CHAPTER 49

814 40 4
                                    

CHAPTER FOURTY NINE

ERIN'S POV

Siraulo.

"BULOL KA!".wala akong pakialam kung mabingi o magsilabasan dumi nila sa tenga.Kanina pa ako pikon na pikon sa lalaking to eh.Yun? Yun yung dahilan niya kung bakit hindi niya ako pinapansin? Aba letchugas! Lakas ng sapak.

Inis na tumalikod ako saka walang lingon lingon na nilayasan sila doon.Nang makarating naman ako ng room ay dumeretso ako sa upuan ko at inilayo sa upuan ng presidente ng mga itlog ang akin.

Huwag niya lang subukang kausapin, masusuntok ko talaga siya.Sinamaan ko ng tingin ang upuan niya na para bang nakikita ko ang nakaka asar niyang mukha.Habang busy ako makipagpatayan ng tingin sa silya ng Presidente ng mga itlog, nakaramdam ako ng isang pares ng mga mata na nakatingin saakin.Pasimple ko iyong liningon.Kumunot ang noo ko ng makita ang walang emosyon na mga mata ni Chloe.

Ina ano ko rin to?

Hindi ko nalang pinansin iyon at umiling na lamang saka nagsuot ng earpods, sakto namang nagsipasukan ang mga kasama ko sa pangunguna ni Glynn at Tim na nag aasaran nanaman.

Ng lahat naman sila ay makapasok na sakto namang dumating ang susunod naming sub kaya hindi natuloy ang balak nina Audra na lumapit saakin para sana maki chika (-_-)

Mabilis na lumipas ang oras at namalayan nalang namin na break time na. Nagkakayayaan naman sila na sa Garden ng school tatambay habang ang iba naman ay pupunta na muna ng Cafeteria to buy foods.Reklamo pa ng Reklamo si Tim ng hilahin siya nina Gab para isama.

Nang makarating kami ng Garden ay patago kong sinenyasan si Victoria,Valerie, at Olivia na mag uusap kami. Agad naman silang lumapit saakin na para bang may ilalapit lang na chismis.

"Something is off".Mahinang wika ko

"What do you mean?". Ang kaninang ngiting ngiti na mukha nila ay bahagyang napalitan ng pagkaseryoso.

"I don't know.Pero kanina pa ako nakakaramdam na may nagmamasid saatin".

"Erin. Maraming estudyante ang palaging nakamasid saatin, ano ka ba". Val

"Val.. Alam mo kung anong nangyayari sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito".wika ko kaya natahimik siya at palihim na pinagmasdan ang lugar.

"Two men at right side..". Olivia

"Five mens at the left". Victoria

"What?". Val

Inis na napapikit ako at pasimpleng tiningnan ang mga kaibigan ni Audra. Napatingin rin ako kay Glynn na ngayon ay kinukulit ang presidente ng mga itlog at si Kenan.Mahina akong napamura ng mapagtanto kong nasa Cafeteria sina Richard, Tim, Oliver, at Charles.

"Valerie. You should stay with them with Victoria. Make sure to keep them safe. Oliv and i will make those mens leave".

"What mens?".Lahat kami ay nagulat sa biglang sulpot ng presidente ng mga itlog.

"Pres.." Oliv/Val/Victoria

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now