2

68 3 0
                                    

Chapter 02

Athena

From: Pompom❤️
His name is Keith Daren Alonzo but he prefers to call him Daren. He's 23 years old and Coreen told me na nag-aaral siya sa isang sikat na university. Dun ka na kaya mag-aral?

Napabuntong-hininga ako sa text ni Pomela. Nireplyan ko siya.

To: Pompom❤️
I'm already enrolled in Central Luzon University. Pina-enroll na ako ni daddy.

Nilagay ko sa side table ang phone nang masent yun. Kinuha ko yun agad nang tumunog.

From: Pompom❤️
Ah ganun! Sayang naman. Anyways, pwede mo nang simulan ang hakbang mo hehe. Good luck my dear friend. Kaya mo yan!💪

Natawa pa ako sa emoji na ginamit niya.

Natulog nalang ako dahil maaga pa ako bukas.

****

Ilang araw na ang nakalipas at pumasok na din ako sa first day of school ko dito sa CLU.

Nandito ako ngayon sa cafeteria nagsscroll lang sa Facebook hanggang sa may nabasa akong post.

'OMG! I'll pray for you Daren. Get well soon, mwuahh!'

Yan ang nakasulat na caption. Daren? San ko nga ba narinig yun?

Binalewala ko nalang since 2 days ago naman na ang post na yun.

Nagsscroll lang ako nang nagscroll at may nakita na naman akong post na may picture. Nagulat pa ako nang makita ang picture. Siya to ah! Yung lalaki sa bar, yung gagamitin ko daw sabi ni Pomela.

Tiningnan ko ang caption na nandun at binasa.

'Daren, get well soon' 2 days ago na din ang post na yun.

Wait, kaya pala pamilyar ang pangalan na yun. Siya pala si Daren.

Naalala ko ang sinabi ni Pomela na simulan ko na ang hakbang ko. Kaya in-add friend ko si Daren sa Facebook na syemrpre ang pangalan ko, baka may makakilala pa sakin eh at bahagya pa akong nagulat nang i-accept niya yun agad. Online siya..

Si-nave ko muna ang isa sa pic niya na nasa ospital siya at nagsimulang magtype.

'Baby Daren, get well soon. Papakasalan pa kita. Yiiee!'

Napabuntong-hininga ako sa caption na isinulat ko saka ko ipinost Kasama ang pic niya. I hope we are doing right..

Daren

"Daren, Sir Raymond called me kaya pupunta akong UH ngayon. Kaya pwede bang bantayan mo si Kaede ngayon sa bar. Baka may mambastos sa kanya dun at wala ako." Kalabit sakin ni Zares.

Sumimangot ako. "Pasalamat ka mahalaga din si Kaede sakin. Okay, fine!" Sabi ko tinungo ang kotse.

"Thanks, bro!" Rinig ko pang sigaw niya bago ako makasakay.

****

"Uy Daren, ikaw lang mag-isa?" Bungad sakin ni Kaede na sumilip pa sa likuran ko. Natawa ako at napailing.

"Wala ang Keiv mo, Kaede. Pinapabantayan ka niya sakin. See? Kahit wala siya, iniisip ka parin niya. Awwiieettt!" Nakita kong namula siya dahil sa sinabi ko.

"Ah.. s-sige, upo ka na. Magtatrabaho na ako." Aniya at daling tumalikod.

Natawa ulit ako. Umupo ako at inilabas ang cellphone ko. Since, wala naman akong ginagawa, binuksan ko nalang ang Facebook at nagscroll ng nagscroll.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now