96: Journal Ko!

158K 2.8K 175
                                    


Waaaaah! Journal ko! Huhuhu! Akala ko naiwala na talaga kita! Nasa akin ka pa naman noong Monday. Ang dami ko na ngang naipong kwento mula sa school na balak ko isulat kaso pag-uwi ko na ng bahay, hindi na kita mahagilap sa bag ko! Ibinuhos ko na lahat ng gamit ko pero wala ka pa rin! Akala ko hindi na kita makikita or worse, may ibang makakabasa na sa mga nilalaman mo!

Alam mo bang halos sinisi ko pa si Deane sa mga pangyayari? Ganito kasi 'yan...

Noong uwian, sinabihan ako ni Mrs. Honorio (class adviser at teacher rin namin sa World Literature) na dumaan muna sa faculty room. Bitbit ang mga gamit ko at may yakap pa akong mga libro at notebook, patakbo na akong pumunta doon.

Kaso pagliko ko papunta ng hagdanan, nagkasalubong kami ni Deane. Sa gulat ko, tumilapon sa ere and mga libro at notebook ko at halos msubsob na rin kung hindi lang ako nayakap ni Deane palapit sa kanya.

Nag-away pa kami 'nun. Kamuntikan na raw ako at sinisi ko naman siya dahil siya 'tong biglang sumulpot. Hindi namin namalayan na habang magkausap, sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa. Natauhan nga lang kami nang may dumaan na isa sa mga kaklase niya at nagparinig, "Ayos ah. PDA."

Naitulak ko palayo si Deane at nagmadali na lang pulutin ang mga gamit ko. Saka ako tumakbo papuntang faculty room. Ibinigay sa akin ni Mrs. Honorio ang recommendation letter niya para sa mga pag-aaplyan kong universities.

Tapos 'yun na! Pag-uwi ko sa bahay, doon ko lang napansin na wala ka na, journal ko.

Tinext ko na si Deane at sinabi kong nawalan ako ng gamit. Sobrang na-guilty siya at nagsabi na sabay naming puntahan bukas sa Facilities Management Office dahil baka may nag-surrender na 'nun.

So kaninang umaga bago magsimula ang klase, sabay na naming pinuntahan ang office at nagtulong na maghanap sa 'Found Items.'

Ang tagal naming naghalungkat. Si Deane pa 'yung sobrang nagpawis at naalikabukan sa paghahanap. Noong sobrang na-depress na ako, halatang na-depress na rin siya. Ayaw pa niya sanang tumigil dahil naniniwala siyang nandun lang 'yun pero sabi ko, itigil na namin kasi malapit na rin magsimula ang klase.

Tahimik na kami pareho hanggang sa makarating sa classroom ko pero pagpunta ko naman sa pwesto ko, nasa desk lang pala kitang journal ka!

Natulala si Deane noon. Para siyang na-badtrip dahil sa pagsisi ko sa kanya noong una at sa pagod, dungis at effort na nasayang niya. Syempre, nag-sorry naman na ako sa kanya ng buong araw.

Kaya ayun! Basta journal, 'wag ka na ulit mawawala! Halos four years na tayong magkasama. Lahat ng mahahalagang pangyayari sa high school life ko, pati mga sekreto ko ay alam mo. Sobra na ang sentimental value mo kaya 'wag mo na akong iiwan ulit ha.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now