Kabanata 29

48.3K 2.3K 784
                                    

Kabanata 29

Bakit kaya ang mga taong walang hinangad na kahit ano man kung hindi ang magmahal ay siyang palaging nasasaktan?

Why is life so unfair? Bakit may mga taong hindi makuntento sa kung anong mayroon sila at mananakit para sa kasiyahan nila?

Why do people cheat? Bakit sila mangangako ng panghabang buhay na pagmamahalan sa hirap at ginhawa kung sa umpisa at kalagitnaan pa lang ay kaagad nang susuko?

What's the essence of love kung kaunting bagay pa lang ay mabilis na silang magulo.

Why get married if in the end they'd still choose to find another person to satisfy themselves?

Hindi ba nila naisip ang pamilyang kanilang nasasaktan? Hindi ba nila naisip ang mga taong nasasaktan nila kapag nanloko sila dahil sa pansariling dahilan? Dahil sa panandaliang kasiyahan?

I remembered my mother. I remembered how my lovely mother raised me well despite the challenges she'd been through.

Ang unang pagmamahal niya'y hindi siya ipinaglaban at iniwan. Sa pangalawang pagmamahal nama'y saglit na pinasaya pero sa huli'y iniwang mag-isa. Ang una'y muling bumalik pero sa huli'y muli siyang sinaktan at niloko.

Two different kind of love yet they all fooled her.

My mother, my mother who loved me so much. The strongest woman I am always looking up to and the woman I admired so much was so hurt in the past yet...yet she managed to send me to a great school, she managed to work hard kahit may sakit din siya.

She only loved...why does my loving mother have to experience and be fooled like this? Did she deserve this? She was nothing but a great mother to me, she was nothing but a role model.

She taught me to always be strong and kind, she taught me to never give up despite what the harsh world would do to me. Sinabi niya sa akin noon na tanggapin ang mga pagkakamali at magising ng panibagong umagang gagawin ang lahat para hindi na ito magawang muli.

She taught me to be strong and through these years, I'm doing my best to be pero sa ngayon? Sobrang nasasaktan ako, nasasaktan hindi para sa sarili kong napagkaitan na magkaroon ng ama kung hindi sakit para sa Nanay kong naging mabuti at huwaran sa akin, sa Nanay kong ginawa ang lahat para maging maginhawa ako pero ang ganti sa kabutihan niyang ito ng ibang tao ay pasakit.

Nanay, I'm so sorry...I'm so sorry that you have to be treated this way. I am sorry that you have to be hurt and sacrifice like this if the only thing you want is to love and to be loved.

I woke up with the familiar and traumatizing smell of antiseptic, pagmulat pa lang ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang pamilyar na kulay ng pader. I heard faint voices beside me so I shifted my gaze and saw my grandparents sitting on the sofa, I can hear my grandmother crying and I saw the Doctor talking to Dr. Sean and Tita Marichu.

Gumalaw ako ng bahagya at kaagad nila akong napansin, mabilis na lumapit sa akin si Dr. Sean at lumapit pero mabilis akong napatalon at napalayo.

"S-sorry, I..." I muttered and moved.

I saw how his eyes turned to a lone expression, nakita ko ang marahan niyang pag-atras at si Tita Marichu na ang lumapit sa akin habang nagpupumilit akong maupo.

"Lia..." I saw her hesitated at first. "I-is it okay if I help you..."

I slowly nodded at her, nakita ko ang mabilis niyang kilos at mabilis akong tinulungang makaupo. She adjusted my pillow, nakita ko namang papalapit si Lola at kaagad na nahulog ang luha ko nang makita ang mga mata niya.

She immediately hugged me, nanginginig ako habang yakap siya at ganoon din siya sa akin.

"A-alalang-alala ako, Amalia!" she scolded and I sniffed, hugging him more.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon