Chapter 27

24.3K 767 106
                                    

Chapter 27: Gift

Nandito pa rin kami sa festival. Parang hindi nauubusan ng energy ang iba. Pagod na ako kakasakay sa mga rides. Parang nauubusan na nga ako ng dugo dahil high rides ang sinasakyan namin. Nakailang suka rin ako dahil hindi kaya ng sikmura ko

"Wala na akong energy, buti pa siya." Nilingon ko si Arvin.

Nasa isang table kami dahil kakatapos lang namin kumain. Akala ko nga libre, e, hindi pala. Ang kuripot rin, e.

"This is his favorite place, Darlene." Nilingon ako ni Phoenix.

"Weh? Ang dami-dami kaya na magandang lugar." Favorite city ko ay Tagaytay, at ang dream church na gusto ko puntahan ay Mactan, iyong sa Cebu?

"This is the place where he met Amora," sabat ni Mavis.

Kumunot ang noo ko. Sino naman 'yon?

"Sino?" Tanong ko.

"Amora is his great love. Arvin love her so much," sagot ni Renz habang pinagmamasdan si Arvin na kumukuha ng picture.

"Ano ang nangyari?"

"It's not our place to tell. Kaibigana lang niya kami, so better na siya ang tanungin mo," sagot ni Gael.

Napatango naman ako. Naiintindihan ko naman 'yon.

Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino pero unknown number ang nakalagay. Nagpaalam akong sasagutin ko muna ang call.

"Hello?" Naghihintay ako ng ilang segundo at minuto pero walang sumagot. "Hoy." Anak ng... Nakakabwisit 'yong ganito, tawag-tawag tapos walang sasagot? 

Pinatay ko na lang ang tawag at tinago sa bulsa. Walang magawa sa buhay kaya nantitrip na naman.

Hindi muna ako bumalik sa pwesto namin. Pumunta ako sa mga nagtitinda ng teddy bears! Ang dami niyang binebenta. May mga giant teddy bear. Gusto ko ng malaking teddy bear 'yong pwede ako mag-tago. Kagaya noong mga napapanood ko sa YouTube. 'Yong mag-tatago sila para i-prank 'yong mga tao?

"Hala... ang cute mo naman," sabi ko habang hawak-hawak ang kulay white na teddy bear.

Kulay white siya at naka christmas attire kahit wala pa namang christmas.  Sunod kong tiningnan ang mga nasa taas.

"May giant teddy bear!" Turo ko sa taas.

Ang cute! Feeling ko kasya ako doon sa sobrang laki! Kulay brown siya at may puso sa gitna niya. May I love you rin na nakalagay sa puso. Para akong batang na-amaze sa teddy bear.

Lahat ng klase ng teddy bear gusto ko! Pero mas gusto ko ay si Minnie Mouse, at Elsa.

"Magkano po 'yon?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko.

Napatingin ako sa kaniya. Nakasuot siya ng uniform. Hindi ko makita ang tatak ng uniform niya dahil nakagilid siya sa akin.

"1, 500," sagot ni Ate na nagti-tktok.

Ay, ang mahal. Ubos na ang pera ko dahil nag-mall kami noong isang araw. Naubos lahat dahil sa sobrang panlilibre ko sa mga gunggong. Ang yayaman pero nagpa-palibre. Mabuti na lang nililibre ako ni Phoenix noong nasa mall kami!

"Wala ng tawad 'yan?" Tanong ko.

Tumawa ang babae. "Hindi naman po ito palengke."

"Wala naman akong sinasabi," sagot ko at tumingin ulit ng mga teddy bears.

Gusto kong bumili! Para may kapatid na ulit ang mga anak ko sa bahay. Muntik na akong matawa, anak amp.

"Nandito ka lang pala!" Hingal na sabi ni Owen habang nakahawak sa balikat ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now