Chapter 55

23K 580 126
                                    

Chapter 55: Wife

Nang matapos ang araw na 'yon ay marami pa rin ang tanong sa utak ko. Hindi talaga ako panatag na gano'n sila. May nangyari talagang hindi maganda at ang mga timang na 'to hindi man lang napapansin. Parang wala silang pakialam. At tuloy lang ang kasiyahan nilang lahat samantalang ako nakaupo na nga lang at walang na ngang ginagawa namomroblema pa.

Lumipas ang araw na wala rin akong ginagawa kaya sobra ang bored ko sa bahay. Wala rin si Darius at Kuya rito dahil nasa...ewan. Hindi ko alam kung nasaan sila kaya ang ending ako at si Papa lang magkasama sa bahay bukod sa mga helpers at mga men-in-black na nagbabantay sa labas.

Kaso si Papa busy sa trabaho niya sa opisina. Work from home ang peg ni Papa. Hindi ko na lang siya inabala at nanatili sa kwarto para alagaan si Lucy. Naipacheck-up ko na rin siya at apat ang anak niya. Natuwa ako at natatakot at the same time kasi baka mawala siya sa akin.

Pero ang sabi naman ni Tita ay pwede raw i-cesarean si Lucy kapag hindi niya talaga kaya. Kasi naman 'yong aso ni Zay, e. Ang dami-dami naman diyan, bakit ang anak ko pa?

Kasama ko rin si Phoenix kahapon pagkatapos nilang mag-swimming. Para tuloy kaming nag-date dalawa. I mean, date pala 'yon talaga. Tapos lakas bumanat. Kinilig ako, ha. Grabe yorn. At may we bare bears ako. Binili niya ako. Ang saya nga, e. Ang galante talaga niya. At katulad ng napag-usapan namin ni Phoenix na ngayong linggo niya raw ako tuturuan mag-drums. Dadalhin ko si Lucy at ang dalawa kong ibon kaya nakalagay sila sa cage.

Ako naman simple lang ang suot pero hindi ang maikling damit. Ayoko no'n kaya dumekwat ulit ako ng damit kay Papa ng hindi niya nalalaman. Naka-cargo black high waisted short din ako hanggang hita 'yon at mahaba naman kaya walang problema.

"Miss Darlene, may naghahanap po sa inyo sa labas." Katok ng helper.

"Okie po." Kinuha ko na ang mga baby ko.

Lumabas na ako sa kwarto pero agad rin tumigil sa tapat ng opisina ni Papa. Binaba ko ang dala ko at kumatok sa pinto.

"Papa." Pumasok ako matapos kumatok. "May pupuntahan lang ako."

Nakaupo siya sa swivel chair niya at marami pictures na nakalagay sa lamesa niya. May mga nakalagay rin sa dingding kaso hindi ko maintindihan kung saan talaga ang linya.

Daig pa detective, amp.

May kausap pala siya sa cellphone. "Drake, make sure no one can see you in that house. Be with Anya. Right. Bye and take care, son," sabi niya sabay angat ng tingin sa akin.

Kasama ni Kuya si Anya? Wow.

Ang arte rin ni Kuya, pusta ko talaga bet din ni Kuya si Anya. Maarte lang talaga siya. Halata naman, e.

"Where are you going, Lin?" tanong niya nang mababa ang cellphone.

"Tuturuan daw ako ni Velasquez mag-drums," sagot ko.

Bahagyang nag-salubong ang kilay niya. "Where?"

"Sa bahay niya. Saglit lang ako promise. Siguro mga nasa five ng hapon ay nandito na ako o kaya four," sagot ko ulit.

"Fine, make sure you'll go home early and can you call Phoenix before you leave?" Tumango ako at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Dinial ko ang number niya para matawagan siya, agad naman niyang sinagot.

"[Miran—]"

"Pasok ka raw sa bahay tapos akyat ka sa taas. Tapos liko ka sa kaliwa pagkatapos dumiretso ka at huminto ka sa unang pinto. Bye," sabi ko at tinago ang cellphone matapos mapatay ang tawag.

Tumingin ako kay Papa.

"That's how you treat Phoenix?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, ah! Kahit yata nanggagago 'yon, hindi ko naman siya tatratuhin katulad ng iniisip mo," sabi ko at umupo sa sofa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now