Kathang Isip

63 2 0
                                    

Now playing : "Kathang Isip"

"Di ba nga ito ang 'yong gusto, o ito'y lilisan na ako..."

Madilim na sa aking kwarto at tanging lampshade na lang na nakapatong sa bedside table ang nakabukas.

Ala una na ng madaling araw. Nung bata pa ako at wala pang muwang, tulog na ako sa mga oras na ito, naglalakbay na ang isip sa kung saan aabutin ito.

Ngayon. Iba na. Imbis na makatulog ay nagpaikot ikot lamang ako sa kama, nasa tabi ko rin at nakasabog ang mga unan at stuff toys na binigay mo, sila nananatiling yakap ko, ngunit ikaw hindi na.

"Mga alaala'y ibabaon, kalakip ang tamis ng kahapon."

Naroon na tumingin ako sa bookshelves ko ng mga librong kay tagal ko nang hindi binubuksan at binabasa, naroong mahagip rin ng aking mga mata ang mga inaalikabok nang art materials na hindi ko na nagagamit.

Katabi ng bookshelves ay ang computer na minsan ko lang rin na buksan, kung bubuksan ay para lang sa gawain sa paaralan.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata, umaasang makakatulog rin ako sa pagloko ko sa sarili kong aantukin ako. Hindi pala.
Sa pagpikit ko, nakikita ko lang ang mga alaalang iniwan mo, mga masasayang alaalala nung tayo pa ay masaya, nung tayo ay ayos pa, nung mahal na mahal mo pa ako. Mariin ang pagkakapikit ko, para bang umaasang sa muling pagmulat ay hindi na isang masalimuot na bangunguot ng kasalukuyan ang bubungad sa akin.

Ang kasalukuyang umalis ka na, sumuko ka na.

"Mga gabing di namamalayan, oras ay lumilipad.. Mga sandaling lumalayag kung saan man tayo mapadpad, bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay,  ito'y maling akala, isang malaking sablay..."

Umikot muli ako at humarap sa kabilang side ng kama ko, sa may pader, nasanggi ko don ang teddy bear na binigay mo nong unang anniversary natin. Nandito rin ang teddy bear na binigay mo noong nanliligaw ka pa lang.

Niyakap ko sila. Mahigpit. Mahigpit yung parang ikaw na talaga yung niyayakap ko. Yung kagaya ng pagyakap ko sayo noon habang nangangakong hindi kita susukuan.

Hindi naman ako sumuko, ikaw lang...

Inamoy ko ang mga teddy bears habang nakapikit. Wala na ang pabango mong mahilig mong iispray sa kanila. Sabi mo kasi nilalagyan mo sila ng pabango para hindi ko maramdamang malayo ka sa akin. Pero bakit kahit ang lapit lapit sakin ng mga teddy bear, ay siyang layo na ng loob ng nagbigay nito sakin?

"Pasensya ka na, sa mga kathang isip kong ito..."

"Miss na kita, sobrang miss na kita." Mahina kong ibinubulong sa mga teddy bears habang unti unting tumutulo ang mga luha saking mga mata. Umaasa akong maririnig mo rin ang mahihina kong iyak at babalik ka.

"Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo..."

Pinipigilan kong lumakas ang aking paghikbi, baka pa marinig ako ng mga kasama ko sa bahay, tinakpan ko na lamang ang aking bibig at ibinaon ang mukha sa mga stuff toy na yakap ko, kasabay ng sunod sunod na paglandas ng mga luhang hindi ko na kaya pang pigilan.

Bakit ka napagod? Bakit ka sumuko? Akala ko ba tayo na hanggang sa huli? Akala ko lang ba ang lahat? Bakit kay bilis mo lang akong isawalang bahala? Hindi na ba ako mahalaga? Wala na ba talaga?

Iyan ang mga tanong na nasa utak ko, ni hindi ko man lang maitanong sayo...

"Ako'y gigising na, sa panaginip kong ito, at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.. Lalayo sa..."

Online ka, nakatitig lang ako sa berdeng bilog na iyon sa Messenger, nakatitig sa huling mensahe kong ipinadala sayo.

"Nag aalala ako sayo, uminom ka ng gamot ha? I love you."

Ngunit seen lang ang iginanti mo.

Online ka, gustong gusto kita kumustahin, ang tagal na rin kasi nating hindi nag uusap simula nung maghiwalay tayong dalawa.

Gustong gusto ko tanungin kung kumain ka na ba? O nakatulog ka ba ng maayos o natapos na na yung laro na ikinukwento mo sa'kin dati...

Ngunit hindi ko na magawa, hindi na pwede. Ayaw na kitang guluhin pa, alam ko namang hindi na ako ang gusto mong makausap, hindi na ako ang gusto mong makapuyatan habang pinag uusapan ang pinaka random na bagay sa mundo. Hindi na ako. Saka ayaw ko na rin makagulo pa habang abala kang hinahanap ang mga bagay bagay na magpapasaga sa'yo.

Hindi ka na interesado.

Ilang beses ko nang ipinagpilitan ang sarili ko sayo.. Ilang ulit lang rin akong nasaktan. Ngayon, ayaw na kitang guluhin pa kaya't ito ako hanggang tingin tingin na lang, iwinawaksi ang kirot sa puso na nararamdam sa tuwing nakikita kang may kasama ng iba, na masaya na sa iba...

-----
"Ngunit sa'king bawat paghinga, ikaw ang nasa isip ko sinta, kaya pasensya ka na...

"Sa mga kathang isip kong ito, wari dala lang ng pagmamahal sa iyo.."

------
Tumingin ako sa kisame habang nakahawak ang kanang kamay sa dibdib na naninikip  habang inaaalala ang mga huling sandali bago ka magpaalam...

"Its not you, its me..."
-----

"Diba nga ito ang iyong gusto..."

"O ito'y lilisan na ako.."

----
Natapos ang kantang pinakikinggan ko sa cellphone habang naka earphones, pero hindi pa rin natatapos ang sakit na binigay mo sa akin..

Ito na siguro ang huli..

Pinindot ko sa contacts ang number mo, hindi ko naman ito binubura kahit wala na ang tayo.

"Calling... Josh"

He answered. But he didnt talk.

"Its okay, if you dont wanna speak... Just hear me out."
Rinig pa ang mahina kong pag iyak habang nagsasalita pero hindi ko na yun masyadong pinagtuunan pa ng pansin.

"From now own, I will let you go... Dapat ay sinabi ko na sa'yo to noon pa, pasensya ka na.. Mahal na mahal pa rin kita, hindi yun magbabago lumipas man ang panahon.. Pero ngayon I wish you to be genuinely happy, continue to chase your dreams Josh... You will not hear anything from me from now on. I love you so much...

Malaya ka na...

Call Ended.

March 20, 2020









SB19 OneshotsWhere stories live. Discover now