Chapter 6

74 8 0
                                    

TOKYO

Kanina ko pa napapansin na iniiwasan ako ni Ashiro simula nung pina-black list niya yung lalaki kung sino man siya uli.

Naka-uwi na kami at lahat sa condo galing work ay hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Tulad ngayon, kahit nakaharang ako sa coat rack niya, nung may kinuha siya sa pocket nung coat niya wala siyang pakielam kahit nakaharap siya sakin at nayayakap na niya ako sa kung ano bang inaabot nito.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang baba niya just to let her look at me, "Huy, bakit ba di mo ko pinapansin?" Sinimangutan niya lang ako at hinugot na ang wallet niya saka aalis na sana nang hilahin ko ito at nabigla ako dahil napa-back hug tuloy ako sakanya. "May nagawa ba ako, Ashiro?"

"N-Nothing," Bigla siyang kumalas sa yakap at dali-daling pumasok sa kwarto niya. Napakamot na lang ako sa ulo at bumuntong hininga.

"May nagawa kaya ako?" Pumasok na lang ako sa kwarto habang iniisip kung na-offend ko ba siya ngayong araw pero wala naman ako maisip.

Siguro it's the time of the month.

"Bakit naman nakabusangot ka be," Bungad sakin ni Nikki habang may kinakain na footlong. Si Sasha at Moon ay nabili pa sa tindahan kaya si Nikki ang nambulabog sa pagsesenti ko rito sa labas.

"Wala, nag-ooverthink lang ako baka kasi ma mga pamilyang naiwan yung mga langgam na natapakan ko kanina." Sambit ko na ikinasimangot niya.

"Baliw," Bigla ito umalis sa harapan ko at pumunta sa gilid para lang kumain pero nabulabog rin siya nung tumabi sakanya si Moon na nakikikagat sa footlong niya kaya natawa ako.

"Tokyo oh, cheese stick." Nagpasalamat ako kay Sasha na naisipan pakong ilibre. Kakagat na sana ako cheese stick nang mapansin ko si Ashiro na may kausap sa labas na lalaki.

"Tokyo wag ka maglaro ng pagkain." Saway sakin ni Sasha, napansin ko na lang rin ang pagkadurog nung cheese stick na hawak ko.

Sino ba yung kausap niya at mukhang natatawa pa si Ashiro? Napasapo sa noo niya yung lalaki at umaktong nagtatampo pa, naubos ko na yung cheese stick sa sobrang inis.

Eh bakit ako naiinis?

Nayupi ko yung hawak kong lata ng coke na kanina ko pa naubos nang mapansin ko ang mahinang pagpalo palo pa dito ni Ashiro.

"Pun–" Magmumura sana ako nang biglang mahagip ako ng lalaki at bumulong ito kay Ashiro kaya si Ashiro napatingin sa direksyon ko.

Agad-agad akong tumayo para kausapin na lang si Sasha na nasa gilid, "Kamusta si mama mo?" Napahawak ako sa braso ko, tumango-tango lang ito.

"Ayos lang naman pero wag ka muna magpapakita kay mama," Napangiwi ako sa sinabi niya. "Kasi mapagkakamalan ka nanamang si Kyoto at hihingian ka nanaman non ng discount sa kung ano-anong binebenta nung kapatid mo."

Napa-kamot ako sa ulo, anak ng tipaklong talaga 'yang kapatid ko, pati ba naman si Aling Darcy pagbebentahan. "Ano bang binibili ni mama mo kay Kyoto noon?"

"Good items raw e."

"Aba'y putang-" Nabigla ako nang salpakan niya ako ng tinapay sa bunganga kaya napaubo ako.

"Huy Sasha papatayin mo naman kaibigan natin!" Napakaripas ng takbo sakin si Moon at napatid pa ito pero buti na lang di natapon yung palamig niya kaya pinainom niya sakin 'to.

"Wag ka kasi magmura, Keisha. Nagbibiro lang ako." Pagsusungit ni Sasha kaya halos magsenti ako lalo, ayaw na yata sakin ni Sasha.

Malas, na first name na ako. Huhu.

Nang mapansin kong wala na si Ashiro sa kung nasaan sila nung lalaki, mas lalo akong napasimangot pero laking gulat ko na lang nang mapagawi ako sa kanan ko ay nandoon na silang dalawa.

Napansin ko tuloy yung kasingkitan nung lalaki at mukhang instik rin ito. Magkasingtangkad lang naman kami neto, wala 'to.

Anong pinaglalaban mo Tokyo?

Halos umabot na sa impyerno yung pagkasimangot ko dahil mas malapit na sila kaya mas naririnig ko ang pagtawa-tawa nilang dalawa.

"Lukot na lukot naman mukha mo Tokyo, eto oh fishball." Sinubuan ako ni Moon kaya natawa ako, ang lambing talaga netong isang 'to kaya yumakap na lang ako sakanya.

"T-Tokyo bitawan mo nga ako, tatadyakan kita." Bulong ni Moon kaya sinimangutan ko siya, ang sungit sungit naman neto.

Napagawi ako kay Ashiro na ngayon ay masama na ang tingin sakin kaya nagulat ako. Luh anong problema niyan.

"Sungit naman makatingin, di naman namamansin." Umirap ako nang biglang kuhain namaman nung lalaki ang atensyon ni Ashiro.

Ewan ko rin bakit parang umiinit buong katawan ko sa pagkairita ngayong araw. Basta ang alam ko, si Ashiro nanaman ang may pakana neto.

"Zàijiàn, jiékèxùn shūshu! [See you again, uncle Jackson!]" Rinig kong pagiinstik ni Ashiro at kumaway dun sa lalaking kumaway rin sakanya at may malaking pang ngiti.

"Yòu jiàn qílín! Yīdìng yào zhàogù hǎo zìjǐ, zhù nǐ zhuīqiú chénggōng! [See you again, Qilin! Make sure to take care of yourself well and good luck with your pursuit!]" Nag-flying kiss pa yung lalaki kaya mas lalo akong nairita kasi tinignan lang siya ni Ashiro na may ngiti. Hindi naman ako nginingitian ni Ashiro ng ganyan, siguro boyfriend niya.

"Aray ko, Tokyo! Wag mo ko kurutin, sisikuhin kita!" Nagulat ako kay Moon, nakukurot ko pala ang braso niya.

"Sorry beh" Sinamaan lang ako ni Momo ng tingin at saka tumabi kay Sasha. Okay tatlo na sila ang wala sa mood at mukhang dahil pa sakin. Aba, talaga naman oh!

"Hi, I hope you all enjoy your weekends and day-off." Bati ni Ashiro sa tatlo kaya lumiwanag ang mga mata nila at dinumog na si Ashiro.

Iniwan ko na sila don sa labas at pumasok na uli sa lagusan ng aming condorm pfft- HAHAHAHA. Sarili ko na lang talaga comfort room ko.

"Huhu Kuromi, lahat sila inaaway ako." Pagmaktol ko sa malaking bean bag ni Ashiro pero nagulat ako nang biglang may nagsara ng pintuan namin. "A-Ashiro."

Anak ng teteng sumunod pala sakin.

I mean, hindi sa sumunod since pareho lang naman kami ng tinutulugan pero ewan bakit ba ako nageexplain. Basta namumula na ako ngayon dahil nakita niya ata ang pagiging siraulo ko. Baka pagisipan ako neto ng masama, sabihin niya pa sa iba na nakikipagusap ako sa bean bag.

Hindi ko na sana papansinin si Ashiro pero mas lalo akong napabusangot nang magsalita siya ng may ngisi sa labi. "Go on,"

"Huh?"

"Sumbong mo na kay Kuromi uli kung sino umaway sayo." Di mawala ang ngisi niyang pang-asar bago niya ako iwanan sa sala.

Dinukmo ko yung mukha ko kay Kuromi at napairit sa hiya.

Kuromi kunin mo na ako!

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now