Chapter 4: WASA, ARRIVAL

662 74 21
                                    


THE air touches my skin. Napakalamig ng simoy ng hangin. Mula sa itaas, makikita mo ang nagpapalitang lipad ng mga eroplano at mapapakinggan mo ang ingay na nililikha nito sa tuwing papaalis at tuwing paparating.

     "Take care anak, we love you," sabi ni mama mula sa kabilang linya.

     "Kayo rin po. Malayo man ako, just look at the sky and you'll remember me. Always remember that I am always there," mangiyak-ngiyak kong sabi

     "I'm so proud of you anak, at sigurado akong ganon din ang lola mo."

     Isang luha ang pumatak sa aking kanang mata. Sa mga oras na ito, masaya akong marinig ulit yon kay mama bago ko lisanin ang bansang ito.

     Today is September 15, ang araw kung kailan lilipad kami patungong America upang ipagpatuloy ang pangarap namin. Matutungtong ko na ang aking mga paa sa World Aeronautics and Space Administration Headquarters, sa lugar na pinapangarap ko at masaya ako dahil dito, sapagkat marami mang panahon ang lumipas na pakiramdam ko'y ang pangarap na ito won't become a reality, heto ako ngayon, spreading my wings and will fly through the heart of my dreams.

     "Calling the attention of all WASA passengers."

     "I repeat, calling the attention of all WASA passengers. Flight number ZA 642 to America. We would like to inform all of you that our plane has arrived. Again, our plane has arrived. Please go to Gate 23. Thank you."

     Rinig kong anunsyo at ang lahat ay agarang tumayo at nagtungo sa exit para lumabas at magtungo sa area kung saan nakapwesto ang eroplanong sasakyan namin patungong WASA Headquaters.

     "Ma, call you later. Aalis na po kami," paalam ko kay mama.

     "Alright anak, ingat ka."

     "Bye ma." And then I ended the call.

     Sinakbit ko agad sa balikat ko ang aking shoulder bag at sumunod sa mga nauna. We don't have any large baggage dahil sinabi sa amin noong nagmeeting kami before this na ang lahat ng kakailanganin naming bagay ay ayos at kompleto na roon.

     I felt someone touched my shoulder. "Hey!"

     "Oh, Aly," bigkas ko sa pangalan niya. It was Alyssa at kasama niya si Michael.

     "Aren't you excited?!" sabi niya at mababakas ang excitement sa mukha niya.

     "Of course I am. Pangarap ko ata 'to," nakangiti kong sagot sa kaniya.

     "Woah! I can't wait! Can't wait to witness some advance devices at computers there!" dagdag pa niya.

     "Me either," sabi ko pa.

     "We're almost there. We are about to take off," Michael uttered calmly at gaya namin ni Alyssa, mababakas din sa kaniya ang saya sa mga oras na ito.

     Sabay kaming napatingin ni Alyssa sa kaniya. What he said gave an impact to us. Alam ko ang nais niyang iparating, hindi man literal ngunit makahulugan. He said that we are almost there to reach our dreams and we are about to take off to our old self and life.

     Sabay-sabay kaming pumunta sa area kung saan nakapwesto ang plane na nasasakyan namin. Isang private plane ang sasakyan namin at ito ay isa sa mga imbensyon ng WASA. Kung pagmamasdan mo ang itsura nito ay gaya lamang din ito ng mga pangkaraniwang eroplano na ating nakikita. Ang Gulfstream G550 ay ang isa sa mga halimbawa na katulad nito.

     When we are about to enter inside the plane, isang kakaibang bagay ang nagflash sa may tapat ng pintuan.

     "An identification scanner," saad ni Michael. Agad naman niyang itinapat ang sarili niya sa may pintuan at isang kulay asul na ilaw ang dumaan sa kaniya simula sa taas hanggang baba. Kasunod nito ay ang biglaang pag-pop ng kaniyang pangalan sa screen. Matapos ito, dahan-dahang nagbukas ang pintuan.

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now