Chapter 52

22.7K 690 259
                                    

Chapter 52: Morriston

Umayos ako ng upo at hinintay na makarating sa hospital. Mabilis naman ang pagpapatakbo ni Kuya kaya madali kaming makakarating doon. Nasa likod naman namin sina Darius. Nag-tatalo pa sila Darius at Phoenix kung sino ang sasakay rito kasama namin ni Kuya.

At para walang away, walang sumakay kaya tahimik rin ang sasakyan.

"Aw, Kuya! Masakit!" Sigaw ko nang madali niya ang balikat kong may tama.

May kinuha siya sa likod at nadali niya ang balikat ko.

"Sorry naman," sagot niya.

Gusto ko pang makausap si Anya! Nakita ko na siya. Ang ganda niya talaga sa personal. May mabuting personality siya kahit halata sa kaniya ang pagiging mataray at laging galit. Natural lang ang beauty niya pero naka-makeup. Pero maganda siya, literal.

Owemji, malay mo siya na pala ang aking sister-in-law?

"Lin, ikaw ba ang gumawa ng mga 'yon? I mean those dead bodies, you're the one who killed them?" Tanong niya. "I know Velasquez can't kill them all. That's so many."

Sandali akong na tahimik at hindi makapag-salita. "Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko, ah? Papatayin nila ako kapag hindi ko sila inunahan. Masamang tao na ba ako n'on?" Tanong ko.

Umiwas ako ng tingin at hinanda ang sarili sa masakit na sasabihin niya.

"Don't think you are a bad person, because you are not a bad person, Lin. You were forced to fight because of them..." sabi niya at tinuon ang paningin sa daan.

"Wala pa rin akong karapatan kumuha ng buhay ng tao..." Bulong ko. "Pero nagawa ko."

"But do they think so too? They can kill you because of something. Kayang-kaya ka nilang patayin dahil sa hindi malaman na dahilan. They are so bullshits for pursuing you for nothing."

"Anong dahilan ba kasi bakit kailangan nila akong kuhaan ng buhay? Tapos may sinasabi silang signing. Signing naman saan?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "What do you mean?"

"May binanggit silang Aris na sa tingin ko ay karugtong ng Aristotle. At may nabanggit si Mama na kapatid niya, pakiramdam ko ay iyon, e. Si Aristotle ay kapatid ni Mama at magagalit raw 'yon kapag hindi ako nakuha or something," sagot ko.

Aristotle.

Iyan agad ang nasa utak ko nang banggitin niya 'yan kanina kaya hindi malabo. Hindi ako tanga para hindi ma-recognized ang pangalan na 'yon kaso ayokong pangunahan baka mamaya mali ako. Magmumukha na naman akong ewan.

"Mama has a sibling?"

Tumango ako. "Oo pero anak sa labas kasi anak 'yon ni Lolo sa kabit niya. May kambal pa raw 'yon, hindi ko alam pangalan, Kuya. Aside do'n, e, may alam ka ba?"

Umiling siya. "No, Darlene. You know how secretive our parents are."

Duda ako doon.

Saglit kong binitawan ang nilagay ni Phoenix sa balikat ko bago kinuha ang cellphone sa bag. May ilang messages akong natanggap.

From: Trevor
I heard what happened to you and Nix. Are you okay? We are all worried here. Especially your father. He told us.

To: Trevor
Oo. Pasensya na pala kung hindi kami nakasama sa inyo. Huwag na kayong mag-alala, ayos lang ako.

From: Trevor
Good. Text me if you need anything, Darlene.

Sunod kong tiningnan ay ang sa iba matapos mag-reply kay Trevor.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now