26

42 1 0
                                    

Chapter 26

Athena

"Athena!" Napangiti ako nang makita si Kaede na nakadupa ang dalawang braso papatakbo palapit sakin. Sinalubong ko naman siya. "How are you? I'm so sorry sa nangyari nung isang araw."

"Luh, ba't ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan yun. And don't worry, I'm so okay now." I gave her a reassuring smile.

Nakita ko ang asawa niyang nakasunod pala sa kanya habang karga ang baby nila. Zares just smiled at me.

"Hi, baby! I miss you." I pinched baby Eiv's cheek and she giggled.

"I'm owkey po." Aniya na mas lalong nakapagpacute sa kanya. So cute!

Kinalabit ako ni Kaede. "Anyway, halika, bilhan kita dress."

"Ha? Naku, wag na, kakabili lang ng kakambal ko kahapon."

"Eh gusto kitang bilhan eh! Babe, girls bonding muna kami ah?" Napabuntong-hininga nalang si Zares at hinalikan sa noo si Kaede.

"Go on, sa kotse lang kami ni Kaezryll. Enjoy kayo!" Pagkasabi nyan ni Zares, agad akong hinila ni Kaede papasok sa mall. Naman eh, kakalabas ko lang dito eh tapos papasok na naman.

Pili dito, pili doon ang ginawa ni Kaede, hinayaan ko nalang siya. Kung ano-anong dress ang pinapasukat niya sakin at pati shoes at sandals hindi pinalampas. "Kaede, are you sure about this?"

"Very much sure." Saka lumapit siya sa tenga ko. "Secret lang natin to, gagamitin ko ang card ng asawa ko." Then she winked at me.

"Ano? Baka magalit asawa mo?" Gosh! Na-i-istress ako!

"Di yan." Confident niyang turan bago binayaran ang dress na lima at yun saka dalawang sandals. "Make sure to wear these, okay? Magtatampo ako kung hindi."

"Pag may okasyon lang, hm?" Napilitan kong sabi. Wala na akong magagawa, nabayaran na niya. Naku, pag nalaman to ng asawa niya sigurado akong paktay ako neto!

"Restroom lang ako." Paalam ko saka pumuntang CR para umihi. Pagkatapos, naghugas ng kamay saka nagretouch na rin.

Ngunit napatigil ako nang may nakitang box sa harapan ng salamin na may nakasulat na pangalan ko. Kung Athena lang ang nakasulat, hindi ko papansinin pero complete name ang nakalagay, pati nga ang middle name ko.

Napalunok ako habang dahan-dahang kinuha ang box. May post-it-note pa sa ibabaw na may nakalagay na 'From your secret admirer' Agad nanayo ang mga balahibo ko sa nabasa.

Habang binubuksan ko ang box, pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko. Nang tuluyan ko nang mabuksan, nanuyo ang lalamunan at nanginig ang kalamnan ko sa nakita.

Ang nasa loob ay picture namin ni Reno noong bata pa kami. Yung picture ko ay walang ulo na may pulang likido at kay Reno naman ay punit-punit na may pulang likido rin. Pero mas lalo akong kinabahan nang mabasahan ang sulat na nandoon. 'Try to steal what's mine and I'll take you to hell, bitch!' K-Kanino galing to? Sino ang tinutukoy niya?

Kahit sobrang tibok ng puso ko, matapang kong hinaplos ang picture at inamoy ang likidong halatang fresh pa. D-Dugo!
Kaya agad kong nabitawan ang box at dali-daling binasura. Nanginginig ang dalawang kamay kong naghugas ng kamay. Hindi pwedeng malaman to ni Kaede, h-hindi pwedeng malaman nila to!

Kahit mahirap, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Kaya mo to, Athena. W-Wag mong pansinin yun." Ang ipinagtataka ko, bakit pati si Reno? Diba, matagal na kaming hindi nagkikita? Saka, saka kung sino man ang nasa likod nito, kilala niya si Reno at may alam siya sa kabataan namin.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now