🖤 LAST PART OF CHAPTER 13 🖤

4.8K 253 23
                                    

**LAST PART OF CHAPTER 13**

Knifekill's POV

  Nakikita ko sa mukha nila kung gaano nila pinipigilan ang kanilang sarili para lang hindi ako sugurin.

Tumingin Naman ako ng inosente sa bag na may mga laman na bato.

"Akala ko Kasi pati yung bato makakain...nyo. At dahil mabait ako tinira ko na lang sa inyo yan." Kanya kanya Naman silang suminghal saka masama akong tinignan.

Padabog na binato ni Velfron yung bag sa direksyon ko saka binigyan ng death glare while he was frustratedly pulling his hair.

"That's enough. We better move now and find another food to eat. Malapit nang gumabi kaya kailangan nating bilisan ang paghahanap." Biglang singit naman ni Xyxzon using his cold voice and cold stare.

Subrang lamig ng titig nito sa akin na tila ba gusto akong pagyelohin.

Napaismid naman ako sa kanila.

"Since inubos mo ang kakainin natin. You should make fire in here dahil baka gabihin na kami. Ikaw ang gumawa ng paraan kung papaano ka makakagawa ng apoy. While we are away bahala kang ipagtanggol ang sarili mo sa mga halimaw na maaring sumugod sayo dito. Walang maiiwan sa amin dito para bantayan ka and it's also your fault dahil unubos mo ang pagkain natin!" Galit namang singhal ni Hlein saka bigla na lamang tumalikod paalis.

Padabog din itong naglalakad habang yung tatlo Naman ay tinignan muna ako ng malamig bago ako tinalikuran.

Napangisi na lamang ako habang nakatanaw sa papalayo nilang imahe.

They're finally gone.

"Hmp! Mga t*nga! Hahaha sa tingin ba nila mauubos ko agad  ang ganon karaming prutas?" Nakangisi kong sabi habang tumatawa.

Agad kong nilabas ang mga prutas na nakatago sa bulsa ng jacket ko. Well... T*nga nila eh bakit hindi nila naisip na masyadong marami ang mga prutas na ito para sa isang katulad ko?

Well... ang sarap din nilang galitin. I'm sure they are now plotting something against me.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at ngayon ko lang napansin na nasa tabi lang pala ako ng ilog. Ilang ilog ba meron ang lugar na Ito?

Sinimulan ko na lamang ilapag ang mga gamit ko sa tabi ng isang making puno at saka ako humanap ng maliliit na sanga para pampaapoy.

Habang naghahanap sa loob ng gubat di kalayuan sa ilog ay bigla akong nakarinig ng isang kakaibang ingay.

Huminto ako sa kinatatayuan ko saka ko pinakiramdaman ang paligid. I close my eyes and concentrate.

And before it hits me I immediately dodge it's attack and when I open my eyes a ugly creature welcomed me. Tsk! Those brats! Sabi ko na nga ba at gaganti sila eh. These creature's in here won't bother anyone if no one bother them too. I'm sure ang apat na yun ang may pakana.

Agad ako muling umiwas sa ataki ng Lizro. Lizro it's like a lizard in earth. Kaya lang ang pinagkaiba lang nila ay karaming tinik ang Lizro palibot sa katawan nito. And it will attack you with it's body spikes and it's spikes consist poison. And also may ibinubuga din itong poisonic acids. At Isa rin ito sa mahihinang nilalang dito sa lugar na Ito.

Muli itong umatake sa akin gamit ang spikes nito kaya agad muli akong umiwas.

"Ay g*go!" Gulat kong sambit ng biglang may Isa pang sumulpot galing kung saan saka ako dinuraan ng asido.

Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko kung gaano sila karami ngayon. I think they are ten now! Buti na lang at mas malaki lang sila ng kunti sa mga lizard sa earth.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now