SB19 Ken: "Meraki"

98 3 0
                                    


(Former book cover)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Former book cover)

"Sierraaaaa, bakit dito mo ba lagi gustong magpractice? Ayaw mo ba sa studio?" Tanong ni Raine, kagrupo mo sa dance contest na kaibigan mo na rin.

"Gaga, siyempre nandito yung fafing artist  na crush na crush niyang si Sierra! Kaya okay lang masunog tayo sa tirik na araw basta masilayan yung-- sino nga ba 'yon? Ah! Ken Su-- Aww!" Siniko mo na si Jae, ang bakla mong kaibigan dahil pagkalakas lakas ng boses nito. 

"Hoy Juanito, itikom mo bibig  mo, alam mo naman sitwasyon natin dito."  Nilakihan mo siya ng mata, paano ba naman, isigaw ba  ang pangalan ng taong iyon? 

"Yak with that name! Aghhh sige na I'll shut up na." Pabiro ka na lang inirapan ni Jae habang umiinom ng tubig.

Hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo nakikita si Ken. Ginaganahan ka lalo mag-practice kapag natatanaw mo siya sa sulok, ginagawa ang hilig niya.

Saka gustong gusto mong pinapanood siyang nag ga-Graffiti art. 

Dalawang taon na ang nakararaan simula nang madiskubre mong madalas siyang naroon sa park upang mag spray paint. Hindi pa kayo buo ng mga kagrupo mo at ikaw ay mag isa pa lang nangangarap maging  tanyag na mananayaw. 

Hanggang ngayon, sa dami na ng obra na ginawa niya, kahit kailan hindi mo siya nalapitan, hindi mo siya magawang kausapin. Ano naman kasi ang sasabihin mo? Hi, pwede ba kitang  i-invite manood sa dance contest namin next month?"  

"Huy Sierra! Ano tulala na lang tayo dito ganorn?" Saad ni Aly, isa mo pang kagrupo. Alas quatro na ng hapon at ready na sila, ikaw na lang ang hinihintay.

"Sandali, bago tayo magsimula,  gusto ko lang sabihin na manalo matalo, mahal ko kayo mga slapsoil at lagi sana nating ibigay ang best natin." Nagtatakang tiningnan ka lang nina Jae, Raine at Aly, ngunit  ngumiti rin sila sa'yo kinalaunan.

"Drama namannn, pero in fairness, inspirational words from our leader, kaya sa'yo kami eh kahit adik na adik ka kay--"  Pinutol mo na lang si Raine at sumigaw ng...

"PADAYON, MERAKIAN!" 

---

Kalagitnaan ng practice ng grupo niyo,  hindi nakatakas sa paningin mo ang kadarating lang na si Ken. Bitbit nito ang isang bag na naglalaman ng makukulay na spray paints. Ibinaba niya ito malapit sa isang blankong pader. 

May sisimulan na naman siyang obra. 

Tinuloy mo ang pagsasayaw habang lihim sumisipat sipat kay Ken na abalang abala. Bumubuo siya ng mga letra sa pader, kitang kita mo sa mga mata niya na masaya siya sa pagdidisenyo.

Napapangiti ka habang masiglang umiindak sa tugtugin, nang mapalingon siya sa'yo. Nagkatingingan kayong dalawa at muntikan pang magkamali ang dance steps mo nang mapansin mong titig na titig siya sa'yo. 

Focus, Sierra, mahahalata ka niyan eh! Sabi mo pa sa sarili.

Iniiwas mo ang tingin mo kasi hindi mo kinakayang sabayan ang titig niya. Sa loob ng ilang taon, hindi mo siya nakikita tumingin man lang sa direksyon mo, ikaw lang lagi ang nakasipat sa kanya.

O baka hindi mo lang talaga napapansin?

---

Natapos ang practice niyo at pagod na sumalampak ang inyong grupo sa bench malapit sa ilalim ng puno. Umiinom ka ng tubig nang muling magsalita si Jae. Hindi talaga marendahan ang bibig nito kahit kailan.

"Sierra, anue na indai, hanggang tingin na lang yern? Lapitan mo na kasi! Maunahan pa kita riyan sige ka. Iyak iyak ka na lang."  Sinamaan mo siya ng tingin at natawa lang siya sa'yo.

"Ganito na lang, kapag hindi ka lumapit or kausapin man lang siya ngayong araw na ito mismo, lilipat na tayo ng practice place."  Pananakot ni Aly. Napalunok ka sa mga gustong mangyari ng mga kaibigan mo. 

"Or pwedeng, tawagin na lang natin si fafi Ken dito para mag-usap sila, bagal ng facing indai eh, I want progress hahahaha!" Sinaway mo si Jae habang  sumusulyap kay Ken, tapos na siya sa ginagawa niya. Malinaw na nababasa ang salitang L O V E sa pader na may mga disenyo pa. 

In love siya? Kanino  naman?  Sa'kin? Ay ilusyunada ka, Sierra. 

"Great idea Jae! Mr. Ken Sus---hmphhh!" Tinakpan mo ang bibig ni Raine habang tawa naman ng tawa sina Aly at Jae.

"Oo na, oo na ito na oh, desisyon kayo niyan? Lalapitan na nga eh..." Pagtataray mo sa kanila. 

Dahan dahan kang lumapit sa gawi ni Ken, tapos na siya sa graffiti at nagliligpit na kaya nakatalikod siya sa'yo. Hindi niya namalayang nasa likod ka na niya.

"Hello! I-I'm Sierra! Uhh... ang galing mo naman mag-Graffiti art-- and uhm..."

"Ang husay mo rin sumayaw, Sierra... and I'm Ken by the way." Pagsasalita ni Ken, malalim ang boses nito pero hindi nakakatakot, bagkus ay parang nanghehele... At himalang alam niya ang pangalan mo. 

"Uhh... Can I ask you a question?" Ito ang matagal mo ng gusto itanong sa kanya. Nasubaybayan mo ang lahat ng obra niya at kung paano ito naging iba sa karaniwan. 

"Sige ba..." Habang nakatingin siya ng diretso sa'yo. Hindi mo rin maialis ang titig sa kanya, para ka niyang hinahatak. 

"What makes your art different from the others?" Then you smiled. 

"Every piece I make is a part of my soul. That is why every time I make one, I give my love to it. " Sumilay rin sa kanya ang isang ngiti.  

"Gaya nito, ang ganda, ito ang pinaka paborito ko sa lahat ginawa mo..." Hindi mo napigilan ang bibig mo sa part na iyon. Halata ka na talagang laging nakatingin sa kanya.

He just chuckled and replied.  Ang sarap sa tenga ng tawa niya...

"Same with your dances, your latest dance practice is my favorite, kita kong masaya ka sa ginagawa mo."

"Ha-- so nanonood ka--?"

"Of course, ngayon ako naman ang magtatanong."

"Sure, uhhm lets' hear it." Kabado mong pagsagot.

"Can we be friends, Sierra?" Sabay lahad niya ng kamay. Puno iyon ng pintura pero wala lang iyon sa'yo. 

"Sige Ken, bakit hindi." Saka tinanggap ang palad niya. Maaring ito na ang maging simula.

Nahagip mo pa ang mga kaibigan mong naghahampasan sa kilig bago muling nagfocus sa mukha ni Ken. 

End


SB19 OneshotsWhere stories live. Discover now