KABANATA 1

36 0 0
                                    

Drake POV

Takbo lamang ako nang takbo. Palingon-lingon sa paligid. Nagmamasid kung may nakasunod pa rin sa akin. Wala na ang pulis. Wala nang huhuli pa sa akin dito sa gitna ng kagubatan. Binuksan ko ang pekeng Gucci wallet. "Bente?" Nagkanda-takbo pa ako mula palengke hanggang dito sa gitna ng gubat tapos bente lang pala ang mapapala ko.

*Fire sound* Ilang sandali lamang ay parang may narinig akong tila ba apoy. May niluluto! Isang baboy ramong tila bulok na at nilalangaw pa rin kahit nasa ibabaw na ng apoy. Pinaliligiran ito ng limang aso? asong-lobo? Nakatitig ang mga ito sa baboy ramong iniihaw. Tumutulo pa ang laway ng mga ito na tila hayok na hayok sa nakikita sa kanilang harapan. Sa tabi ng mga ito ay may kubong gawa sa pawid at kawayan. Kanino kaya ito?

Nagulat na lamang ako nang biglang may pumatak sa aking balikat. Umuulan na pala. Nang tinignan ko muli ang mga asong-lobo ay wala na ito roon. Kailangan ko nang lumabas sa gubat na ito lalo na't palubog na ang araw. Ibibili ko na lang ng sampung pandesal ang benteng nadekwat ko mula sa Ale.

Mag-iisang oras na akong paikot-ikot sa gubat. Hindi ko maintindihan ngunit tila ay naliligaw na nga yata ako. Mula siyam na taong gulang ay dito na ako namamalagi malapit sa kagubatan kaya't alam kong tama ang dinaraanan ko pero bakit napapadpad parin ako dito sa may kubo malapit sa pinag-iwanan ng mga aso.

Natikbalang kaya ako? Dali-dali kong hinubad ang aking damit at binaliktad. Ito ang sabi ng aking lola. Bilin pa nito sa akin na kapag naligaw raw ako sa lugar na pamilyar ako ay natitikbalang na ako kaya dapat baliktarin ang damit upang hindi maligaw.

Lumakas na ang ulan. Kumakalam na ang aking sikmura. Madilim na rin ang paligid. Napagdesisyunan ko na lang na pumasok sa loob ng kubo. Nakita ko ang isang lamesa, isang upuan, isang papag at isang lampara. Humiga na lamang ako sa papag at ginawang unan ang aking mga braso. Iniisip ang possible kong naging buhay kung hindi lamang namatay ang mga magulang ko. Hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog dala na rin ng pagod sa pagtakbo ko rito.

"Ahhh!" Ang daing ko nang maramdaman ko ang sakit ng aking ulo. Minulat ko ang aking mga mata at pinasadahan ng tingin ang paligid. Sigurado akong hindi ito ang kuwarto ko dahil gawa lamang iyon sa pinagtagpi-tagping kung anu-ano. Hindi rin ito ang tinulugan ko kanina sa kubo. Nasaan kaya ako?

Nakakita ako ng tatlong pintuan. Una kong binuksan ang pinakamalapit sa akin. Sa kaliwa ng magarbong kamang aking hinigaan. Pagbukas ko nito ay isa pala itong kubeta. Binuksan ko ulit ang isa pa. Isa pala itong 'walk-in-closet' . Punong-puno ng panglalaking damit. May mga alahat sa gitna. May korona pa rito.

Lahat ay magarbo kasama na ang bilugang salamin sa aking harapan. "Ano ang iyong tinitignan mortal?!"

Lumingon ako sa kaliwa. Lumingon rin ako sa kanan ngunit wala akong nakitang tao. Nasaan ang nagsasalitang iyon.

"Wag mong ibaling ang tingin mo sa kung saan-saan, eto ako sa harapan mo hangal!" galit na galit na saad nito. Tumingin ako sa aking harapan at nakakita ako ng salamin. Salamin na may mukha. Hindi ko ito mukha bagkos ay may sarili talaga itong mukha. May bibig, ilong, at dalawang mata. Wala ito ni ulo o katawan. Agad akong kinilabutan. Lumabas ako sa kuwartong iyon at binuksan ang nag-iisang pintong hindi ko pa nabubuksan.

Takbo lamang ako nang takbo. Nakita ko ang malaking pintuan. Tanaw na roon ang tarangkahan pati na ang napakataas na pader ng bahay na ito. Bahay nga ba ito? Mansyon? o Kastilyo? Hindi na mahalaga iyon. Kailangan ko nang makalabas sa lugar na ito. Malapit na ako. Nahawakan ko na ang pangbukas ng tarangkahan. "Ahh!" sigaw ko sa sakit na naramdaman. Pagkakita ko ay isa itong sapatos. Hinawakan ko ang aking batok at tinignan ko ang aking kamay, dugo. Bago pa ako mawalan ng ulirat ay nasinagan ko ang magandang binibining nakasuot ng pangprinsesa at kunot noo at galit na galit na sinambit ang "At saan ka pupunta?"

(A/N)

Sorry po short po ang Kabanata 1. Babawi po ako sa mga susunod na Kabanata. Makakaasa po kayo. Huwag pong kalimutang ifollow niyo po ako at vote my story po.

LahiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt