✴ 𝐀 𝐓𝐡𝐨𝐮𝐬𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐨𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐀𝐠𝐨

21 2 0
                                    

Ang Siyudad ay isang lugar na kung saan ang lahat ay nare-reset: mga relasyon, mga pag-uusap, mga alaala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang Siyudad ay isang lugar na kung saan ang lahat ay nare-reset: mga relasyon, mga pag-uusap, mga alaala. Lahat ay nakapaloob sa isang hindi nagbabagong ikot ng buhay at wala ni isang taong nakakaalam nito. Maliban sa isang babae.

Si Jule, isang residente ng Siyudad, ay hindi naaapektuhan ng siklo. Naaalala niya ang lahat ng nangyari habang pinapasan ang kalungkutang dala nito. Sa paglubog at pagsikat ng araw, wala nang direksyon ang buhay ni Jule hanggang sa mayroong bumago ng kanyang araw.

Si Rom, isang lalaking hindi alam ni Jule na umiiral pala, ay maaaring susi pala sa paglabas nila sa siklo. Ngunit dahil na sa hadlang na inilagay ng mundo kay Rom, sa isang katotohanang dapat malaman, at sa realidad na kailangan harapin, mahahainan si Jule ng pagpipilian na maaaring magliligtas sa kanyang pinakamamahal o di kaya'y magbubunga sa kanyang pagkakahatol.

Mga kaugnayan ay mabubuo ngunit kalauna'y malalagot. Kailangang malaman ni Jule kung ano nagpapatagal sa mga ala-ala at ano ang nagpapaiba ng kahapon sa ngayon. Pero paano mo babaguhin ang kinabukasang hindi mababago?

A Guide to the Arcane Universes and Other StoriesWhere stories live. Discover now