Chapter 8: SURVIVAL OF HOPE

550 58 15
                                    


WE successfully went out on the Earth's atmosphere. From up here I can clearly see what earth looks like outside the space. It's huge and beautiful, it feels like ayaw ko nang bumalik pa sa mundong aking pinagmulan. Gusto ko na lamang manatili at mabuhay rito habang pinagmamasdan ang kagandahang taglay nito.

Our Lord is really powerful. His works are so admirable. He created planet, a living planet which we called Earth. A planet where we live. Isang planetang binubuo ng iba't ibang klaseng tao, and the only thing we have all in common is planet Earth, a planet that provides enough to satisfy every man's needs.

"Is it beautiful?" rinig kong tanong ni Michael.

"More than beautiful," tugon ko sa kaniya habang nakatingin sa left side window ng flight deck at pinagmamasdan ang mundo.

"This is Space Commander Drake Sebastion Galilei of World Aeronautics and Space Administration, SpaceX 369, we are now on our way to International Space Station," rinig kong anunsyo ni Drake, I mean Commander Galilei.

Mula rito ay rinig ko ang sigawan ng mga tao mula sa WASA gamit ang device na nagcoconnect sa amin para sa communication. Nakarinig ako ang hindi mabilang na mga palakpak sa loob ng Navigation System Control Room.

"We pray for your successful mission. Congratulations," rinig naming sabi ng flight director.

Lahat kami ay mababakas ang tuwa at saya sa mga oras na ito. At habang papalapit kami ng papalapit ay natatanaw na namin ang station.

The Space Station Remote Manipulator System connect our shuttle to station. Bago kami lumabas ay sinuot muna namin ang kaniya-kaniya naming space suit. Nang matiyak naming ayos na ang lahat ay unti-unting nagbukas ang metal door ng aming shuttle at sabay-sabay kaming lumabas.

Sinalubong kami ng isang babae na nakasuot din ng space suit tulad namin. Hindi ko man makita ng maayos ang kaniyang mukha dahil sa astronaut helmet na tumataklob sa mukha niya ay masasabi kong maganda siyang babae.

Nangunguna sa amin ngayon si Commander Galillei. Nagulat ako ng tangkain niyang yakapin ang babaeng nasa unahan namin ngayon ngunit natigilan siya dahil sa suot nilang dalawa. Tumama ang kapwa suot nilang space helmet sa isa't isa. At mahina silang napatawa. Hindi ko ba alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kirot dahil sa aking nakita.

"Welcome to International Space Station. A place where you will continue your training for the preparation for Project Mars," bati ng babae na may ngiti sa kaniyang labi.

"We will start your training in Space Vehicle Mock-up Facility, wherein you will practice the Space Shuttle Orbiter and parts of the ISS."

We entered to the station and went to what they so called Space Vehicle Mock-up Facility or SVMF. Pagpasok namin ay amin nang inalis ang suot naming spacesuit. Tanging ang mga uniform na lang namin ang aming suot ngayon. Sinabit namin ito sa isang glass cabinet kung saan dito kumukuha ng isusuot ang sino mang lalabas ng station para sa spacewalk, at dito rin nila iyon ibabalik.

Habang tinatahak ang daan tungo sa pupuntahan namin ay magkatabing naglalakad sina Commander Galilei at ang babaeng sumalubong sa amin. Masaya silang nag-uusap and I can see that there's something between them, base sa kanilang ngiti at tingin sa isa't isa.

Binalewala ko na lamang ang lahat ng aking nakikita sa mga oras na ito. Pagkarating namin sa loob ay dito ko nasaksihan ang mga bagay na hindi ko pa nakikita sa mundo. The facilities, machines, controls, and everything about ISS. Hindi lamang kami ang nandidito ngayon. May mga tao rin dito habang abala sa kani-kanilang mga gawain at nakasuot white uniform na may logo ng WASA sa kanilang damit.

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now