Chapter 14

207 11 0
                                    

Chapter 14

Kurt's pov

Nakayakap pa rin sya hanggang ngayon sa akin hanggang sa patapos na ako sa pag huhugas

"Mag pahinga ka muna kaya muhkang kulang ka sa tulog?" tanong ko sa kanya tumango nalang sya kasi halata naman sa muhka nya namamalikmata na sya parang mga ilang sigundo nalang parang tutumba na sya

Dinala ko sya sa may kwarto ko doon ko nalang siguro sya papatulugin muna. Ng makarating na kami ay pinahiga ko na sya sa may kama pumikit naman agad sya, ng aalis na sana ako bigla nya nalang akong hinila pahiga kaya ngayon nakayakap na sya sa akin habang ang muhka nya nasa may leeg ko kaya ramdam ko ang hininga nya sa may leeg ko

Ng tatayo nanaman ako mas hinigpitan nya ang yakap nya sa akin kaya di ako nakaalis sa pag kayakap nya sa akin kaya hinayaan ko nalang sya hanggang sa maramdaman ko na ang pag bigat ng hininga nya na alam kong tulog na sya non

Bumangon ako ng dahan-dahan at nag lakad papunta sa may pinto at isinara ng dahan-dahan ang pinto

Nag laba nalang ako ng damit namin tutal naman ay marami-rami na rin kaming labahin kaya mag lalaba na ako ngayon habang sya ay tulog sa may kwarto ko

Tristan's pov

Ng yayakap sana ako kaso wala na pala akong katabi kaya napabalikwas ako ng bangon at nilibot ang mata ko sa buong kwarto, ito ang kwarto nya simple pero malinis at maaliwalas sya. Nag hilamos muna ako saglit at nag mumog na rin bago bumaba hinanap ko sya sa buong bahay kaso wala talaga sya ng may narinig akong kumakanta

🎶I'm the first to say i'm not a perfect, but you are first to say you're are the best thing. But now i know the perfect way to let you go give my last hello, hope it's worth it.🎶

🎶I'm not first to say i'm not a perfect, but you are first to say you're are the best thing. But now i know the perfect way to let you go give my last hello, hope it's worth it🎶

🎶Say yeah, yeah, yeah
Ayy-ayy, ayy-ayy
But now I know a perfect way to let you go
Give my last hello, hope it's worth it
Here's your perfect🎶

Ang ganda ng boses nya napakalalim ng tono ng pag kanta nya hindi ko aakalain na may talento sya sa pag kanta. I'm amazing he's voice sarap pakinggan di nakakasawang pakinggan

"Ayy kambing na walang buntot!!" biglang sabi nya ng makita ako kaya natawa ako ng mahina

"Ano ka ba naman Tristan papatayin mo yata ako sa atake sa puso eh" inis na singhal nya sa akin

"Hahaha sorry naman po" natatawang sagot ko sa kanya

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong nya alam kong nahihiya sya

"Hhahaha hindi naman kakarating lang hinahanap kasi kita di kita makita kanina kaya lumabas na ako at hinanap kita ng marinig ko yong boses mong kumakanta ang ganda pala ng boses mo" sagot ko sa kanya nahiya naman sya kasi nag iwas sya ng tingin

"Namana ko sa mama ko ang pag kanta lagi sya ang nananalo ng award dahil isang singer si mama kaso nahinto yon nong naging sila ni papa ko" sabi nya sa akin

"Eh bat di ka nalang maging singer ng school natin?" tanong ko sa kanya

"Ang alam ko wala namang banda don ah" takang sagot nya

"Oo pero next month or week bubuksan na nila ang studio" sagot nya

"Hahahaha hindi nalang siguro ako sasali" sagot nya sa akin

"Sayang ang talento mo sa pag kanta kung di mo mailalabas yang talento mo" sabi ko sa kanya

"Pag iisipan ko muna yon" sgot nya sa akin bago nya tinuloy ang pag sampay nya ng mga damit nila

"Can i help you?" tanong ko sa kanya he nodded kaya sinamahan ko na syang mag sampay ng damit nila

Sa buong araw ay kwentuhan lang ang namagitan sa amin parang nakalimutan namin ang nangyari kaninang madaling araw buti naman kung ganon pero kung malaman ni Samuel ang nangyari sa kapatid nya ok lang na magalit sya sa akin tatanggapin ko yon basta ayaw ko lang na makalapit sya sa iba

Continue

My Possessive Crush (Season 1)*Complate*Where stories live. Discover now