Prologue

335 17 13
                                    

TOKYO

"Tokyo Takoma?" Napangiwi ako sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Ang tigas eh. Tumango lang ako at pilit siyang nginitian. Wala akong choice, bagong lipat lang ako dito sa eskwelahan nila. Wala eh, dito ako nag-apply dahil pabor sakin, wala kasing kailangang bayaran na tuition.

"Matataas ang grades mo, iha. You're on par with Feizi." Natigilan ako. Ano raw? Feizi? Isang pamilya lang naman ang kilalang Feizi dito sa bansa. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Sorry Fei-.. who?" Tama ba ang pagkakadinig ko?

Napatingin sakin yung principal at napatango-tango lang, "Hindi mo ba kilala si Ashiro Feizi?" Napatitig ako sakanya saglit.

"Sir.. sino pong hindi makakakilala sakanya eh sikat po yun." Itong si sir, hindi nagiisip.

Sinong hindi makakakilala kay Ashiro? Bukod sa mayaman at sikat na model dahil sa angking ganda niya, kilala rin siya world-wide dahil nagdodonate 'yan ng bilyones sa charity at ito pa, hindi niya 'yan pinaaalam sa media, sadyang yung mga pinagbigyan niya ang mga nagkwekwento kaya andaming hanga sakanya pero maiba nga tayo, ano daw uli? "Ako po, on par kay Ashiro?" paguulit ko sa sinabi niya at tumango naman ito habang nakatitig pa rin sa report card ko.

Itong si sir, may ubo ata sa utak. Mageexaggerate pa. Paano naman niya malalamang on par ako kay Ashiro? As if naman dito 'yon nagaa–

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang kumatok sa pinto at narinig ko na lang ang pag bukas ng pintuan at siyang linuwa nito ang isang magandang dilag.

"You requested for my presence, sir?" Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang ngayon, ang tinis ng boses, ang hot. Napansin niya atang di lang ang principal ang asa opisina kaya binalingan niya rin ako ng tingin pero saglit lang 'yon.

Muka siyang pamilyar kaya napatitig ako ng mabuti sakanya.

Kinusot-kusot ko pa yung mga mata ko at saka siya pinaningkitan at mukhang napansin niya ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Tamang tama, Ashiro!" Halos mabali yung leeg ko dahil sa bilis ng paglingon ko sa principal pagkasabi na pagkasabi niya ng pangalang Ashiro. Agad-agad kong tinignan uli yung babae at halos mapairit ako nang mapagtantong si Ashiro nga ang nasa harapan ko ngayon kaya naman pala pamilyar ang itsura niya. Anong ginagawa niya dito?! Dito rin siya nagaaral?!

Public school 'to ah! Hoy paano nakapasok yung anak ng bilyonaryo dito?!

Napalingon na talaga sakin si Ashiro at saka ako pinaghalukipkipan. "What?"

"Ashiro, meet miss Takoma, miss Takoma meet miss Feizi." Pagpapakilala niya saming dalawa. Nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako kaya agad-agad akong bumusangot. Hindi man lang ba niya ako ngingitian pabalik, hindi ba siya tinuruan ng good manners and right conduct?

"What about her, sir?" Aba ang attitude. Nakahalukipkip pa ito at mukang naistorbo pa sa kung anong mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit andito siya. Ang daya, yaman yaman niya tas nasa public school siya?! Napatingin siya sakin uli at ngayon ay pinaningkitan niya na ako ng mata, "Is there something wrong on my face that you kept on staring at me?" tanong niya sakin at naramdaman ko bigla ang pagkahiya.

Umiling ako. "W- Wala.."

Napalingon naman kami kay sir principal na tumikhim, tinignan nito si Ashiro at saka nginitian. "Ashiro, miss Takoma here would be your dorm mate. Is that okay?" Tinignan niya kaming dalawa.

Napaawang yung bibig ni Ashiro at saka napatitig uli sakin. Kung ako ang tatanungin, nakakabigla at hindi ko na rin alam kung ano pa ba dapat ang mararamdaman ko ngayon. Kung maooffend ba ako dahil nakita ko lang naman siyang bumuntong hininga na parang napilitan lang na umoo kay sir.

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now