27

42 1 0
                                    

Chapter 27

Athena

Naging awkward ang paligid matapos akong yakapin ni Daren kanina. Nang marealize niya ang kanyang ginawa kanina ay agad siyang kumalas at nag-iwas ng tingin sabay sabing 'sorry'.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gagawin lalo na hanggang ngayon hindi parin humuhupa sa pagtibok ng malakas ang puso ko.

What happened earlier really scares me, it made me tremble but the moment I got embraced by him, I don't know, awtomatik na naging kumalma ang sistema ko. I felt secure and safe.

"Where's my sister?" Rinig kong boses ni Astheria sa labas ng kwarto ko dito sa ospital. May padabog na bumukas ng pinto at bumungad ang kakambal kong halatang nag-aalala. "Gosh, pinag-alala mo ako! Kakalabas mo lang nung makalawa eh tapos andito ka ulit!" She hugged me tightly.

"I'm sorry. . ." Mahinang sabi ko. "I'm sorry."

Kumalas siya at tiningnan ako. "Sis, ano kaya kung bumalik ka nalang sa Australia? Doon, nasisiguro namin na walang mangayayaring masama sayo."

Agad akong naalerto. "Please, give me one more chance! A-Ayoko munang bumalik. I miss mom and dad, yes, but I want to be here more." Pagmamakaawa ko.

We heard Daren cleared his throat. "I think, I have to go."

"Daren, Ikaw ba ang nagligtas sa kapatid ko? Maraming salamat ulit." She faced Daren with sincerity.

Daren took a quick glance at me before turning to my sister.

"Levin found her first. I'm sorry because I was working at that time so I wasn't the one who saved your sister." Nagulat ako sa sinabi ni Daren. Yeah, he wasn't the one who found me first but he did saved me. His presence made me feel I was safe. He's the only person who made me feel like this! And I just can't understand why!

"Oh, kahit na ganun, salamat parin for being there for her kanina."

"Yeah, it's nothing. I'm sorry but I have to go back to the site."

"Sige, salamat ulit."

After that, Daren glanced at me before he left. Lumapit naman sakin si Astheria at umupo sa tabi ko. "Ayos ka lang?"

Tumango ako. "Hmm." I stared at her while thinking kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko towards Daren kasi parang sasabog ako pag hindi ko nailabas lahat to! "Sis, may... past ba kami ni Daren?" Tanong ko na halatang hindi niya inaasahan. "H-Hindi naman sa nag-a-assume ako kasi nga nagka-crush ako sa kanya diba, pero kasi, parang feeling ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay pamilyar."


Iniwas ni Astheria ang kanyang tingin at natulala sa kawalan. "Do you want to know the truth?"

"W-What truth?" Kinabahan ako na excited.

She then held my hands and caressed it. "I'm so sorry for not telling you this sooner pero inalala lang kasi kita. Baka pilitin mo ang sarili mo na makaalala."

"A-Ano nga?"

Lumunok pa siya. "Daren. . . Daren was your boyfriend." Tila huminto ang ikot ng mundo ko sa narinig.

"Y-You mean, he's my e-ex?" Paglilinaw ko.

"Yeah, diba sinabi ko sayo na years ago dito tayo nag-aaral? Yun yung panahon na nagkakilala kayo. You fell first but he fell harder."

Dahil sa sinabi ni Astheria ay pilit hinahalukay ng isip ko ang sinabi niya. "Ahh!" Napasapo ako sa ulo ko nang sumakit yun kasabay ng paglitaw ng hindi malinaw na imahe ng lalaking nakatingin sakin. "A-Aray!"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now