22

43 1 0
                                    

Chapter 22

Athena

"Thank you so much, ma'am. Come again po!" Magiliw kong bati sa customer namin.


Masaya ako dahil sa wakas natuto at nasanay na akong bilang cashier. Aaminin kong hindi madali pero proud ako sa sarili ko na nakaya ko. Pang-apat na araw ko nang nagtatrabaho at masasabi kong isa ito sa memorable na nagawa ko sa buong buhay ko. Oo nga pala, nakalimutan ko halos kalahati ng buhay ko. :((


"Good morning, maam! Welcome po!" Malapad ang ngiti ko na sinalubong ng bati ang bagong pumasok pero napalis ang ngiti ko nang makilala ko yun. Siya yung babae sa mall na sinabihan kong hindi ko siya kilala.


"Hi!" Magandang ngiting bati niya. Kaya naman kahit nahihiya ay ngumiti ako pabalik. Nagi-guilty na naman ako.


Sinabi niya kay Mika ang order niya saka umupo. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Her face reminded me of someone but I can't remember kung sino.


"Mika, pwede bang ako na ang maghatid?" Pakiusap ko kay Mika habang bitbit niya ang order nung babae.


"Huh? Ah s-sige." Kahit nalilito ay pinasa niya sakin ang tray.


Bigla akong kinabahan habang papalapit sa babae. Napatingin din siya sakin at agad ngumiti. She's so pretty and I think she's a kind person.


"Here's your order, ma'am." Nilapag ko ang iced coffee and cake na inorder niya.


"Thank you, Athena." Aniya saka napatigil. "Um.. t-thank you." Saka kinagat niya ang labi.


Siguro naalala niya yung sinabi kong hindi ko siya kilala. Kaya naman gusto ko siyang kausapin. Makahingi man lang ng tawad sa pagiging straightforward ko noon.


"Um, actually I want to say s-sorry." Mahinang simula ko. "Nung sa mall h-hindi ko sinasadya na sabihin yun, in a not-nice-way pa. I'm sorry. Kung nakalimutan man kita, sorry."


She held my hand. "No need to be sorry. But I'm just curious, hindi mo ba talaga ako naalala?" Tumango ako. "How come so?"


"Pasensya na, masyado kasi ng confidential kaya h-hindi ko muna ipagsasabi. Sorry."


"I understand. I'm Kaede." She lifts her right hand in front of me.


"Nice to meet you, Kaede."


"Nice to see you again, Athena. Sana maging magkaibigan ulit tayo." Napangiti ako.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now