CHAPTER 45

935 67 4
                                    

CHAPTER 45

ERIN'S POV

"See you later, Sweetie" Mom said and kissed me on my cheeks, sinabay na kasi nila ako dahil may pupuntahan rin daw naman sila. Nagtataka rin ako kung bakit simula nung gabi noong sabado matapos umuwi ng mga Masterson ay hindi ko na nakita ang dalawa kong kapatid hanggang ngayon.

Tinanong ko naman sina Papa kung nasaan sila ang sabi'y nasa ibang bansa daw at inaasikaso ang kaniya kaniya nilang businesses. Ayos rin yung dalawang yun e, dadating ng walang pasabi tapos aalis rin ng walang pasabi! Apaka galing amp! Nakaka touch tch!

"Himala yata gorl, hindi yung mga adonis mong kuya ang naghatid sayo?" Salubong saakin ni Audra na kababa lang ng dala niyang sasakyan.

"Nasa ibang bansa raw e" wika ko at nagkibit balikat nagsimula naman na kami maglakad

"Raw? Mukhang hindi ka sigurado ah?" Natatawang aniya

Umirap ako "Aba e! Lumayas ba naman ng hindi man lang nagpapaalam sakin? Tch!" Maktol ko kaya natawa siya sakin

"Hindi kapa nasanay sa mga kapatid mo haha!" sabi niya saka pinulupot sa kabilang braso ko ang dalawang kamay ko.

"Anong arte yan, babae?" Pinagtaasan ko siya ng kilay

"Ito naman naglalambing lang e!" Nakanguso ngunit nakangiti niyang sabi sakin, nginiwian ko naman siya kaya napahalakhak siya.

"Anong meron sainyo ni Eros?" biglang tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad, tumingin ako sakaniya at nakitang nawala ang nakangiti niyang mga mata kanina "Hindi ko ba pwedeng malaman?" dagdag niyang tanong

"Audra..." Hindi ko malaman kung ano ang dapat sabihin sakaniya kaya tanging pangalan na lamang niya ang naibigkas ko

"Bawal ba? Okay lang hehe! Pero sana huwag mong kalimutan na nandito ako palagi sa tabi mo ah? Handa akong pakinggan at intindihin lahat ng sasabihin mo" sabi niya saka ngumiti sakin "Alam mo namang kapatid na ang turing ko sayo hindi ba?" Dagdag niya kaya tumango ako

"Katulad ng dati, hihintayin ko nalang kusa kang magsasabi saakin" sabi niya saka mabilis na hinila ako at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa building at room namin


Nang makaupo na kami sa upuan namin hindi ko nagawang alisin sakaniya ang mga tingin ko hanggang sa makaupo ko tuloy ay hindi ko namalayan ang paglapit ng mukha ng presidente ng mga itlog sa mukha ko!

d>_<b

"Ano ba!" Inis na sigaw ko sa mukha niya saka tinulak ang noo niya

Sumama naman ang tingin niya sakin pero mabilis na nawala iyon at napalitan ng nakangiti niyang mukha kaya para akong lalagutan ng hininga! Huta!

"I miss you"

dO___Ob

"Yiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Hiyaw ng mga kaibigan naming nakarinig sa sinabi niya

Pilit na kinalma ko naman ang sarili ko "Pwes ako hindi kita namiss! Alis nga diyan!" Kunwaring inis na sabi ko sakaniya saka tinampal ng mahina ang pisngi niya para tuluyan nang malayo saakin

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now