Chapter 39

16.8K 441 27
                                    

Matthew Aziro POV

"Hoy! 30 minutes na lang mag uumpisa na ang event!" pambubungad ni Rhianna.

Narito kaming lahat nasa backstage. At alam niyo kung ano ang ginagawa namin? Naglalaro lang naman kami ng mobile legends.

"Matthew! Gago! Back up dito!" Sigaw ni Aisha.

"Retreat muna!" Sigaw ko din.

Kakampi ko si Lorraine,Aisha,Brent at Hailey. Kalaban naman namin sila Ace,Draze,Luis at ang kambal na crescent.

Si Guinevere ang hero ni Aisha ,Balmond ako, Layla si Lorraine. Johnson si Brent at Nana si Hailey.

Samantalang si Ace ay si Gusion, si Draze ay si Zilong,Valir si Luis,Franco si Thunder at Hanabi si Storm.

Napatampal sa noo niya si Rhianna dahil walang may pumansin sa kanya

"Sa likod ka lang Lorraine" usal ni Brent na siyang nagtatago sa bush.

Nasa top sila ni Lorraine at kalaban nila ay ang kambal.

Nasa mid si Hailey na ang kalaban ay si Luis.

Nasa bottom si Aisha na ang kalaban ay si Draze.

Samantalang core ako at core din si Ace.

Nasa isang mahabang sofa kaming lima at nasa harap namin ang siyang kabalan namin ngayon. Nasa gitna namin ang isang round table.

Halos gusto kong magmura ng pumunta si Aisha sa turtle na kung saan andun si Ace. Kunti na lang mapapatay na ni Ace ang turtle. Lalapit sana ako ng sipain ni Aisha ang binti ko ng tignan ko siya ay kinindatan niya lang ako at bigla niyang inatake ang turtle.

"Sweetheart,akin na lang please?" Nang tignan ko ulit si Aisha at nakatingin na sila ni Ace sa isa't isa.

"Pres! Wag! Ayokong matalo" angal ni Draze at lumapit kay Guinevere at handa na sana niyang atakihin ito ng pigilan siya ni Ace.

"Stop! I can't resist her cuteness" seryosong saad ni Ace.

"Eh bat pa tayo naglaro kung ganun? Concede defeat na nga lang tayo. Marupok si Pres kahit sa ml"  bumuntong-hininga pa si Luis at tila gustong batukan si Ace pero di magawa.

"Tama,walang kwenta ang laro na 'to"

At kami nga ang nagwagi dahil nag concede defeat na ang apat.

"Yung premyo,yung premyo" tikhim pa ni  Brent na tila natatawa.

Nakasimangot na inilagay ng lima ang ,limang susi sa mesa.

"Nice,new collection" I smirk.

Well kotse lang naman ang premyo namin.

Itinaas pa ni Lorraine at Brent ang susi na hawak nila at iwinagayway sa harap ng kalaban.

Mga siraulo.

Isinilid lang ni Aisha ang susi sa bulsa ng kanyang leather jacket.

"Good morning Prof" bati namin ng pumasok si Prof Gallera.

"Good morning, Ms Caverly and Mr McKlein. Be ready." At tinapik ang balikat ng dalawa.

"Good luck" guguluhin ko na sana ang buhok ni Aisha pero dahil sa masamang tingin ng isa diyan di na natuloy.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Where stories live. Discover now