Chapter 31

17.7K 459 10
                                    

Typographical and grammatical errors ahead
Ajs
Sorry for the late update pandies

Narrators POV

Lahat ng set Z ay kinakabahan,nilalamig kahit mainit ang panahon at naiilang sa presensiya ng isa sa makakalaban nila dahil sa pagkakakilanlan nito.

"Talo na ako huhu"

"Sana naman makapasok ako sa next round"

"Ang cool talaga ni Aisha, idol ko na siya"

"Shet uwi na! May nanalo na"

"Isang Empress at Gang Leader ang astig ng labanang ito. It's ok kahit mapunta ako sa mababang rank"

Bulung-bulongan ng karamihan lalo na ang set Z

"I knew it"mahinang usal ni  ni Draze nang makabalik sa reyalidad dahil sa pagkakagulat at pagkamangha.

"You knew what?"tanong sa kanya ni Blake na nadinig pala ang sinabi niya.

"Storm and Thunder is right! Tama ang hinala nila na may tinatago nga si Aisha at eto na yun! She.is.butterfly."nakangiting sagot ni Draze kay Blake at tinignan si Ace na nasa stage na pala ngayon kasama ang lahat ng stockholders ng school including their parents.

"Position yourself and ready your weapon"muling paalala ni Prof Garzen.

Hindi pa lumipas ang isang minuto ay may winagayway ng pulang panyo na nakatali sa isang mahaba at manipis na metal, senyales na umpisahan na ang pagtira ng kani-kanilang pana.

"Wow! Just wow! Another perfect 10! Congrats A-aishaleya Snow Caverly! You're the second one who got the perfect ten"Naiilang na anunsiyo ng Propesor.

"What happened Empress? You just got 9.9 nag mintis ka ata?"patuloy ng propesor na nakatingin na ngayon kay Kazandra.

Halata sa mukha ni Kazandra ang pagkapahiya. Sabagay sino ba naman ang di mahihiya kung ang tinaguriang pinakamagaling na babae sa underground world ay nalamangan ng lider ng rank 1 sa gangster world.

"Tss just continue what you're doing will you?"galit at nahihiyang singhal ni Kazandra sa Propesor

Till nasindak naman ang Propesor kay pinagpatuloy nito ang susunod na sasabihin.

"To all students who got 9.3 and above. Please go to my left and to those students who got 9.2 and below, you may take your sit."patuloy na anunsiyo ng propesor.

Nagsipagpuntahan naman sa kanilang upuan ang higit kalahating estudyante ng unibersidad na nakakuha ng 9.2 pababa.

Nabigla sa pagkakatayo si Aisha ng lapitan siya ni Ace at bulungan sa tenga.

"You amaze me with your personality,sweetheart" husky na bulong nito sa kanya.

"Aren't you shock?"takang tanong ni sa kanya

"At first, I got shocked when my lolo told me that it was you. Lolo Aj analyze your move and he found out that butterfly and you are the same."pag amin ni Ace sa kanya.

"You are the grandson of Superior AJ and BC also the son of the King and Queen of the Underground World how come na hindi mo ko pinaimbestigahan?"

"Because I'm madly inlove with you."

Halos tumigil ang paghinga at pagtibok ng puso ni Aisha dahil sa sinagot nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero di natuloy ng magsalita ang Propesor

"The next round is bomb deactivating. It's easy right? I know all of you how to deactivate bomb. But the thrill is you need to be more faster and careful at the same time." Anunsiyo ng propesor habang tinuturo ang mga nakapwestong maliit na high round table na may nakapwestong bomba. Halos sakupin nito ang kalahating lawak ng field.

"So, go to your assigned area and wait for the signal."pagpapatuloy ng propesor.

"Good luck sweetheart" malambing na usal ni Ace kay Aisha na tinalikuran lang siya at hinanap ang pangalan nito sa bawat mesa.

Napasimangot si Ace dahil sa pagtalikod ni Aisha sa kanya o sadyang di lang talaga narinig ang sabi nito. Mabilis niyang binago ang ekspresyon sa mukha niya, dahil ayaw niyang makita ng iba ang ganong mukha niya.

Nagkanya-kanyang hanapan ng kani-kanilang mesa kung saan maya-maya lang ay magsisimula na ang bomb deactivating. Naunang nahanap ni Aisha ang table na naka assign sa kanya. Nasa pinakahuli ito. Napangiti si Aisha sa loob-loob niya dahil sa pinakahuli talaga ang gusto niyang pwesto. Naningkit ang mata niya ng nasa tabi nito si Ace na sa kaliwa niya ang nasa kanan niya na kasi ay isang pader. Nasa tabi nanan ni Ace ay ang mga kaibigan din ni Ace at sa harapan naman niya ang mga kaibigan niya. Naka pwesto naman si Kazandra, Sofia at ang kambal na si Niana at Niara sa harapan ng kaibigan niya.

Matapos ang ilang sandali ay nakahanda na ang isang projector at isang malaking plain white tarpaulin na may nakaset na tatlong minuto.

Ilan sa mga estudyante na nakapasok sa second round ay handa na ngunit may mababakas na kaba dahil pag di nila nadeactivate ang bomba ay maaring mamaalam sila ng maaga.

Isang pulang panyo ang umagaw sa atensiyon ng estudyante ng iwagayway ito ng isa sa mga propesor na naging hudyat para sila ay magsimula.

Talas ng isip at alerto ng kamay ang mayroon ang bawat estudyante ngayon na dahan-dahang pinuputol ang wire na maaring makapagdeactivate ng bomba dahil isang maling putol lang nila ay goodbye earth na.

1 min and 30 seconds pa lang ay nagtaas na ng kamay si Aisha kasabay nito ay si Ace na ikinamangha lalo ng lahat.

Sino ba naman kasi ang di mamangha kung isa't kalahating minuto pa lang ay natapos na sila. Nag eexpect sila na baka dalawang minutos nila ito matatapos pero 1 min and 30 seconds? Unbelievable.

2 minutes had passed at marami na ang nagtaas ng kamay kabilang na dun ang grupo ni Ace at Aisha.

2 minutes and 50 seconds pa lang ay natapos na ang lahat ng estudyante sa kanilang ginawa. Well the professors expected it already dahil tinuro nila ito.

Bago matapos ang tatlong minuto ay tapos na ang lahat ng estudyante sa kani kanilang ginawa.

"The first two who finished the second round faster than the others is Aishaleya Snow Caverly and Alastair Gray McKlein with an average of 1.30 seconds" anusiyo ng propesor at nireplay ang video na zinoom talaga malapit sa kinaroroonan ni Aisha at Ace

Makikita sa video kung gaano kabilis ang kamay ni Aisha at Ace sa kani-kanilang ginawa. Parehong kalmado ang kani-kanilang mukha. Sa di inaasahan ay nabitawan ni Aisha ang wire cutter. Ngunit! Makikita sa video kung paanong mabilis na sinalo ng sapatos ni Ace ang wire cutter at sabay sila na nagtaas ng kamay ni Aisha

So kung hindi sinalo ni Ace ang wire cutter ay maaring nauna pa sana siyang nagtaas ng kamay?

Pailing-iling ang tatlong superior na nanonood sa kanila habang may mumunting ngiti sa labi.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon