30: Ayoko na!

200K 3.8K 400
                                    


Ganito pala ang pakiramdam kapag wala ang bestfriend mo. Mag-isa ka at walang magtatanggol sayo. Madali ka nilang maaapi dahil wala kang kakampi. Friday na. Absent pa rin si Mel.

Kanina pagkatapos ng P.E. namin, maagang umalis ang teacher kaya wala akong nasumbungan. Kinorner ako ng mga kabarkada ni Amanda sa girl's comfort room. Sa harapan ko, ibinuhos nila ang laman ng bag ko sa basurahan. Tapos 'yung pamalit ko pa sanang damit ay inihulog nila sa mapanghing inidoro.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa buhok kong naka-ponytail at bigla nila itong ginupit. Gusto kong maiyak pero pinigilan kong gawin 'yun sa harap nila. Ayaw kong magpasindak. Pero nanginginig na ako dahil hindi ako makalaban. Wala akong lakas ng loob.

Bigla nilang ipinakita 'yung sulat na itinapon ko sa basurahan. Hindi pala sila ang may gawa 'nun at pinulot nila noong makitang itinapon ko ito.

Saka sila lumabas at doon ipinagsigawan sa buong section namin at ibang estudyante na kasabayan naming mag-P.E. na ako raw ang may gawa ng sulat na 'yun para kay Deane. Hindi sila naniniwala na ibang tao ang nagbigay saakin 'nun.

Lumapit na saamin si Amanda at binasa niya 'yung sulat na hawak ng mga kaibigan niya. Napatingin siya saakin ng masama. Mas nauna pa siyang umiyak kaysa saakin.

Mas lalo tuloy nagalit ang mga kabarkada niya at ipinagsigawan nilang, "Mang-aagaw ka! Sulutera! Feelingera!" daw ako.

Plano nilang palabasin na ako ang masama. Na ako ang kontrabida. At paniwalang-paniwala na ngayon ang lahat na ako nga ang dahilan sa break-up nina Amanda at Deane.

Hindi na ako nakapagpigil pa at naiyak na rin ako. Saka pa lang nakalapit si Deane at hinablot niya ang sulat kay Amanda.

DEANE: Tigilan niyo na 'to, Amanda!

AMANDA: Bakit ako!?

DEANE: Bakit hinahayaan mo pang gawin 'to ng mga kaibigan mo? Alam mo naman kung ano ang totoong dahilan kung bakit tayo nag-break, 'di ba? 'Wag ka nang mandamay ng iba!

Matapos nilang magsagutan, lalapitan na sana ako ni Deane pero umatras ako palayo. Dahil kapag hinayaan ko siyang gawin ito sa sitwasyon ngayon, baka mas lalo lang magiging kumplikado. Mabuti pang ako na lang ang umiwas.

Tumakbo na ako paalis at nauna nang umuwi. At pagdating ko ng bahay, nagkulong na lang ako rito sa kwarto at hininaan ang boses para hindi marinig nina Mama at Papa.

Ang sakit sa dibdib. Ayoko nang pumasok next week.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now