko.

"What? Umakyat na muna kayo sa taas kakausapin ko lang ang inyong lolo" sabi ni mama sabay haplos sa ulo ni Maurine.

"Okay po mama" sabi ko sabay akbay kay maurine.

"Ate nasaktan kaba kanina nung natulak ka ni lolo?" Tanong niya.

When I Met You | Book 1| [COMPLETED]✓Where stories live. Discover now