Bonus Chapter

16.8K 379 134
                                    

Happy 1.6 Million po sa ‘tin! 🤍

-

Bonus Chapter: Hospital Scene where Darlene was singing while in the operating room.

Nananakit ang katawan ko dahil sa tama ng bala. Nawalan ako ng malay dahil sa pagod at kawalan ng lakas pero nang maramdaman kong may ginagawa sa balikat ko ay nagising ako.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang Doctor. Inikot ko ang paningin. Napaatras pa ako dahil sa gulat.

"Pucha... anong gagawin niyo-aray!" Kumirot ang balikat ko. Nagbaba ako ng tingin. Hindi pa pala naaalis ang bala. Mukhang mawawalan pa yata ako ng dugo, ha?

"Miss Darlene, kailangan ka lang namin operahan para matanggal ang bala. Huwag kang mag-alala, patutulugin ka naman-."

"Huh?! Ayoko nga! Baka mamaya, hindi na ako magising! Operahan niyo nalang ako habang gising!" Kontra ko agad.

Nakatingin lang siya sa akin bago tumango. Napahinga naman ako ng maluwag. Nagsimula na sila ihanda ang dapat gawin. Ako naman, nahiga para sa gagawin nila. Nasilaw pa nga ako sa sila.

"Doc, pwede po ba lights off? Nakakasilaw po, e," suggest ko, tinuro ko pa 'yong ilaw.

"No, kailangan natin 'yon. I-adjust nalang namin."

Ginawa naman nila 'yon. Nagsimula na sila. Napapapikit ako nang maramdaman ang karayom sa balikat ko. Tinurukan daw ako ng anesthesia. Unti-unting namnhid ang balikat ko.

Hindi ako lumingon habang sinasagawa nila ang operasyon. Kinapa ko ang cellphone ko. Hala! Wala dito! Sayang... gusto ko sana mag-picture. Remembrance lang gano'n.

"Ate, may cellphone ka?" Tanong ko sa nurse na naghahawak ng ilaw.

"Nasa bag, e," sabi niya sabay ngiti.

Napanguso ako. "Ikaw, ate, may cellphone ka? Magpipicture lang ako. Hehe." Sabi ko doon sa isang nurse.

Nakita ko ang pagtawa nila. Pumunta si ate'ng nurse doon sa isang table. May binigay siya sa akin. Napangiti ako.

"Yaman mo naman, ate. Naka-iPhone ka. Magkano bili mo?" Nagpicture ako. Tinutok ko pa sa balikat ko habang nakanguso.

Nakarinig ako ng tawanan. Nag-angat ako ng tingin. Tinatawanan nila ako! Napanguso tuloy ako. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa.

"Halata, ate, nagchat boyfriend mo. I love you daw, ayieee..." pang-aasar ko. Binigay ko sa kaniya ang phone niya. Nag-notif kasi.

Natawa iyong nurse sa sinabi ko. Kinuha naman niya any phone sa akin. Mas lalo silang tumawa sa sinabi ko kanina. Pati si Doctora natatawa na rin. Nawawala yata siya sa focus! Hala.

"Hindi ba masakit?" tanong ni Doctora.

"Hindi naman po, parang kagat lang ng dinosaur," sabi ko na ikinahalakhak niya. "Nga pala, Doctora, sina Papa po?" Naalala ko lang sila... atsaka si Phoenix! Nakita ko, may tama rin siya. Nagamot na niya kaya 'yon?

Hays, ano na kayang ginagawa nila ngayon? Umuwi na kaya si Phoenix? Sina Darius? Iniwan ba nila ako?

"They are waiting for you, Darlene. Nag-aalala ang Papa mo sa'yo," kwento niya.

"Sabagay, si Papa pa? Syempre Papa ko 'yon, e, mag-aalala talaga siya. Atsaka, only daughter niya ako kaya dapat mag-alala siya!" Kapag may nangyayari na masama sa akin, palagi naman nag-aalala si Papa, e. Wala ng bago doon. "Ikaw ba, Doctora, may Papa ka?"

"Of course, I have. Pero nasa UK siya, with my Mom," ngumiti si Doctora.

"Ay, malayo din pala si Mama mo, Doc? Pero sa'yo dalawa kasi pati Papa mo, e. Ako kasi, si Mama ko nasa malayo. May trip kasi siya at iyon ay ang maglibot at kabugin si Dora." Hindi ko talaga malaman-laman kung anong trip ni Mama at need umalis.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now