CHAPTER I: WITNESS BY THE STARS

2.8K 129 80
                                    



"HOPE isn't just me, hope will always start from all of us. Let's create the world with light, move with justice and together let's breathe the air with value."

Matapos kong basahin ang huling kabanata ng librong aking binabasa ay dahan-dahan ko itong sinara. Madahan kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking mata at humiga sa aking kama sabay tingin sa kulay puti kong kisame.


I never thought that this will be more painful than I imagined. Hindi ko inakala na lubhang sakit pa ang mararamdaman ko kahit alam ko na ang mangyayari sa dulo. Sobrang sakit tanggapin ang katotohanang hindi happy ending ang dulo ng kwentong lubha mong nagustuhan at minahal.


Tumingin ako sa orasan ng kwarto ko upang tingnan kung anong oras na. Alas singko na ng umaga at hindi pa sumisilip ang haring araw.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at pilit bumangon sa aking higaan para maghanda sa napakaespesyal na magaganap ngayong araw.

Ngayon ang araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo, ang araw na pinakahihintay ko pati na rin ng pamilya ko. Isang karangalan sa buhay ko ang makapagtapos ng pag-aaral. Matapos ito, magagawa ko nang abutin at tuparin ang pangarap ko, ang maging isang ganap na astronaut. Ewan ko ba, simula pagkabata, nagsusulat na ako ng mga k'wento. I really love writing, dahil siguro sa murang edad, marami na akong hinarap na pagsubok sa pamilya at lalong lalo na sa sarili ko, and this became my way of expressing my feelings. But when I was 9, I was grade 3 by then, hindi ko alam pero unti-unting tumibok ang puso ko sa mga bituin sa kalangitan, unti-unti kong naramdaman 'yung happiness ko. I can saw my future there. Like the stars above the sky, from the galaxy, unti-unting nagliwanag ang mga pangarap ko. Then I said. . .

   "I want to be an astronaut."

Nakangiti kong sinuot ang malinis at simple kong damit. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng ilang palamuti at alipores sa katawan ko. Syempre, kailangan maganda ako, hindi man palagi pero kahit ngayong araw man lang.

Lumabas na ako ng k'warto ko at sinalubong ako ng masayang mukha ng kapatid ko.

"Morning ate!" bati niya.

"Nasaan 'yung 'Good'?" mapagbiro kong tanong.

"Natraffic sa Mars ate!" sagot niya na medyo natatawa kaya napangiti na lamang ako.

Nagtungo kami sa kusina para kumain ng umagahan. Katulad ko, nakasuot din ng uniform ang kapatid ko, nakapusod ang mahaba niyang buhok at mukhang laging maganda ang umaga. Sana all.

"Nasaan pala si mama?" bigla kong tanong kay Brianna, sa aking kapatid habang kami ay kumakain.

"Nasa trabaho na ate—"

"Huh?! Alam ba ni mama na graduation ko?" kunot noo kong tanong.

"Siguro?" nag-aalangang sagot niya.

Napabuntong hininga naman ako.

Hay, ano ba 'yan. Alam ba ni mama? O talagang wala lang siyang planong pumunta?

Agad naman akong nakaramdam ng lungkot dahil dito. Nakakalungkot lang isipin na walang taong nandiyan para samahan ka sa pangarap na naabot mo. Naiintindihan ko naman kung bakit, pero kasi, kahit sana rito man lang, kahit sana sa pagkakataong ito lamang ay magawa niya akong samahan o miski puntahan lamang. Oo may trabaho si mama. Oo importante ang trabaho niya. Oo para sa amin iyon kung bakit niya ginagawa 'yon, pero sana maisip naman ni mama na kailangan din namin siya.

Nagpaalam na ako sa kapatid ko at nagtungo sa university na pinapasukan ko, sa University of The Philippines o mas kilala bilang U.P. Pagkarating ko rito, gaya ng nakasanayan, hindi na mabilang sa kamay ko ang bilang ng mga taong nandidito. Karamihan at halos sa kanila ay may kasama which is their parents at mapapansin mo ang undefined happiness sa kanilang mga mukha sa mga oras na ito. 

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now