Chapter 15

205 15 0
                                    

Chapter 15

Kurt's pov

Naging ok lang nalan kahit papano ang araw ko ngayon matinong kausap si Tristan sadyang napaka possessive nya lang talaga

"Teka kumakanta ka rin ba?" tanong ko bigla sa kanya kaya napatingin sya sa akin at ngumiti

"Yup, kumakanta rin ako lima kasi kaming sikat na banda noon kasama ang kuya mo kaso nong umalis ang kaibigan ko ay tinigil na rin namin ang pag banda noon" sagot nya sa amin

"Pero bakit nyo tinigil yon  pwede nyo naman ipag patuloy yon?" tanong ko ulit sa kanya

"Tatlo ang nag gigitara, isa naman sa dram at isa naman sa piano. Ang mga nag gigitara ay sila Harold at Luhan, sa Dram naman ay ang kuya mo si Samuel at at ang nag papiano naman ay si Clarence ang pangatlong nag gigitara ay ako na kumakanta so ako ang nasa gitna nila Harold at Luhan" sagot nya sa akin

Di ko aakalain na sumama pala si kuya sa team nil madaya yon ah

"Nag promise kaming lima na kapag balik ni Harold ay tuloy ang banda hanggang sa makapag tapos kaming lima kasi kapag nakapag tapos na kami alam namin na kami na rin ang mamamahala sa company ng mga magulang namin kaya hangga't maaari na nag aaral palang kami ay gusto na ulit namin na mag banda ulit na sama-sama" pag papatuloy nya nakikinig lang ako sa kanga di ko aakalain na ganon katibay ang samahan nila kuya hangga't wala ang isa di sila mag sisimula ulit napaka tibay talaga

"Kung sasama ka sa amin magiging anim na tayo non tayong pareho ang kakanta" nakangiti sya habang sinasabi nya iyon

"Pwede kang maging sikat na singer Kurt kung tutuusin mas maganda ang boses mo kaysa sa akin kaya mas mabuting sumama ka nalang sa amin sa pag babanda" pag papatuloy nya muli

"Pag iisipan ko Tristan kasi bawal ako palaging sumusugal dyan dapat pinag iisipan ko muna yon bago ko gawin" paliwanag ko sa kanya tumango nalang sya bago sya nag paalam na aalis na kaya inihatid ko na sya sa labas

Ng makaalis ay nag linis na ulit ako ng unti at nag luto panigurado na pag dating ni kuya ay pagod yon dahil sa work

Habang nanonood ako ay marinig ko ang pag bukas ng pinto si kuya lang pala mag dala syang pasalubong kaya tinulungan ko nalang sya at inilagay ito sa may lamesa dito sa kusina

"Kuya kain na po tayo" yaya ko kay kuya kaya sabay na kaming kumain habang kumakain kami ng tahimik ay bigla ko nalang itong binasag

"Hmm kuya may banday pala kayo noon?" biglang sabi ko kaya nasamid sya siguro di nya aakalain na sasabihin ko yon

"Saan mo naman napulot ang ganyang balita Kurt?" tanong nya sa akin nong naging ok na sya

"Hmm wala naman kuya gusto ko lang po malaman" nahihiyang sagot ko sa kanya

"Hahahaha yon lang naman pala eh, oo may banda ako non kasama sila Tristan kaso ngayon hininto muna namin may hinihintay kasi kami eh ang bestfriend nyang si Harold" sagot ni kuya sa tanong ko kanina

"Pero kuya diba may pupuntahan sila ni Lucas dahil sa business nila sa ibang bansa?" tanong ko sa kanya tumango nman sya

"Muhkang sa pag balik nila Tristan at Lucas kasama ang bestfriend nya don nalang siguro namin gagawin ang banda na matagal na naming hinihintay" sagot nya sa akin

"Gusto mo bang sumali bunso alam kong si Tristan ang nag sabi sayo kanina kasi pumunta sya dito tama ba ako?" tanong ni kuya kaya napalunok ako

'Hala paano nya nalaman eh wala namang nag babatiyag sa amin kanina' tanong ko sa sarili ko

"So tama nga ako pumunta sya dito, ano namang ginawa nya rito?" tanong ni kuya

"Hmm tinulunga nya lang akong nag sampay kuya sya rin ang unang nag aya sa akin na sumali sa banda nyo" sagot ko sa kanya.

"May talento ka naman sa pag kanta na minana mo kay mama so bat di mo gamitin yan sa pag kanta mo para naman may kasama si Tristan kapag nag karoon ng laban sa singing contest?" tanong ni kuya sa akin

"Kuya mag iisipan ko muna po yan plss sasabihin ko nalang po kung sasali ako sa banda nyo" sagot ko sa kanya tumango naman sya

"Ikaw bahala bunso basta ilabas mo lang ang talento mo sa pag kanta sayang yan kung di mo mailalabas o maipapakita sa iba" payo nyo sa akin kaya tumango ako sa kanya

May talento ako sa pag kanta kasi noong elementary ay nag karoon ng singing compition sinali ako noon ni mama napaka ganda ng boses nya siguro namana ko ang talento ni mama sa pag kanta habang si kuya ay isang dramer na minana naman kay papa sa pag dradram

Continue

My Possessive Crush (Season 1)*Complate*Where stories live. Discover now