Chapter 39

123 5 0
                                    

Chapter 39

Kurt's pov

Pag katapos ng presention nila ay nag roon ng salo-salo ang buong school namin, nandito kami malapit sa stage ang tatakaw nga nila Simon eh

"Ano ba naman yan akin yan Alex hwag kang mangagaw" inis na sambit ni Simon

"Bahala ka dyan" pag katapos non ay kinain nya agad ang nasa tinidor nya at tinignan ng nakakaasar si Simon kaya nainis lalo si Simon hanggang sa mag rambulan na sila. Napailing nalang kami sa pagiging isip bata ng dalawa

"Nga pala Samuel akin na muna itong kapatid mo ngayong gabi ah" nabulunan ako sa sinabi ni Tristan kaya dali-dali naman akong binigyan ni Lucas ng maiinom

"At bakit naman huh?" nakataas kilay na tanong ni kuya sa kanya

"Don't worry wala naman akong gagawin sa kanya, diba Kurt" at talagang ako pa tinanong

'Wala daw pero noon dalawang beses nang nangyari batukan ko toh eh' sinamaan ko nalang sya ng tingin at kumain nalang ulit narinig ko pang tinawanan sya ng mga kaibigan namin

"O sya papayag ako sa gusto mo basta lang hwag mong pagurin yan ah" tinignan ko si kuya ng nakakamatay na tingin

"Joke lang" tinarayan ko nalang sya at tinapos ang kinakain ko

"Hoy, hoy, hoy hwag nyo munang gagawin yon ah di pa naman kayo eh" anak ng pating na yan talagang yon pa ang tinatopic nila

"Soon guys mangyayari yan" ng di ko na napigilan sarili ko binatukan ko isa-isa sila kuya na syang ikinadaing nila

"Anak ng pating kayo guys bat ba yan ang topic nyo pag sisipain ko kayo dyan eh" inis na bulyaw ko sa kanila

"Hala si Kurt moodly" pang aasar ni Kio kukunin ko sana yong maliit na kotsilyo ng beef ng nag tago sya sa likod nila kuya

"Tantanan nyo ako ah, nanahimik ako dito" inis na sabi ko sa kanila

"Opo mahal na prinsesa" sabay na ani nila bago tumawa

"Sorry" bulong ng katabi ko sinamaan ko nalang ulit sya ng tingin bago kumain ulit

Fast forward

Nag paalam na kami sa isa't isa

"Iuwi mo rin yan bukas ah" bilin ni kuya sa kanya

"Oo na dude" ng mawala na sila sa paningin namin ay pinag buksan na agad ako ni Tristan ng pinto kaya sumakay nalang ako

Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa...... Teka? Mansion? Ano naman ang gagawin namin dito?

"This is my own mansion pinagawa ko na ito kakatapos nga lang pero may mga kagamitan na rin naman dyan" ng makita nyang nag tataka ako ay sinagot nya agad kung bat nandito kami

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya

"Ipapakita ko lang sayo ito, don't worry sa condo talaga tayo matutulog" natatawang sagot nya

Di na ako umimik pa at tinignan ang kabuunan sa subdivition muhkang sya lang ang may ari ng buong subdivition ah

Ng makababa na kami ay nakita ko ang lawak ng daan na ito may mga harding, pananim ng gulay, may puno rin dito at fountin sa gitna ng mansion

"Hali ka" hinawakan nya ang kamay ko at tinahak ang loob ng mansion

Namangha ako sa ganda ng mansion napaka aliwalas may mga painting na rin dito, vase na mamahalin at ang kintab ng tiles ng sahig

Malawak ang living room, may kitchen din dito, malaking tv screne, dalawang mahabang sofa at isang single sofa

"Don naman tayo sa mga kwarto" tinahak ulit namin papuntang kwarto i think mga second floor lang ito pero napaka ganda din naman at malawak

Continue Chapter 39

"Ilang kwarto ang meron dito?" tanong ko sa kanya

"Apat na kwarto ang pinaka gitna nito ay ang master bed na syang kwarto ko" sagot nya

Nakita namin ang kulay itim na pinto nasa gitna ito ng apat na kwarto, binuksan nya ito na mas lalong ikinamangha ko naman

Isang king size bed, color gray na pintura ng dingding at iba pa may cr na rin dito sa kwarto nya

"May mini office din ako dito, at mini library" dugtong nya

"Halika na kakain muna tayo bago umuwi" bumaba na kami at pumunta ng kusina, sya nalang daw ang mag luluto ng makakain namin

Maganda din ang dining room dito mahaba din ang lamesa

"Here" ibinaba nya na ang mga niluto nya

"Hmm ang bago naman, teka di ka pa ba busog kanina" natatawang tanong ko sa kanya

"Paano di ako nakakain ng maayos kanina dahil ang gugulo nila Kio" inis na sagot nya kaya natawa ako ng pahina

"Sige na kain na tayo" kumain na muli kami masarap din sya ang galing nya mag luto

Ng matapos kami ay hinugasan na muna namin ang pinag kainan namin bago umalis

Ng makarating na agad kami sa condo nya ay naligo muna sya ako naman nandoon sa may sofa dito sa living room ng condo nya

Narinig ko naman na nag bukas ang pinto kaya napatingin ako sa kanya, kkatapos lang pala nyang maligo

"Maligo ka na Kurt eto muna suutin mo sa ngayon" ibinigay nya sa akin ang isang boxer at polo short pero malaki ito

Naligo na ako sa banyo ng kwarto nya, pag katapos kong maligo ay lumabas na rin ako nakita ko naman sya na nag babasa

"Mahilig ka pala mag basa?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako

"Oo eh ito lang kasi libangan ko" sagot nya at ibinaba ang libro at reading glass nya bago ako hinatak kaya napaupo ako sa kama

"Talikod ka ako nalang ang mag pupunas" tumalikod na ako ng sinabi nya yon at sya na nga nag punas ng ulo ko

"Inaantok na ako" bulong nya sa tenga ko

"Higa ka na" yaya ko sa kanya, humiga naman na sya kaso hinatak nya ako kaya ayon napahiga nalang ako sa dibdib nya

"Goodnight baby, i love you" huling narinig ko mula sa kanya bago tuluyan na sinakop ng antok si me

Continue

My Possessive Crush (Season 1)*Complate*Where stories live. Discover now