KABANATA 3

21 0 0
                                    

Minerva's POV

Pagkatapos umalis ng Roberto na iyon ay ibinaling ko na muli ang aking atensyon sa magandang lalaking nasa aking harapan. Oo, inaamin ko na talagang nakakahumaling ang kagandahang lalaking taglay nito. Masasabi kong kahit sinong babae ay maaaring maakit sa pagtingin pa lamang sa mukha ng lalaki. Iwinilig ko na ang aking ulo. Kakasabi lamang ni Roberto na hindi ako magpapadala sa karisma ng lalaking ito. Ano ba ang nangyayari sa akin?!

"Nababaliw ka na ba talaga?" Kunot noong tanong ng mortal sa aking harapan.

"Hindi nga sabi ako baliw! Ngunit bilang prinsesa ay kailangan kong huminahon. Ako nga pala si Prinsesa Minerva Aeris ng Kaharian ng Ethylehia sa Kontinente ng Carantania. Ako ay isa sa mga diwatang gumagamit ng hangin sa pakikipaglaban. Alam kong hindi mo masyado naiintindihan ang aking mga sinasabi ngunit maintindihan mo rin sa mga susunod na araw pang pananatili mo rito."

Nakita kong kumunot muli ang kanyang noo.

"Magtatagal pa ako rito?" parang naiiritang sabi nito.

"Oo, dahil ang huli kong balita ay nawala na naman ang portal ni Caseo" mahinahon kong sabi. Ayaw ko na rin namang manatili pa siya rito. Dahil baka mahulog lamang ako ng tuluyan sa mga aksyon niya.

"Portal ni Caseo? Iyon ba ang portal na nagdala sa akin rito?"

"Pwedeng oo at pwede ring hindi"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Sa pagsasaliksik namin ay nalaman kong may kakayahan ang pinuno ng Taifa na magbukas o bumuo ng portal patungo sa iba't-ibang dimensiyon. Isa pa sa nasagap kong balita ay sa tuwing aalulong raw ang mga asong lobo kada kabilugan ng buwan ay kusa nang napupunta sila sa anumang dimensiyon nila gustong puntahan. Ang portal ni Caseo naman ay ang portal na naglalakbay sa kung saan-saang bahagi ng Preogecaea kada apat na buwan, si Caseo ay ang diyos ng mahika." mahaba kong sambit. Nakita ko namang tumango siya . Marahil ay may utak naman ang lalaking ito.

"Ahh. Ganoon pala. Ano ba ang Taifa na sinasabi mo?"

"Ang Taifa ay ang pinakamaliit na kaharian sa Carantania na tinitirahan ng mga diwata ring apoy ang kapangyarihan."

"May sinabi ka tungkol sa mga asong lobo diba?" biglang sabi ng binata na tila may naalala.

"Oo, bakit?"

"Dahil bago ako mapunta rito ay may nakita akong mga asong lobo na tila ba nagpipiyesta sa nileletsong baboy-ramo, hindi kaya ay sila ang may kagagawan kung bakit ako naririto?"

"Totoo ba yang sinasabi mo?" hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala ang aking mga sinambit?" nagtatakang pinukol ako ng hindi mawaring tingin.

Drake's POV

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala ang aking mga sinambit?" at pinukol ko siya ng nagtatakang tingin.

"Oo, dahil hindi basta-basta nagpapakita ang mga asong-lobo sa mortal na katulad mo. Lalo na kung wala naman silang mapapakinabangan sa iyo. Isa lamang ang teoryang nabubuo sa aking isipan" paikot-ikot pa nitong sambit na tila may bumbilyang lumitaw sa kaniyang ulo samantalang ako'y nakatayo lamang at nakayakap sa dalawang bakal ng rehas.

"Ano naman po iyon mahal na prinsesa?" sarkastiko kong tanong rito.

"Huwag mo na lamang isipin ang mga sinabi ko, sa ngayon ay magpahinga ka muna dahil darating ang mahal na hari at reyna upang makihalubilo sa gaganaping pagpupulong at pati ikaw ay inaasahan nilang makakadalo." mahaba nitong lintanya ngunit wala naman akong naintindihan sa lahat ng kaniyang sinabi.

"Opo, mahal na prinsesa" at yumukod ako dahil baka pag-initan na naman ako nito.

THIRD PERSON'S POV

Sa kabilang panig ng Preogecaea, sa kontinente ng Merania, sa kaharian ng Nova Gayle ay may nagaganap na pagpupulong. Dinaluhan ito ng mga nakakataas at ng mga mayayaman. Pinaghahandaan ang gaganaping ika-apat na paglusob. Nais nilang ipakita na mas nakahihigit sila kaysa Carantania na kontinente na pinaninirahan ng mga diwata.

"Nagawa mo na ba ang aking ipinag-uutos?" tanong ng pinuno ng mga asong-lobo sa isa sa kaniyang mga tauhan.

"Opo mahal na pinuno, sa ngayon ay nasa kamay na siya ng Prinsesa ng Ethylehia"

"Magaling, maghintay lamang sila at alam kong sa oras na ito ay sa atin papanig ang tadhana" tawa ng pinuno ng mga asong-lobo at umalulong ng pagkalakaslakas na senyales na nasisiyahan na ito sa mga pangyayari.

"Mahal na pinuno ng Clenkinrurg, ipagpapatuloy na po muli ang pagpupulong" sambit ng tauhan ng Pinunong dwende.

Nagsama-sama nga ang tatlong pinuno ng tatlong bansa ng Merania. Sa Clenkinrurg na si Elfy Elvin, isang dwendeng walang makahihigit pagdating sa katalinuhan. Sa Himagaroa na tahanan ng mga asong lobong pinamumunuan ni Rock Wolves at ang huli ang Nova Gayle na tahanan ng mga tinatawag na demonyo dahil sa pambihirang lakas o di kanais-nais na itsura.

~~~~~~~~~~~~~~~(A/N)~~~~~~~~~~~~~

Wala ako ritong DOUW (Definition of Unfamiliar Words) dahil sinabi na naman sa Kabanata ang ibig-sabihin ng mga terminong nabanggit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LahiWhere stories live. Discover now