04 - Trouble

235K 9.9K 4.7K
                                    


Walang nagsasalita kahit isa sa amin at lahat ay nagpapakiramdaman. Sa sobrang taas ng tension ay nahihirapan akong huminga but I kept my expression calm. Nandito kami ngayon sa meeting area kung saan isang round table at apat na upuan lang ang present. Nakaupo ako sa east side habang nakatayo sa likuran ko sina Hiro at Akane.


"Why don't we first introduce ourselves?" sabi ni Darwin at tumingin kaming lahat sa kanya. "I'll start. I'm Seiji from the Shinigami tribe led by my mother, Haruka."

"The rebellion force, huh. Brings back memories," biglang sabi ni Krystal. Ngayong katabi ko siya sa left side ay nararamdaman ko ang lamig sa side na 'yun. Habang tinitignan ko ang expression niya ay para akong nakatingin sa babaeng version ni Hiro.

"Akemi from Senshin tribe. My father is the current President and I guess you're all there during the war."

"Krystal from the Huntres tribe which is currently under my sister's command."

"I'm Nel from Custos. And like you," sabay tingin niya sa akin, "my father leads our tribe."


Pagkatapos naming magpakilala ay wala nang nagsalita at naramdaman ko na naman ang tension sa pagitan naming lahat. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nilang tatlo at ganun din sila. Siguro dahil na rin sa history ng tribes namin. After a century, ngayon na lang ulit nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng leaders ng apat na tribes, though hindi naman talaga kami ang current leaders. Simula kasi noong maestablish ang four Erityian tribes ay hindi na ulit nagkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama ang tribes dahil nagkanya-kanya na sila. And of course, dahil na rin sa dispute sa pagitan ng Senshins at Shinigamis. Kahit na civil kami sa isa't isa ngayon ay may doubt pa rin kami sa kahihinatnan ng meeting na 'to.


"I never thought that the Huntres has a base in Romania," sabi bigla ni Nel kaya napatingin kami sa kanya. Dahil din doon ay medyo nabawasan ang pressure sa paligid.


Ngayong nakatingin ako sa kanya ay para akong nakatingin sa isa pang Akane dahil sa way ng pagsasalita at pagkilos niya, but a bit wilder than her.


"One of our founders, Yllka, used to live here before being labeled as an Erityian. After her death, they built a shrine in honor of establishing the Huntres tribe." sagot ni Krystal.

"I'm surprised that you chose this place," sabi ni Nel habang nakatingin kay Darwin. Ngumiti naman siya.

"Alam kong alam ninyo kung bakit ko 'to pinili. Right?" sabay tingin niya sa aming lahat.

"Because it's the center of the main bases of the four tribes," sabi ko at nagnod sila.


Napag-usapan namin 'to ni Akane at narealize namin habang nakatingin kami sa mapa na nasa center nga ang Romania ng bases namin. Nagkataon namang may shrine dito si Yllka kaya dito kami nagkita-kita.


"For a Shinigami, you're quite bright," sabi ulit ni Nel.

"I'll take that as a compliment."


Sinarado ko kaagad nang mabuti ang isip ko. Napag-isip-isip ko rin kasi na may point si Nel. Both Shinigamis and Huntres depend mainly on their sixth sense and attributes. They can easily use their overwhelming abilities to fight and survive. But Senshins and Custos rely on their critical and reasoning capabilities to survive with the help of sixth sense and animus. I think that's the similarity and difference between the four tribes with respect to our abilities.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now