00 - Prelude

573K 14.8K 7.3K
                                    

***

“Riye, check mo si Akane.”

“Okay, nee-san.”

“Okay lang ako! Ano ba kayo?”

Nandito kami ngayon sa likod ng isang abandoned building at hinahabol namin ‘yung kriminal. Pero hindi namin agad napansin na may kasama pala siya at nabaril niya sa binti si Akane.

“Your tibialis anterior is damaged.”

“Ha? Saan ‘yun? Ay basta, ayos lang ako. Habulin na lang natin ‘yung kriminal at baka makatakas siya!”

“Riye, hintayin mo dito sina Hiro. I’ll chase the criminal.”

Tumayo ako at panay agad ang reklamo ni Akane. Alam ko namang gusto niya talagang sumama dahil ayaw niyang maging pabigat pero mas mag-aalala ako sa condition niya kapag pinilit niya pa.

Napatingin naman ako sa likod dahil may naramdaman akong presence. Bigla naman akong napangiti. ‘Yung tatlong lalaki ay tumatakbo na papunta kina Akane at Riye. Sila kasi ang naiwan sa crime scene dahil nagbigay sila ng report sa local police. Hindi kasi muna sinabi sa kanila kung sino ang tunay na pumatay sa victim dahil may weapons siyang tinatago at baka may gulong mangyari. Pero natakasan naman niya kami kaya kami ang humabol.

Tumingin ulit ako sa likuran at nakita kong buhat-buhat ni Ken si Akane. Teka, nasaan—

“Where’s the murderer?”

“Oh my God!”

“What?”

Nagulat ako nung biglang nasa gilid ko na si Hiro. Mas lalo lang siyang naging silent sa pagdaan ng panahon to the point na minsan hindi ko na napapansin ‘yung presence niya.

“Nagtatago siya doon,” sabay turo ko sa isa ring abandonadong building sa kabilang kanto.

“Let’s go.”

Tumakbo kami papunta doon at iniwan namin ‘yung iba. For sure ay papunta na si Miyu sa kanila para tulungan sila. Gusto ko sanang gamitin ‘yung Black Dimension para mas mapabilis ang navigation pero hindi ko pa ‘yun masyadong ma-cotrol. Idagdag pa na nasa state of rebellion ngayon ang ilang Shinigami at ayokong makasalubong sila sa Black Dimension. Hindi ko alam kung nasa panig ba nina Darwin ang makikita ko doon kaya napagdesisyunan kong huwag munang gamitin ‘yun.

“Kung kasama natin si Sir Hayate ngayon, mas mapapadali ‘to.”

“Sadly, he’s in the West.”

Minsan na lang namin makita ‘yung trio—sina Ms. Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi dahil kapag umuuwi sila sa campus ay agad-agad din silang umaalis. Busy sila sa pakikipagnegotiate sa ibang tribes sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi ko alam totally ‘yung binigay na mission sa kanila ni Papa pero feeling ko ay may kinalaman sa pagiging allies ng four Erityian tribes. Kahit si Mama (napagdesisyunan naming i-retain ang pagtawag sa kanila dahil ang weird pakinggan kapag formal ang tawag ko sa kanya. Same with Hiro and Papa), nagpapabalik-balik din sa campus pero hindi niya sinasabi sa amin kung saan siya pumupunta. Mukhang silang dalawa lang ni Papa ang nakakaalam ng ginagawa niya.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now