Kabanata 8

50.6K 2.7K 1.7K
                                    

Kabanata 8

"Ayan kasi, Cap, sabi sa'yo, don't get distracted in court!" namaywang si Josh. "Kapag laro lang, laro lang, h'wag titingin kung saan-saan!"

Nagpigil ako ng tawa sa litanya ni Jos do'n habang nakatayo sa gilid ng kama kung nasaan si Atlas, si Heart ay humalukipkip lang at nakanguso.

"Gago, I didn't see the ball coming." Atlas hissed, sinuklay ang buhok ng daliri, bahagya pang tumungo kaya muli kong hinuli ang baba niya.

I tilted it a bit and our eyes met, I saw the shyness covering his face kaya ngumiti ako, muli kong idinikit ang compress para sa pasa niya sa may pisngi, may band aid pa ang ilong at may kaunting galos ang labi.

"Ayos ka lang?" tanong ko ang pinagmasdan ang pisngi niya, idinikit ko roon ang compress.

"No," he sighed and spoke a little too low. "Sobrang hiyang-hiyang-hiya na ako sa'yo."

"Show the kids what you got pa more," hagalpak ni Heart kaya sabay kaming napalingon sa kanya. She bit her lip to stop her laugh no'ng siniko siya ni Josh.

"Oh, sorry, 'di na..." ngisi niya at tinaasan ako ng kilay.

Ngumuso ako, siguro akong mang-aasar na naman si Heart kaya ibinaling ko ang atensyon kay Atlas na mukhang may sama ng loob na kinikimkim, namumula pa siya.

"It's okay, hindi mo lang naman kasi nakita talaga ang bola." Pag-aalo ko sa kanya.

"'Di ba?" he glanced at my eyes again. "'Di ko lang talaga napansin."

"Luh, nagpapa-baby si boplaks..." narinig ko pang sabi ni Heart pero siniko siya ni Josh at halos matawa na ako nang magsikuhan silang dalawa, mukhang mag-aaway na.

"Manahimik ka," baling ni Atlas kay Heart na umayos lang na tumayo at ngumisi.

"Aww, kawawa naman, right, Lia?" baling sa akin ni Heart kaya tumango ako at muling bumaling kay Atlas.

Sinuklay ko ang buhok niya ng marahan gamit ang daliri ko, I pushed it back a bit para hindi mahulog sa noo niya at mas makita ko ang mukha niya.

The try out resumed, pagkatapos dalhin si Atlas sa clinic ay nagpatuloy sila, si Ted na muna ang nag-aasikaso kasama si coach. I remembered how much laughter coach spend while we're on our way to clinic, halos magsakalan na sila ng bagnot na si Atlas dahil malakas itong mang-asar.

Bumukas ang pintuan ng clinic, napabaling kami roon ng sabay-sabay at nang bumukas ang kurtina kung nasaan kami ay nagitla pa ako nang makita ang ex ni Heart.

Umismid si Heart at napairap sa hangin habang sumulyap naman si Matt doon sa kanya bago bahagyang tumabi, kakausapin ata si Atlas.

"Cap." He called.

I saw Atlas and his hard expression shifted to a much colder one, masama at iritado ang mukha niya nang bumaling sa lalaki.

"Oh?"

"Pinapasabi ni coach na magpahinga ka muna, tapusin mo na lang daw ang clearance mo after lunch at h'wag na sumali sa try out." Ani nito at nakita ko ang pagtama ng siko niya kay Heart na kunot na ang noo, parang ilang saglit ay sasabog na.

"Okay, wala naman akong balak bumalik doon." Bagnot na sabi ni Atlas at muling inabot ang kamay ko, nagtaka pa ako pero inilagay niya ang compress na hawak ko sa pisngi niya kaya umayos ako ng upo at muling idiniin ito sa pasa niya.

"Heart, can we talk?" natigil lang ako bigla nang marinig iyon, sumama ang mukha ni Atlas, mukhang magsasalita pero hinuli ko ang kamay niya at pinisil.

I saw him took a glance at my hand on his, natulala lang doon.

"Wala tayong dapat pag-usapan," Heart said coldly.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon