Prologue

65 1 0
                                    

Naniniwala lamang tayo sa mga bagay na ating nakikita. Paano kung mayroong mundong nakakubli mula sa ating paningin? Paano kung ang mundong 'iyon' ay puno ng iba't ibang klase ng nilalang? Paano kung ikaw ay napadpad sa isang portal na magdadala sa iyo sa mahiwagang mundo?

Iyan ang nangyari sa binatilyong nagngangalang Drake. Isang binatang ang alam lamang ay magnakaw upang mabuhay. Para sa kanya, ito lamang ang paraan upang mabuhay. Hindi siya nakapag-aral kaya siya ay binansagang mang-mang sa kanilang barangay. Lagi niyang sinisisi ang mga magulang. Kung bakit ito namatay ng maaga. Isang araw nakita na lamang niya ang sarili sa isang magarbong kuwarto. Tuklasin at subaybayan natin ang paglalakbay at pagmamahalang mangyayari rito. Ngunit ano nga ba ang hahadlang sa pagmamahalan na ngayon pa lamang niya mararanasan? Sapat bang dahilan ang pagkakaiba ng kanilang LAHI?

LahiWhere stories live. Discover now