Chapter 40

127 6 0
                                    

Chapter 40

Kurt's pov

Maaga akong nagising mga bandang 6:00 am na rin ng umaga, wala kaming pasok ngayon bakasyon kasi namin HAHAHA

Napatingin ako sa katabi ko na kayakap ako, napangiti nalang ako at dahan-dahan na inalis ang kamay nya sa bewang ko. Pag katapos ay pumunta na ako sa cr para mag himos at toothbrash ng ngipin ko, ginamit ko nalang ang toothbrash ni Tristan walang extra eh

Pag katapos ay lumabas ako ng kwarto ng tahimik, ako ngayon ang mag luluto ng agahan naming dalawa

Habang nag luluto ako ay may narinig akong kalabog sa kwarto 'malamang nag wawala na naman sya kasi akala nya wala ako sa tabi nya' ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ay di ko nalang tinginan yon focus sa pag luluto si me eh. Napaidtad nalang ako ng may yumakap sa bewang ko napailing nalang dahil sa gulat

"Akala ko nawala ka na eh" paos na sambit nya

"Psst nag luluto lang ako dito, teka maupo ka na doon di ako makakilos ng paayos eh" pinaupo ko sya sa upuan at ako naman ay nag timpla ng kape nya at ibinigay sa kanya

Pinag patuloy ko nalang ang niluluto ko, ng matapos ay hinahin ko na ito sa harap nya

"Maya labas tayo" anyaya nya

"Anong oras naman?" tanong ko sa kanya

"Hmm mga 3 pm nalang para di mainit" sagot nya sabay sandok ng makakain nya, tumango nalang ako at umupo sa harap nya

Sa buong araw namin ay kwentuhan, tawanan at nanonood lang ng lumipas ang oras ay nag ayos na kami para gumala

Ganon palagi ang set up namin, minsan kasama pa sila kuya kaya minsan halata sa muhka nya ang inis at pagkairita kaya minsan natatawa nalang ako ng palihim

Lumipas pa ang ilang araw, linggo at isang buwan puro asaran, tawanan, kulitan at kasweetan ang nangyari sa loob ng isang buwan

Naisipan ko nang ngayong araw ko na sasagutin si Tristan tutal naman isang buwan na sya nangliligaw eh

Habang papunta ako sa may cover court parang may naramdaman ako na di ko gusto pero sinawalang bahala ko nalang ito at nag tuloy-tuloy sa pag lalakad hanggang sa makarating na ako sa may tapat ng pinto

Ng akma ko itong bubuksan na may narinig akong mga ung*l sa loob ng court na syang ikinatigil ko ng marinig ang pangalan na yon

"Ugh faster baby.... Faster Tristan ahh" para akong natugod sa ung*l ng isang babae

"I'm c*mming Lorien d*mn" mas lalong dumouble ang sakit ng marinig ko mismo sa kanya iyon

Parang nanikip ang dibdib ko ng di ko sinasadyang mabitiwan ang binili kong regalo para sa kanya

"KURT!!" tawag ni Luhan pero di ko na sya pinansin at dali-daling tumakbo hanggang sa makalayo ako doon

Habang tumatakbo ako ay di ko namalayan na may nabangga na pala akong tao, pag angat ko ng tingin ay si Clarence lang pala

"Kurt?" tawag nya sa akin, pero patuloy pa rin akong umiiyak. Nandito kami ngayon sa garden na dalawa

"Kurt may problema ba?" tanong nya muli sa akin

"Ang s-sakit *sob* so-sobrang sakit C-clarence huhuhuhu" hagulgol kong iyak sa kanya

"Ano bang nangyari?" tanong nya

"CLARENCE" napatingin kami sa tumawag si Luhan pala ito

"Oh bakit ganyan itsura mo?" takang tanong ni Clarence sa kanya

"Ilayo mo muna dito si Kurt hangga't wala pa si Tristan" malamig na utos ni Luhan

"Bakit?" taka muli nyang tanong

"Basta ilayo mo nalang pwede" inis na singhal nya, kahit na nalilito pa rin si Clarence ay tumango nalang sya bago nya ako inalalayan

"Saan tayo pupunta nyan?" tanong nya ng makarating kami sa parking lot

"Kahit saan basta malayo muna kay Tristan" sagot ko sa kanya

"Sige sabi mo eh" pinaandar nya na ang sasakyan at ako naman ay tumingin sa labas ng bintana

Narinig ko pa na nag riring ang cp ko pero alam kong si Tristan iyon kaya pinower off ko nalang muna cp ko

"Nga pala kapag nag tanong si kuya sayo o tumawag sabihin mo kasama mo ako" habilin ko kay Clarence, tumango nalang sya at sa harap na nag focus

Continue

☆☆☆☆☆☆☆☆
Opsss sorry muhkang napa hurts ako sa inyo hehehehehe peace guys ah

My Possessive Crush (Season 1)*Complate*Where stories live. Discover now