Chapter 5

74 10 10
                                    


TOKYO

Tapos na ang klase at medyo naging busy na rin ako pagkatapos ng panonood namin na 'yon ni Ashiro at hindi ko na rin siya masyado naaabutan dahil may bago na siyang project bilang isang kilalang model.

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa computer shop niya na patok na patok sa iilang mga estudyante. Bantay sarado rin ito ng ilang guards at hiniwalay ni Ashiro ang age gap ng mga gagamit para na rin sa protection ng ilang mga menor edad na gusto lang naman maglaro pero madalas ay nakakarinig ng mga mura galing sa mga lalaking estudyante na naglalaro.

Simula non ay nagkaroon na ng polisiya dito sa computer shop na bawal mag-ingay para hindi makaabala ng iba. Itong building ni Ashiro na ito ay may limang palapag, sa unang palapag ay nandoon naman ang isa pa niyang business which is ang kanyang coffee shop na ang pangalan ay KaFeizi.

Nung sinabi niya yung pangalan ng coffee shop nung unang beses ay hindi ko alam kung saan ako titingin dahil tinitigan niya ako ng masama at mukhang hinihintay niya na lang ako tumawa.

Yung pangalawang palapag, dito nakalagay yung mga estudyante na kailangan magsipag-gawa ng mga project nila at dito naman nakaistasyon si Moon, sa pangatlo naman na kung nasaan si Sasha ay ang nagbabantay, siya ang bahala sa mga bata na naglalaro lang at minemake sure din namin na mga 10 year old lang ang pwede maging mag-isa pero ang kapalit ay kailangan nila ilagay number ng parents nila in case of emergency lalo na if nag-avail sila sa account ng system ni Ashiro.

Sa pangapat na palapag naman ay ang mga naglalaro na bantay sarado naman ni Nikki na sobrang sungit kaya wala na talagang naglalaro ng maingay.

Sa pang lima naman ay puro mga rooms na may apat na computer at streamer equipment para sa mga magkakaibigan na gusto magkaroon ng bonding at it's only limited to four persons. May ilang rooms rin dito pero CCTV-protected kaya nakabantay lang ako sa CCTV at wala ring lock ang mga pinto.

Minsan naman andito si Ashiro at nagbabantay kasama ako but lately dahil nga sa modelling, minsan na lang kami magkita at medyo nalulungkot ako.

"Boss Tokyo, pacharge sa account namin." Inabot sakin nung lalaki yung finill-outan niyang form para mapadali buhay ko kakaencode ng oras nila at sa number ng computer.

"Ilang oras?"

"ten hours te." Natawa ako dahil grabe talaga sila mag-charge. "Ah bale sakin four hours, dun sa tatlo tig two hours lang." Tumango ako dahil sa wakas na gets na rin niya.

Sinabi ko lang na okay na at bigla na sila kumaripas magkakaibigan ng takbo sa gaming room. Natawa pako dahil nakita ko silang nagbatukan sa loob nung muntik pa nila mabunggo yung mga monitor sa sobrang excitement.

Ang saya nila tignan, namimiss ko tuloy yung tatlo kahit nasa baba lang silang lahat at may kanya-kanyang mga inaabala.

Yung kapalitan din namin ay mga mababait, apat rin sila. Si ate Solar, Byul, Hyejin at Wheein. Kaugali ko si ate Solar, si Byul naman ay kay Moon, at si Nikki namana niya ata kasungitan niya kay ate Hyejin at si Sasha naman kasing hinhin at malumanay ni ate Wheein.

"Hey,"

Kumislap mga mata ko nang makita si Ashiro na naka-make up pero naka-croptop ito at jogger pants na gray. May hawak siyang mga susi at mukhang nag-kotse siya.

"Kanina ka pa andiyan?" Kumubit ito.

"Not that long that I get to witness you laughing at those kids and then suddenly went quiet like you're battling with yourself." Sinimangutan ko siya, sira ata talaga ang ulo netong ni bansot at nakukuha niya ako inisin in her own way.

"Baliw ka." Natawa ito at tumabi na sa akin para magbantay. Tatlo naman ang upuan dito at mayroon din namang supa para sa mga willing mag-intay sa mga patapos na maglaro sa gaming room pero dito talaga siya sumiksik sa akin.

Sinampa niya ang binti niya sa binti ko at nanood nanaman ng kung ano sa dala niyang cellphone at natawa na lang ako ng mahina dahil si spongebob na ang pinanonood niya, kay tanda na niya pero mahilig pa rin siya sa ganyan.

Ang cute niya talaga.

After ilang minuto, naramdaman ko na lang ang pagiging malikot niya pero napansin ko na naka-earphones na ito at nanonood na ng gruesome anime, napangiwi ako dahil nakangisi ito at tutok na tutok pero nagugulat sa animation.

"Hi, pa-charge naman ng four hours." Napatingin ako sa lalaki na nakangiti sa akin kaya ngumiti na lang ako at agad tinipa sa system ang request niya. "Thank you, bale matagal ka na ba dito nagwowork?" Tumango lang ako para umalis na siya dahil nararamdaman ko ang pagbigat ni Ashiro sa binti niya na ngayon ay nakataas na ang kilay.

"Kailan ka free, I would like to invite you for a—"

"What's your name?" Napatingin ako kay Ashiro na bigla na lang nagsalita at napasimangot, type niya siguro 'to. Pero hindi na rin mapagkakaila dahil pogi naman siya.

Mukhang nagulat yung lalaki pero mas lumawak ang ngiti niya. "I'm Kai and I didn't know na maraming magaganda dito sa computer shop? What's your name lovely lady?"

Ngumiti si Ashiro, "It's none of your business and I'll return your money, you don't have to go back here." Tinuro ni Ashiro yung screen sa may lobby at nakalagay na ang pangalan nung Kai sa blacklist.

Napaawang ang labi namin nung Kai at napatingin kay Ashiro na masama na ang timpla ng mood.

"What?! What's the meaning of this? I didn't do anything wrong!" Magsasalita pa sana siya nung may mga guards na lumapit para palabasin siya.

Napatingin ako kay Ashiro na medyo gumaan na ang binti pero ang nakakabwisit ay dalawang binti na niya ang nakapatong sa akin. Konti na lang upuan na rin niya ako, nahiya pa siya.

"Bakit mo naman ginawa yon?"

Di niya ako pinansin kaya napabuntong hininga na lang ako pero after a couple of minutes may binulong siya.

"He's obviously.. hitting on you."

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now