Chapter 18

52 4 0
                                    

TOKYO

5:36am


Kanina pa ako nakatitig sa orasan dito sa kwarto ko habang nakahawak sa kumot na nakabalot sakin ngayon at alam na alam kong wala akong saplot sa ilalim nito.


Kanina pa rin nagiinit ang buong mukha ko sa kahihiyan, ngayon na bumalik ako sa ulirat ay hindi ko makalimutan yung mga kababalaghan na pinaggagawa namin ni Ashiro kagabi.




Napatakip ako sa bibig ko at nagdasal sa isip ko, humingi ako ng tawad kay Lord sa mga nakita niya, siguro disappointed na sakin ang guardian angel ko.



Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Ashiro kaya napatingin ako dito, napansin kong nagising na rin ito dahil inaayos niya ang kumot ko, hindi niya alam kanina pa ako nagaantay na magising siya at umalis para madama ko ang lahat ng kalandian ko sa katawan.




Pero hindi ako nagsisisi, natatakot lang ako na baka bugso lang yun ng damdamin at nagpauto lang kami sa tawag ng laman.





"Tokyo," Nagulat ako nang bumulong si Ashiro sa tenga ko kaya napatingin ako sakanya, pilit kong wag ibaba ang tingin ko sa kung saan dahil aware akong wala siyang damit. "Good morning," She smiled and kissed my lips.




Shet



Hindi ako nakasagot pero ngumiti na lang din ako, yumakap ito sa akin at natulog pa ulit, nakayapos siya sa katawan ko kaya hindi nanaman ako makagalaw.





Pagpatak ng alasyete, tulog na tulog pa rin si Ashiro, napagpasyahan kong tumayo na at maligo para paglutuan kami ng pagkain at maituloy na ang paglilinis ng kwarto niya.



Nang matapos ako sa lahat ay napasilip ako kay Ashiro na ngayon ay ginawa kong sushi roll dahil pinaikot ko sakanya ang kumot.




Grabe Lord, napakaganda naman ng taong 'yan. Hindi mo man lang pinagdamotan.



Wala naman akong ibang gagawin kaya napalinis na ako ng buong condo namin, pinunasan ko ang mga picture frame naming magkakaibigan dito at ang mga flower vase ni Ashiro na siya pa ang gumawa at nagpinta.



"Grabe alasnwebe na wala pa ring kibo ang gaga", napagpasyahan kong gisingin na si Ashiro kaya napatitig na rin ako sakanya at agad naman itong nagising, pero napansin kong umiwas siya ng tingin habang namumula ang tenga niya. "Good morning, kain na tayo?" Paglalambing ko sakanya.



Hindi siya makatingin sakin kaya natawa ako, napansin ko rin na sobrang feminine niya talaga, pareho kami pero mas feminine siya tignan ngayon lalo na't hindi ito naka-man bun.


Bigla ko itong hinila at pinayakap ko ang mga braso niya sa leeg ko, kaya konti nalang ikakandong ko na siya sakin, "Antok na antok ah?" Pangaasar ko dito na ikinapalo niya sakin.

"Shut up," Umiwas ito ng tingin, lakas lakas ng loob i-top ako, siya rin naman pala 'tong mapapagod. "S-So what are we?"



I laughed and kissed her forehead, "I don't know, what do you want us to be?"





She looked at me with those eyes that I've been seeing for a long time, noon nung una naming pagkikita, kahit pa masungit ang tingin niya noon, parehong-pareho pa ring nangungusap ang mga ito hanggang ngayon.





Ashiro Feizi's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon