Chapter 6: WINGS TO FLY

582 74 17
                                    


     KASALUKUYAN kong pinag-aaralan ngayon ang file na pinadala sa akin ni Commander Galilei about sa system and controls ng isang eroplano pati na rin ng space shuttle. Everything about planes and shuttle are in here.

     Ala singko pa lamang ng umaga at ito ay nareceived ko around four ng umaga. Pagmulat pa lamang ng mata ko, when I heard my morning wakeup call signal from my room's artificial intelligence ay nakita kong may umiilaw na kulay green sa screen ng room ko. Binuksan ko ito at dito nakaattach ang isang file na may nakasulat na from Commander Drake Sebastian Galilei. Nang mabasa ko ang pangalan niya ay hindi ko alam kung bakit bigla tumibok ng napakabilis ng puso ko at bigla kong naalala ang nangyari kahapon.

     Sinantabi ko na lamang ang bagay na ito at pinindot ang pinadala niya at agad namang lumabas ang isang hologram na screen kasama ang nilalaman ng file. Matapos kong mabasa ang tungkol sa mga buttons nito ay pinindot ko ang screen at nilipat sa sunod na mga informations.

     Hindi ko pa natatapos basahin at pag-aralan ang sunod ay may biglang lumabas ulit na hologram screen. Lumabas dito ang mga mensahe sa kanilang mga crew at maging ako ay may mensahe na rin nito.

     I have a physical examination this 6 o'clock in the morning. Nagkibit balikat ako at agad napatingin sa oras.

     Shit it's 5:35 am na!

     Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling nagtungo sa bath room ko. Isang mabilis na ligo at pagbibihis ang ginawa ko. Habang sinsarado ko ang botones ng uniform ko at dali-dali na akong lumabas at halos atakihin ako sa puso sapagkat pagkalabas ko ay may taong nakatayo rito.

     "What the—" Nanlaki ang aking mata. "C-commander?" gulat na gulat kong sabi.

     Tinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at bahagyang tinaas ang manggas nito para tingnan ang kaniyang relo. "You're late astronaut Mondragon."

    "S-sorry commander. I just read the message," tugon ko.

    "Let's go, they're waiting for us," walang emosyon niyang sabi.

    Nagsimula na siyang maglakad ngunit hindi pa man nakakatatlong hakbang ay agad din siyang tumigil na ipinagtaka ko.

    "But before that, p-please buttoned your uniform," tila nag-aalangan niyang sabi habang hindi nakatingin sa akin. Dahil sa kaniyang sinabi ay agad naman akong napahawak sa uniporme ko at dali-daling kinabit ang dalawang botones na hindi pa nakakabit.

    "S-sorry."

    Nang makarating kami sa lugar na pupuntahan namin ay agad kong nakita si Alyssa. She's with her commander, Commander Gagarin.

    "Alyssa." I waved my hand at her. Nilingon naman niya ako at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi ng oras na ako'y kaniyang nakita.

    Lumapit siya sa akin. "Where's Michael?" tanong ko ng siya'y makalapit.

    "Their examination was scheduled at 8 o'clock," tugon niya at ako nama'y napatango.

    We went inside the room. Inside this is a number of cylindrical glasses na hindi ko alam kung para saan.

    "Good morning ladies." Isang babaeng robot ang lumapit sa amin na nakasuot ng laboratory uniform. "I'm XDX 1366. Please go inside the Cyndric Machine for your physical examination," nakangiti nitong sabi.

    At first, I hesitate ngunit nang napatingin ako kay commander na tumango at kay Alyssa naman na ngumiti na parang nagsasabi na 'magtiwala ka lang' at 'walang masamang mangyayari' ay agad na rin akong pumasok sa loob na tinatawag nilang Cyndric Machine.

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now