KABANATA 2

25 0 0
                                    

Drake's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Laking gulat ko na nasa ibang lugar na ako. Kabaliktaran ng pinagkagisingan ko kanina. Kung iyon ay mala kuwarto sa isang palasyo, ang lugar na kinalalagyan ko ngayon ay isang rehas at ang aking mga kamay ay may nakakabit na posas. Sinubukan ko iyong tanggalin ngunit wala rin itong silbi. Naramdamang kong sumakit na naman ang aking ulo.

"Gising ka na pala hangal!" Ano bang nagawa ko? Galit na galit sa akin itong babae na ito. Ako nga tong bigla na lang nagising sa kuwarto ng salaming may mukha. Wait. Salamin na may mukha? Ngayon nga lang ako nakakita nito. Nasaan ba talaga ako-

Bigla akong sinampal ng babaeng maldita. "Ano ang hangarin mo at napadpad ang tulad mong mortal sa mundo namin?"

"Hindi ko alam, okay?" ang init naman ng ulo nito sa akin.

"Mortal, papaanong hindi mo alam kung paano ka napunta rito? At ano ang ibig-sabihin ng 'okiy' ? Pinagloloko mo ba ako?" nagtataka at medyo pagalit nitong tanong.

"Ang totoo po niyan ay nagpunta lamang ako sa kagubatang katabi ng aking kubo. Hindi ako makalabas ng gubat at makulimlim na ang kalangitan. Kaya nung may nakita akong kubo ay nais kong makapasok kaagad ngunit may mga hayok na hayok na mga asong lobo na nakapaligid sa tila ba nilelechong baboy-ramo na bulok." mahaba kong pagkukwento.

"Ahh, kaya pala naroon ka sa aking hardin" patango-tangong sabi nito

"Ganon na nga baliw" Bigla na naman itong tumingin sa akin nang matalim.

"Ako ba ang tinawag mong baliw?! Ang prinsesa na susunod na reyna ng Ethylehia? Ang pinakamalakas na bansa sa buong Preogecaea? Namumuro ka na talaga sa aking hangal ka!!" galit na galit at umuusok pa ang ilong na sabi nito.

"Nagpapatawa ka ba? Kahit hindi ako nag-aral ay alam kong hindi monarkiya ang government system ng Pinas kundi Demokrasiya kaya imposibleng may prinsesa na katulad mo!" sigaw kong balik sa kaniya.

"Anong Pinas ang iyong pinagsasabi? Iyon ba ang mundo ng mga mortal? Maari mo ba akong dalhin roon? Anong 'Demokrasiya'? 'Monarkiya'? 'Government system'?"

"Unang-una sa lahat, ang Pinas ay ang pinaikling Pilipinas, hindi iyon mundo kundi isang bansa sa mundo ng mga tao o 'mortal' kung iyon ang tawag mo sa amin, demokrasiya at monarkiya ay nabibilang sa government system kung saan ang demokrasiya ay isang termino na nangangahulugang "pamamahala ng mga tao" at ang monarkiya naman isang sistemang pampulitika batay sa soberanya ng iisang pinuno. isang sistemang pampulitika batay sa soberanya ng iisang pinuno."(source:google)

Unti-unti na akong naniniwala na wala na nga ako sa mundo ko. Naririto ako sa isang mundo ng isang babaeng baliw na prinsesa raw na may alagang salamin na may mukha. Isa lamang ang alam ko, kailangan kong umalis na hanggang maaga dahil maaaring may masamang mangyari sa akin kung mananatili pa ako rito nang mas matagal. Habang nakikita ko na parang hindi niya pa masyadong maintindihan ang aking mga sinabi ay pasimple na akong tumingin sa paligid at nakita ko ang susi ng kulungan sa kamay niya.

"Pwede mo bang tanggalin ang mga posas na ito? Masakit na kasi ang mga kamay ko." nagpapaawa ko pang sambit with matching puppy eyes.

"Naku, lalaki, hindi na tatalab sa akin iyang paawa mong iyan-" biglang naputol ang sasabihin ng babae dahil sa isang binatang dumating. Marangya ang kasuotan nito. Kung ang dalagang nasa kanyang harapan ay mala prinsesa. Ito naman ay mala-unggoy sa panget. Oo panget siya, maganda at marangya lamang ang kanyang kasuotan ngunit tila hindi ito bumagay sa kanyang mukha. Siguro noong nagpapaulan ang diyos ng kagwapuhan ay tulog ito at humihilik pa. Natigil ang pag-oobserba ko rito nang nagsalita ito.

"Siya ba ang mortal na tinutukoy mo irog ko?" Sambit nito sa mahinahon at ubod ng tamis na boses na sobra-sobrang nakakasuka. Irog? HAHAHAHAHAHA Ano raw? napakakorni naman nitong kupal na ito. Nakulangan na nga sa mukha, nakulangan naman sa ka-cool-lan. Kung hindi ko lamang nakita ang matulis na espada ng tila mga kawal na dumaan kanina ay kanina pa ko humiga rito upang tumawa nang tumawa.

"Oo, ang totoo niyan ay sa hardin ko siya unang nakita. Wala siya malay kaya dinala ko muna siya sa isa sa ating silid pambisita " hindi ko maintindihan dahil parang katulad ko ang nararamdaman ng binibining ito. Parang hindi siya mapakali at para pang nabubwesit.

"Ganoon pala ang nangyari" bigla nitong hinugot ang espadang nasa gilid nito at itinutok sa aking leeg. Nais kong umatras ngunit tila nabato ang aking mga paa. Ano ang nangyayari? MAHIKA. Tama, ito rin ang ginamit ng babaeng ito upang mabasa ang nasa aking isipan.

"Itigil mo iyan Roberto, ako na ang bahala sa kaniya" sumunod naman ang lalaki at hinalikan sa noo ang dalaga.

"May tiwala ako sa iyo mahal ko, naniniwala ako na hindi ka magpapadala sa karisma ng mukha ng lalaking ito" Ahhh. Kaya niya pala ako tinutukan ng espada. INSECURE ang kupal. Naiinggit siya sa kagwapuhang taglay ko na wala siya. Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng ideya kung paano ako makakaalis sa lugar na ito.

*Evil grin* Aakitin ko siya.

(A/N)

So this is the definition of terms para sa mga unfamiliar words or mga gawa-gawa kong words sa story na ito:

'Preogecaea' - ang mundo ng mga kakaibang nilalang. Nakatago sa gitna ng kagubatan ang portal patungo rito kaya hindi ito alam ng sangkatauhan. Ang mundong ito ay nahahati sa dalawang kontinente. Ang dalawang kontinente ay tinatawag na Merania at Carantania. Ang kontinente ng Carantania ay binubuo ng apat na mga kaharian ng mga nilalang na tinatawag na diwata. ( Ethylehia , Literra , Hydra, at Taifa) . Ang Merania naman ay binubuo ng tatlong kaharian (Clenkinrurg, Nova Gayle, Himagaroa) (Next time ko na sasabihin yung about sa mga kingdoms under those two continents except Ethylehia kasi nabanggit na sa chapter)

'Ethylehia' - Matatagpuan sa mahiwagang mundo ng Preogecaea sa kontinente ng Carantania. Ito ay ang kaharian ng mga diwatang may Wind essence. Ang pinakamalakas na uri ng diwata. Ginagamit nila ang hangin sa pakikipaglaban.

LahiWhere stories live. Discover now