48: End of the School?

177K 3.5K 162
                                    


Kataka-taka na tahimik na ulit ang buong school. Magi-end of the world na ba? Ay teka, masyadong intense 'yun! Magi-end of the school na ba?

Parang medyo natatanggap na kasi ng mga tao na madalas na kaming magkasama ni Deane. Nakakakain na nga rin kami ng sabay sa cafeteria. Wala nang nagtatangkang sumugod na mang-away sa akin, pero paminsan-minsan ay ramdam ko pa rin ang ang inggit at selos ng iba.

Pero wala naman silang dapat ikaselos. Obviously, walang something 'romantic' sa pagitan namin ni Deane. Tsaka eww lang! Kilabutan naman kasi! From Amanda's level tapos biglang ako? Imposible 'yun!

Kaya ayun. Nakakahinga na ako ng maluwag dahil unti-unti nang nabubura ang issue na binasted ko raw siya noon sa cafeteria. Hindi naman talaga totoo 'yun eh. At masasabi ko na ring we're finally friends. Magkasundo pa kami sa potato chips at favorite niya rin pala ang Jungle juice.

Ito 'yung feeling na namiss ko noon habang kasama ko si Mel. Salamat kay Deane dahil nararanasan ko na ulit ngumiti at maging masaya ngayon.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now