15 - Future

271K 10.1K 13.2K
                                    


"Si Kaoru ba ulit ang gagamitin natin papunta sa Yllka Shrine?" tanong ni Akane habang naghahanda kami para mamaya.

"Yes. Sabi ni Hiro, kinausap na niya raw si Sir Hiroshi about doon and pumayag siya."

"Nee-san, bakit pala magkakaroon ulit kayo ng meeting?"

"Hindi ko rin alam. Nagpatawag lang si Darwin."

"I'm a bit curious, nee-san." Tinigil naman ni Riye ang pagbabasa ng medical book na nasa lap niya. "Katulad mo ba si Kuya Darwin?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Riye dahil hindi ko kaagad naintindihan 'yun.

"On what aspect?"

"Kasi nung nasa St. Joseph pa ako, I detected a Shinigami among your year level pero kayong dalawa, hindi. Understandable 'yung sa'yo since you are a halfblood or mixed pero siya...is he a halfblood, too?"

"I don't think so. His parents are both Shinigamis."

"Hmm..."


Napag-usapan din namin sina Krystal at Nel. Naikwento ko sa kanila kung paano nila ako niligtas at tinulungan nung nasa base kami ng Shinigamis. Napangiti ako nung maalala ko 'yun. I was raised as the only child and being with girls older than me felt like I have older sisters.

After ng mga pag-uusap namin ay agad ding nakatulog sina Riye at Akane pero ako ay nanatiling gising. Ewan ko pero tuwing gabi ay lagi ko nang naaalala lahat ng nabasa at nakita ko sa chip. Tuwing mag-isa ako, lagi kong naaalala ang paghihirap ni Mama kaya hindi ako makatulog. Kaya naman kinuha ko ang cloak ko at lumabas ako ng dorm. Every time na mabigat ang pakiramdam ko ay isa 'to sa mga pinupuntahan ko—Demi and my mother's graves. Naglakad ako papunta doon pero napatigil ako nung may nakita akong figure sa harapan ng puntod nila.


"Bakit gising ka pa?" tanong niya habang nakatalikod at lalong bumigat ang pakiramdam ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hindi po ako makatulog." Automatic na tumulo ang luha ko pagkasabi ko nun at agad kong tinago ang mukha ko sa hood ng cloak na suot ko pero naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko.

"You don't need to hide your tears." Napatingin ako sa kanya at nakita kong tahimik lang siyang lumuluha habang nakatingin sa puntod ni Mama.

"Papa..."


I immediately stood behind him and I hugged him tightly. He flinched and his body trembled for a while but after a few seconds, he held my arms and I felt his warm breath.


"Your mother did this to me, too. You really have the same actions." Naramdaman ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan ni Papa kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Napangiti ako nung narinig kong ginawa rin 'to ni Mama sa kanya pero nasaktan pa rin ako dahil doon.

"Papa...alam kong selfish request 'to pero...pwede bang kahit isa lang, may malaman ako kay Mama na galing sa'yo?"


Silence.

Gusto kong bawiin na lang ang sinabi ko. I'm really selfish, aren't I? How can I ask him like that? It has been fifteen years but I know that his wounds are still fresh.


"I'm sorry. I shouldn't—"

"It's okay." Napatigil naman ako nung narinig ko 'yun at humiwalay ako sa kanya. He patted the ground beside him so I sat there. Nakatingin lang ako sa kanya at halos lumubog ang puso ko nung nakita ko ang malungkot na ngiti ni Papa habang nakatingin kay Mama. "She's just as reckless as you. Do you remember the rule about not entering the eastern side of the forest after the curfew?" I nodded. "She didn't oblige. Nagpunta pa rin siya doon at nalaman niya kung bakit ipinagbawal 'yun."

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now