🖤 CONT. CHAPTER 4 🖤

6.7K 262 7
                                    

"Dito po Mahal na prinsesa." Huminto ako sa lugar Kung Saan mayroong maraming uri Ng sandatang kadalasang ginagamit Ng iba. May espada, Pana, shield, Arnis, sibat, konai, shuriken, small knife, katana at iba pa.

"Tingnan nyo po Kung Saan sa mga dito Ang gusto nyo."ngiti nitong Saad sa akin. Nilibot ko Naman Ang paningin ko hanggang sa napako Ito sa isang bagay na nakasiksik lamang sa mga sandata. Mukhang lumang luma na Ito. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa aking abutin Ito at kunin.

"Siguradong nababagay sa iyo iyan Mahal na prinsesa" Hindi ko Ito pinansin hanggang sa makuha ko na Ito. Isa itong kahoy na Pana, walang mga bala at mukhang Luma na talaga dahil marumi na Ito at inaalikabok na.

"I want this one. How much?" Nakangiti Kong Saad saka humarap sa matanda. Nakangiti Rin Ito sa akin.

"Sayo na iyan Mahal na prinsesa dahil ikaw Naman talaga Ang Amo nya" Hindi ko alam ngunit pahina Ng pahina Ang boses nya at bigla na lamang may isang nakakasilaw Ng ilaw Ang tumama sa mukha ko hanggang sa makaramdam ako Ng Hilo.

"Together you can defeat darkness, your highness"

Huling katagang narinig ko bago pumikit Ang talukap ng aking mga Mata.
.
.
.
"Mahal na prinsesa? Mahal na prinsesa?" Napakunot Ang noo ko at agad na binuksan Ang mga Mata ko Ng marinig ko Ang boses no Ate Fliona. Agad na bumungad sa akin Ang nag aalala nyang mukha. Inilibot ko Ang aking paningin at napagtanto Kong nasa loob na kami Ng karwahe.

"Anong nangyari?"
Tanong ko rito

"Nakita raw po kayo Ng kawal ba Kasama nyong nahimatay Ng kayo ay lumabas galing sa isang tindahan Kaya agad nya kayong dinala rito." Sagot nito saka nilingon Ang Kasama Kong kawal kanina.

Kumunot Naman Ang noo ko saka nilibot muli Ang aking paningin.

Nakita ko Ang mga damit na pinamili namin maging Ang mga aklat na pinabili ko Kay ate ngunit agad kumunot Ang noo ko Ng Wala akong makitang Pana.

"Ate may Nakita ka bang lumang Pana?" Tanong ko rito ngunit kumunot lamang Ang noo nito saka umiling.

Saan na Yung Pana na Yun? Hindi ako maaaring magkamali, Alam Kong hawak ko lamang Yun kanina at bakit Sabi Ng kawal Nakita nya akong nahimatay palabas Ng tindahan? Di pa ako nakakalabas Ng tindahan na iyun Ng bigla akong masilaw sa isang liwanag.

"Magpahinga na lamang po kayo Mahal na prinsesa, malapit na po tayo sa kaharian." Tumango na Lang ako at patuloy na nag iisip Kung nasaan na Ang sandatang iyun at bakit sinabi sa akin Ng matanda Ang mga katagang iyun.

"Together you will defeat the darkness" patuloy na nag e-echo Ito sa utak ko.

Sumilip na lamang ako sa bintana.

Ngunit agad na napatigil Ang aking paningin sa isang pares na matang nakatitig sa akin. Para akong hinihipnotismo Ng tila kumikislap nitong pulang mga Mata. Gusto Kong bumaba at patigilin Ang karwahe upang lapitan Ito ngunit agad din itong naglaho.

Dismayado Kong inalis Ang paningin sa labas. Di ko manlang nakita Ang buo nyang mukha.

"Soon we'll meet my wife" Agad akong kinilabutan dahil sa biglang paghangin Ng malamig sa aking direksyon kasabay Ng pagbulong Ng isang malamig na tinig sa aking tainga.

F*ck! Who was that!?
.
.
.
.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now