Chapter Forty two: The two man who's in love with her

1.5K 87 7
                                    

CHAPTER FORTY TWO: THE TWO MAN WHO’S IN LOVE WITH HER

ERIN’S POV

Nagdadrive na ako ngayon patungo sa bagong hideout namin. Hindi na ako sumabay pa sa mga kaibigan ko kanina dahil hinintay ko munang makaaalis sa mansyon ang presidente ng mga itlog.

d>>__<<b

Inis na napapikit at ng maalala ko nanaman ang ginawa niya kaninang pagyakap saakin. Ipinilig ko ang ulo at pilit na binura iyon sa isip ko at nag focus na lamang sa pagmamaneho. Nang makarating ako sa harap ng kweba ay agad kong hinubad ang suot kong helmet saka bumaba sa motor ko.

“Kin, park my bigbike inside” wika ko at katulad ng dati ay bumuka ang lupa na kinalalagyan ng motor ko saka ito dahan-dahan bumababa. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang motor ko saka tuluyan ng pumasok sa kweba.

Agad naman akong pumasok sa Elevator. Habang nasa Elevator ako ay bumalik nanaman sa isipan ko ang yakap na ginawa saakin ni Razvan kanina >__<

FLASHBACK

Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko magawang magsalita ng dahil sa gulat at pagtataka. Napakurap-kurap ako ng maramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya saakin.

“Hu—Huy? A.. Ayos ka..lang?”

Naramdaman ko ang pag-iling niya kaya kumunot ang noo ko. I slightly pushed him pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

“Ma..may problema k-ka ba?” tanong ko ulit, bumuntong hininga naman siya.

“That was the first time..” mahinang sabi niya

“Ha?”
Hakdog Erin! hakdog! Bakit mo siya hinahayaang yakapakin ka?!

“That was the first time i felt so scared.. When i was on my way to saved you i can’t help but to overthink.. I can’t stop asking myself. What if they already did something terrible to you? What are they doing to you?  F*ck i am being so damn emotional at the same time”

dO_____Ob

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at nag-aalala ako na baka maramdaman niya iyon, nahihirapan na rin akong huminga at may kung ano akong nararamdaman siya tiyan ko. Pakiramdam ko rin ay nanghihina na ang tuhod ko dahil sa yakap at pinagsasabi niya at kung may ano saakin na..

Gustong-gusto ang yakap niya..

“Si..Sinabi ko naman sayo diba? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya ko silang pagsusuntukin” yun na ang lang ang nasabi ko

“Pero hindi mo parin maiaalis saakin ang mag-alala. Kahit gaano ka kalakas, kahit gaano ka katapang hindi mo parin maiiwas saakin ang matakot at mag-alala para sayo..”

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang unti-unti niya na akong binibitawan. At ng kumalas na siya sa pagkakayap niya saakin ay napatingin ako sakaniyang mga mata at ganun rin siya saakin.

Parang may humaplos sa puso ko ng makita ang malamlam niyang mga mata, nawala iyong nakasanayan kong makita sa mga mata niya. Nawala ang malamig niyang mga mata at napalitan iyon ng kung ano.

Hinawakan niya ang batok ko at para akong lalagutan ng hininga ng maramdaman ang labi niya sa noo ko. Nagtagal ng halos isang minuto iyon, naiiwas ko naman ang tingin ko sakaniya ng tingnan niya ako. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya salubong ang kilay na tiningnan ko siya.

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now