MHIH 63

32.6K 1.1K 170
                                    

My brain stutters for a moment and my eyes take in more light than I expected, every part of me goes on pause while my thoughts catch up.

“W-What?” that word came out like a whisper.

Nanglamig ang mga palad ko, ang pintig ng puso ay halos magbuhol buhol na. Tila lahat ng dugo ay bumaba sa talampakan ko dahilan para manglamig ang mga labi ko.

Nilingon ko si Gabriel. Nakatungo ito, nakatuon ang mga kamaysa pagitan ng mga kilay at tila malalim ang iniisip.

“It was m-midnight, I was in my clinic while reading the result when Hannah with an old man suddenly b-barged in. Noong una ay nagtaka ako kung bakit sila naroon. I thought they’re there for g-good intentions but when the man pointed his g-gun to me, I already knew the reason for their s-sudden visit.”

Si Hannah... at isang lalaki? Sino? Si Jaime?

“What’s the name of the man she’s with? At bakit daw po sila naroon?” malamig na tanong ni Gabriel.

“It’s Jaime. They threatened me to change the DNA result into positive. Kung hindi ko g-gagawin ay papatayin nila ang pamilya ko. Umayaw ako at sinabing hindi ko sila s-susundin pero mali ang n-naging hakbang na ‘yon. Kinuha nila ang anak kong lalaki at ibinalik sa amin na b-bugbog sarado. Ang masaktan ang bawat isa sa p-pamilya ang pinaka kahinaan ng isang ama, Gabriel. Wala akong naging laban sa kanila. Matanda na ako at literal na may k-kapangyarihan ang taong ‘yon...”

Tumungo ako at hinayaang takpan ng mga palad ang aking mukha. Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko at tahimik na umiyak.

“Pinalitan ko ang resulta dahilan ng p-pagkasira ninyong mag-asawa at humihingi ako ng tawad, Chloe. Alam kong walang k-kapatawaran ‘yon pero ama lang rin ako na gustong p-protektahan ang pamilya ko...”

Lalong naging masagana ang mga luha ko. Umalog ang mga balikat ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa lahat ng natutuklasan.

“Gabriel... n-nasisiguro kong may ideya ka kung s-sino ang ama ng batang ‘yon.”

Mabilis akong nag angat ng tingin nang sabihin ng matanda ‘yon. I looked at Gabriel and saw how pain wash his eyes. Umiiling siya, inihilamos ang mga palad sa mukha at tumayo. Pinanood ko siyang maglakad patungo sa kung saan bago marahas na sinabunutan ang buhok at itinuon ang kamay sa pader.

“It was the anniversary night of your c-company. We were invited and I accidentally saw you and Hannah kissing with each o-other. Hindi ko napigilan ang makabuo ng konklusyon sa isip ko. She was already p-pregnant and yet she was kissing with a-another man. Naisip ko na kung hindi si Samael ang ama, maaaring ikaw...”

A-Ano? P-Paanong...

Umiling si Gabriel habang nakatungo pa rin at nakatuon ang mga kamay sa pader.

“At first, I was thinking that maybe the child is mine. I was her first. Naisip ko na dahil ako ang nakauna sa kaniya, maaaring ako ang ama pero nang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Samael, hindi na ako nagtaka. Hannah is very aggressive. I knew she could do the things she wants. And I’m aware how much she likes my cousin. When the DNA result came out positive, I already dropped the fight.”

Kung gano’n ay nagkaroon sila ng relasyon? Kahit na nakita ko sila isang beses noon na magkasama ay hindi ko binigyan ng malisya dahil baka kaya lang sila magkasama ay gawa ni Jaime.

Bakit hindi niya sinabi sa amin ang hinala niya? Bakit nanahimik siya? Sana ay pinilit niyang magpa DNA test ulit! Iyong silang dalawa! Baka sana ay mas maaga naming nalaman ang totoo.

Pero katulad ko na nabulag na rin sa naunang resulta, hindi na rin niya ipinilit.

“Hannah gave birth in the same hospital I worked in. I saw the baby and he got your eyes...”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon