MHIH 4

40.9K 2K 528
                                    

Tahimik ako sa buong biyahe namin ni Hellios. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya ganoon rin ako. At sa tingin ko ay wala naman akong sasabihin sa kaniya. It just feels weird to be in the same car with him.

Pero naisip ko na ginamit lang siyang instrumento ni Lord para walang mangyaring masama sa akin habang nasa daan ako. Dahil tama siya, gabi na at delikado para sa akin ang bumiyahe.

“Dito na ata ‘yon,” sabi ko nang makita ang isang puting bahay na may itim na gate.

Binasa ko ang address na ibinigay sa akin sa cellphone. I saw the house number just beside the doorbell and found that it’s the same.

“Dito na nga.”

Huminto ang sasakyan ni Hellios sa tapat. The doors unlocked as soon as the engine stopped. Tiningnan ko siya.

“Salamat sa paghatid sa akin. Mag ingat ka sa paguwi mo.”

Nilingon niya ako, nakataas ang isang kilay. Kahit madilim na ang paligid ay pansin ko pa rin ang bahagyang pagsimangot niya.

“I’m coming with you.”

I blinked. “Bakit? Hindi na kailangan. Kaya ko naman na ang kapatid ko—”

“Hindi mo kakayanin iuwi lalo na at lasing.”

Bago pa ako makasagot ay binuksan niya na ang pintuan niya at bumaba. I watched him walk to my side. Sa paraan ng paglalakad niya pa lang, kahit sinong makakita ay iisipin na nakakatakot siyang banggain. With his tattoo all over his arms and neck, well built body and tall height, he could ruin anyone who will dare to come his way.

Tao lang rin ako at minsan ay hindi ko maiwasan ang pumuna ng ibang tao sa isip ko. Sinabi ko noon sa sarili ko na madumi ang mga taong may marka sa katawan. Pero bakit si Hellios, parang ang linis-linis niya pa rin tingnan?

He looks like a great medieval warrior. A rebellious angel from above.

He opened the door beside me. I was never the type of person who gives malice to everything. Pero ang makita si Hellios na pinagbubuksan ako ng pintuan sa ikalawang beses ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sa akin.

I raised my head to meet his soulful eyes. Ngumiti ako.

“Thank you. Ang bait mo talaga.”

He slammed the door close as soon as I got out of the car.

“This is already kind to you?”

Habang naglalakad patungo sa gate ng bahay ay naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

“Oo naman. It may be a small deed for you but to the person you are doing it for, it’s already big.”

“So this is already a big thing for you?”

I pressed the doorbell twice. Nilingon ko siya pagkatapos. He’s staring at me like I was some sort of a hard puzzle that’s making him confused.

“Oo. Tinatandaan ko ang lahat ng mabuting nagawa mo para sa akin. And you know what? I wish to the Lord to bless whatever your heart desire is.”

His face grimaced like what I said disgusted him. My lips pouted when I remembered that he really must be an Atheist. Puwede ko kaya itanong sa kaniya ang tungkol doon?

Bumukas ang gate hindi nagtagal. A woman in her white uniform greeted us. Ngumiti ako.

“Good evening po. I am Chloe and this is my friend Hellios. Kapatid po ako ni Raphael. Susunduin po sana namin siya.”

“Iyong batang may salamin po ba? Naku, Ma’am. Pasensiya na po at hindi ko alam na nag iinuman na pala sila sa kwarto ng alaga ko.”

“Hindi n’yo po kasalanan. Maaaring curious lang po ang mga bata kaya nila nagawa ‘yon. Pagsabihan na lang po natin para hindi na po umulit sa susunod.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now